Chapter 2: Another One

436 19 1
                                    

Izza

2 years ago

"Happy birthday to you, happy birthday to you, 🎶" kinusot ko ng dahan dahan ang dalawang mata, nagising ako dahil sa boses ng kumakanta.

Si mama Deanna at mommy Jema ay may hawak na chocolate cake na may sinding kandila habang papalapit sa higaan ko. Sinilip ko ang wall clock. It's 12 AM, 18 na ako.

Napangiti ako nang di namamalayan, nasa legal age na ako which means...

Pwede na akong magpaligaw kay Julia, iyon kasi ang kasunduan namin ng parents ko.

"Hello baby, laki ng ngiti mo ah?" hinalikan ako sa noo ni mommy habang si mama ay nilapag ang cake sa side desk ko.

"Huwag mo sanang isipin na 'di na kami cool ni mama mo. Gusto lang namin dalawa na kami ang unang bumati sa'yo."

Bumangon ako para yakapin silang dalawa. May party silang hinanda para mamaya at sobrang na appreciate ko na 'yon. Pero what they're doing right now, this is the best way to celebrate my birthday.

"Thank you so much mommy at mama," sabi ko habang naiipit sa yakap nilang dalawa.

"You're always welcome baby, mahal na mahal ka namin ni mommy mo okay? We will do everything to protect you," my mama said habang hinahaplos ang buhok ko.

I could sense fear in her voice but I couldn't distinguish why kaya binalewala ko nalang dahil baka nasa isip ko lang din 'yon.

"Mag wish ka na baby," kinuha ni mama ang cake at nilapit sa akin.

Pumikit ako at inisip ang wish ko bago hipan ang candle. Hinalikan ko sila mama sa pisngi nang matapos ako.

"Tulog tayo ulit mommy at mama, tabihan niyo ako please?" I said habang nagpapa cute para 'di sila makatanggi.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakahiga at napapagitnaan ng mga magulang ko. This is the best birthday ever. I can't wait to see Julia mamaya.

-

"Nabalitaan mo ba?"

"Ang alin?"

"Nagrereklamo ang mga hari at reyna ng ibang vampire kingdoms mula sa iba't-ibang parte ng mundo dahil sa takot sa chosen one."

"Ay oo, totoo kayang ipapatapon daw ang prinsesa sa kaharian ni Poseidon upang itago?"

Napakunot ang noo ko sa mga narinig mula sa dalawang guards na nakabantay sa entrance ng palasyo.

"Iyon daw ang unang plano pero may ipinadala silang ibang tinutukoy sa propesiya."

What? Ibang tinutukoy sa propesiya?

Simula bata pa ako, I know it's me because that's what everyone said. My parents, grandparents, uncles and aunties. Everyone.

My LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ