Chapter 13

9 2 17
                                    

3 week na nang mangyari ang lahat. Tatlong linggo na nang magparaya ako, nasaktan at nag dusa. Masakit sobra, Masakit parin.

Pero hindi naman ako magiging masaya kung ikukulong ko lang palagi sa sakit ang sarili ko.

I need to stand by myself dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahina ako kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.

Lalo na at lumalala na talaga ang sakit ko na hindi ko alam kung bakit. Palagi naman kaming nagpapacheck up ni Daddy. Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit palaging si daddy ang kasama ko.

I called my mom when I finished bathing. Nakapagdesisyon na ako. Ready na akong pumunta sa Switzerland hindi para magbakasyon kundi para magpahinga.

Pagod na ang katawan ko pinipilit ko nalang maging malakas. Pinipilit ko nalang maging masaya.

"Yes Anak how are you?" My mom said.

"Mom I decided that I'll go to Switzerland." Sagot ko.

Narinig ko naman na napabuntong hininga nalang siya

"I will check my schedule anak if when ako available. I talked to your dad too so that he can come with us." She said

Kaya naman tumango nalang ako nag usap lang kami saglit tsaka ko binaba ang tawag.

I need to be bond with my friends

I called Alyssa... May point naman siya. Sasabihin niya naman agad sa akin pero nawala lang talaga ako at masyado lang siguro kaming masaya noong nakalipas na taon at buwan kaya hindi na niya nasabi ang tungkol sa nakita niya.

"Theya, I'm sorry" pagkasagot niya ay bumungad ang sorry niya

Napangiti naman ako at umiling. Na tila ba kita Niya

"Alyssa forgiven ilang linggo kana nagsosorry sa akin. Forget it nalang. Labas tayo tomorrow with the girls okay? Call them for me please" sabi ko kaya naman tumango siya

Mahabang pag uusap ang nagawa naman dahil hingi siya ng tawad ng paulit ulit

Humiga na ako sa kama ko at natulog. Natulog ng may bigat sa puso. Masakit parin pero wala na akong magagawa.

Ayoko din kasing lumaki yung bata na yun na walang ama. I don't want to be selfish.

Mahal ko si Nathaniel pero hindi ako masamang tao para ipagkait sa bata ang ama.

*********
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng ibon. Another day with a painful day.

I woke up at tumingin sa salamin.

"It's okay, to begin your story today. Those mistakes you've made along the way are lessons, not failures. You were meant to get back up and find a way that resonates with you. There is no expiration date to reinventing yourself, you can do it Theya." Told to myself and put a smile in my lips.

Naligo at nag ayos narin ako. Light make up lang para naman maganda parin kahit broken.

Nang makababa ako ay nakita ko si Kuya Dior na nakatunganga

Kumunot naman ang noo niya nang makita niya ako

"Umiyak kaba?" Tanong niya

What the nag concealer na ako bakit napansin niya

"Puyat lang kuya kasi nanood ako ng kdrama kagabi" sagot ko. Lies.

"Okay. Sige kumain kana diyan mauuna na ako may meeting pa kasi ako." Aniya kaya naman tumango nalang ako

My HomeWhere stories live. Discover now