Chapter 1: The Newcomer

949 23 7
                                    

Izza

Why does it need to be her?! Nakakainis naman oh.

I could never be bothered to greet our new teammate, sinesenyasan na ako ng co-captain ko na si Melissa Fajardo na tumayo but I don't care. Bahala silang pagkaguluhan 'yang Julia Ravena na 'yan. Tss.

Nakahiga lang ako sa bleachers habang pinapakinggan ang ingay nila sa baba. Puro "kamusta ka na," lang naman ang naririnig ko mula sa mga kasamahan ko.

"Uy ang papi ng bagong member ng volleyball team," a random girl na may matinis na boses said. "Oo nga tapos balita ko she's into girls daw, may pag-asa tayo besh."

Parang nayanig naman ang gymnasium nang kumulog at kumidlat ng malakas bigla. Tsk. Umupo ako ng maayos at tiningnan ng masama ang dalawang babae that cause them to immediately ran away.

"Izza Margarette bakit nakaupo ka lang d'yan?" Tita Jia asked, she's our coach.

"Why tita Ji? Do I really need to introduce myself to her pa? I think she knows me naman na, 'diba ATE Julia?" I rolled my eyes while emphasizing the word ate  bago tignan ang babaeng kasing-bughaw ng karagatan ang mga mata.

She has her infamous smirk while staring directly at my eyes. "Hello baby...." nakipagsukatan ako ng titig sakan'ya "Izza," siya ang unang umiwas pero nakangiti pa rin.

"Whatever," I said at tumayo na. "Tita Jia mauna na ako, I need to talk to mama." I didn't wait for her response, tapos na rin naman ang morning practice namin kaya ayos lang na umalis na ako.

Nang makalabas ng tuluyan sa gym ay napasuklay ako sa buhok ko gamit ang kamay because of frustration. Sino ba siya satingin niya?

"Siya lang naman ang Mermaid Queen na mahal na mahal mo," my conscience told me. Nakakagigil talaga.

I am Izza Margarette Wong, the heir of UK and Philippines' vampire kingdoms tapos magkakaganito lang dahil sa isang sirena?

Isang magandang sirena.

Tsk. Oo na.

Aalis-alis siya na wala man lang paalam pagkatapos babalik na lang bigla? Sinipa ko ang bato na nadaanan ko sa sobrang inis.

"Ouch!" Nahinto ako sa paglalakad, "Ang sakit," I immediately ran to her side nang muntik na itong matumba.

"I'm sorry miss," natamaan kasi ang noo nito ng bato na sinipa ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa at nilagay sa ulo niya. It's bleeding.

"P-princess Izza, a-ayos lang po," nauutal nitong sabi nang mapagtanto kung sino ako.

"No it's not okay, I will bring you to the infirmary," kasi naman, this is definitely Julia's fault. She's messing with my thoughts.

"Ayos lang talaga kamahalan, 'tsaka pagaling na din naman oh." Tinanggal niya ang panyo at hindi na ito dumudugo, unti-unti na rin na naghihilom ang sugat. "Hindi man ako kasing lakas niyo at ng ibang noble ay bampira pa rin ako kamahalan," nakangiting sabi niya kaya ngumiti na lang din ako.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ako po si Elisse kamahalan. Elisse De Jesus," yumuko pa ito pagkatapos magpakilala kaya hinawakan ko ang balikat niya para tumuwid na siya ng tayo ulit.

"Izza Margarette."

Sabay kaming napalingon sa boses.

Si Julia na masamang nakatingin sa aming dalawa. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang mapagtanto na sa kamay ko na nakapatong sa balikat ni Elisse diretso ang tingin niya.

"Mauna na ako Elisse."

Binitawan ko na si Elisse para tumuloy na sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.

My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon