Chapter 4: Truth and Reasons

353 20 6
                                    

Izza

"Where is my lover?" Sakal-sakal ko ang isa sa mga black magic witches na nahuli namin.

Dalawang araw na naming hinahanap si Julia.

"Izza teka lang 'wag mo siyang patayin, magagamit pa natin 'yan," paalala ni Vic pero hindi ko niluwagan ang pagkakasakal ko.

"H-hindi ko sasabihin!"

Ang tapang.

Pag talaga may ginawa silang hindi maganda kay Julia ay hindi ko patatawarin ang tatlong mangkukulam na nabihag namin.

Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana nila nadakip si Julia. Masyado akong natulala nang tamaan siya noong nakaraan kaya hindi ko namalayan kung paano nila naisama si Julia sa pagtakas.

"Izza Margarette. Bitawan mo ang bihag natin," matigas na sabi ni mommy Jema kaya wala akong magawa kun'di ibalibag ang lalaki sa sahig.

"Izza, relax ka lang," tiningnan ko ng masama si Elisse.

Nawawala ang lover ko at sasabihin niya na mag relax ako?

"Kapag wala akong nakuhang sagot sainyong tatlo pagkatapos ng araw na ito ay di na kayo aabutan ng sikat ng araw bukas," banta ko bago lumabas.

Hinayaan ko na sila mommy at mama na mag interrogate.

Pumunta nalang ako sa bangin malapit sa dagat para pagmasdan ang tubig.

"Julia..."

hays.

"Izza."

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kakarating lang.

"Baka kailangan mo lang ng kasama," nakangiti nitong sabi pero imbes na matuwa ay mas lalo akong nainis.

"Hindi ko kailangan ng kasama. Umalis ka na Elisse," Hindi ko na siya sinalubong ng tingin ulit at binalik ang pagmamasid sa karagatan.

Hindi pa rin siya umaalis, tumabi pa ito ng tayo sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Ssshh.. I'm just being a good friend."

"We're not friends."

"Oh. Okay. But that doesn't mean we can't be more than that, right?" Sabi nito at hinawakan ang pisngi ko.

Iwinaksi ko ang kamay niya at tinulak siya palayo.

"Don't ever come near me again!" Banta ko at tumalikod na.

"Hindi mo ako mapipigilan Izza. Our fates are bound to cross."

Hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko pang hanapin ang mahal ko.

______________

Julia

"Izza?"

Nanghihina ang boung katawan ko, I even find it hard to lift both of my arms. Hindi ko rin maidilat ng bou ang dalawa kong mata, tanging puting kisame lang ang naaaninag ko.

"Izza ..." Tawag ko ulit nang wala akong makuhang sagot.

Nakakadena pala ang parehas kong kamay at paa, kaya pala parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Nasaan ka na Izza?

"Psst!"

Pinilit ko na lumingon sa pinanggalingan ng boses. May babaeng nakaputing damit na nakatayo sa kabilang selda. Nasa kulungan ako?

Umupo ako para harapin siya. Medyo mahaba naman ang kadena pero hindi sapat para makatayo ako.

Walang kahit isang bintana ang paligid, puro puting pader, may hagdanan papuntang kisame at bakal na pinto sa taas nito.

My LoverWhere stories live. Discover now