Kabanata 3

19 1 8
                                    

I was enjoying swimming in my dream land when I heard a continuous loud knock. Naiinis na tinakpan ko ng unan ang aking tenga.

Inaantok pa ako at wala pa akong balak na bumangon.

"Ate Kat, wake up!" Kelsey shouted from the outside.

"Get out!"

"Wake up!"

I let her keep knocking. I am still sleepy, late na akong natulog kagabi. Pagdating namin ni Kelvin, humarap pa ako sa computer ko para magsulat. Wala pa akong energy na bumangon dahil kulang pa ako sa tulog.

"Mom, ate don't want to get up!"

Asar na ipinadyak ko ang mga paa ko. Hindi ba niya magets na ayaw ko pang bumangon.  Bakit sa harap pa ng pintuan ko siya sumisigaw. Istorbo siya.

"Babangon ka o susunugin ko iyang kwarto mo?" It's mom. Kalmado lang ang boses nito pero puno iyon ng pagbabanta.

Naasar na bumangon ako. Wala na akong choice, hindi talaga nila ako tatantanan. Baka umatake pa ang armalite na bunganga nito, mahirap na.

"Alas-nueve na. Tirik na ang araw, nakahiga ka pa rin. Maligo ka at pumuntang palengke," bungad agad nito ng pagbukasan ko ng pinto.

"Why me?" I rubbed my eyes.

Ayan naman si Kelsey bakit ako pa ang uutusan niya?

"At sino ang gusto mong utusan ko?" nakapameywang na tanong nito.

"Ma, puyat ako. Four na ako nakatulog kanina. Si Kelsey na lang ang utusan mo. Inaantok pa ako, eh," pagrereklamo ko.

Hinilot ko nag sintido ko, medyo kumikirot pa ito. Nakainom ako tapos napuyat pa ako ng husto. Tapos medyo nag-isip rin ako dahil sa nangyari sa bar kagabi.

"Bye, Ma! Alis na ako!" dinig kong sigaw ni Kelsey.

"Rinig mo naman 'di ba? Mag-ayos kana. Bilisan mo at lulutuin ko pa iyon. Para naman ma-exercise ka rin," saad nito at tumalikod na.

Inaantok pa talaga ako. Kaya nagtatalon muna ako para magising ang diwa ko bago pumasok ng banyo. I need to freshen up  para mawala ang antok at sakit ng ulo ko.

"Iyan ang listahan ng mga bibilhin mo." Iniabot sa akin ni mama ang isang papel kung saan nakalusat ang lahat ng bibilhin ko. Bago inabot sa akin ang pera, one thousand pesos.

Tumango lang ako at walang imik na tumalikod na.

"One kilo shrimp, bell pepper, scallion, and sili," basa ko sa mga nakalista habang naglalakad palabas ng bahay. "Ito lang ang bibilhin, inilista n'ya pa talaga."

Sumakay ako sa bisikleta ko. Papuntang palengke, malapit lang naman ang ito kaya hindi ako mahihirapan.

Mabilis ko namang nabili ang inuutos ni Mama. I put it on the front basket of my bicycle. I am humming while pedalling.

Pauwi na ako nang biglang may batang humarang sa daraanan ko. Muntik ko na itong mabangga kung hindi ko tahawakan ang preno. Bigla na lang kasi itong sumulpot kung saan.

"What are you doing?" kunot ang noong tanong ko.

Nakadipa ito sa harapan ko na para bang pinipigilan akong makalampas. Mukha itong anak mayaman base sa suot nitong damit. Nakadress na may lace ang laylayan at maging ang medyas nito ay may lace din. Nagmumukha tuloy iting manikang dinamitan. Anak yata ito ng foreigner dahil parang gatas ang balat nito at tangos ng ilong nito. She's beautiful like a doll.

"I need your help. Help me," saad nito pero hindi iyon pakiusap, mas tamang sabihin na nagde-demand itong  tulungan ko.

"Busy ako tumabi kana d'yan," sagot ko. Nasa may park kami sa loob ng subdivision namin. May park kasi sa loob ng subdivision kung saan naglalaro ang mga bata. May ilang batang naglalaro sa park, siguro kasama nito.

DESIRING THE NANNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon