Chapter 3: The Half-god

392 16 2
                                    

Deanna

"The chosen one has arrive,
With the great war's reward.
Heavy winds while lightning strikes.
In the hands of the broken soul,
The race would stand or slump."

Binasa ko ulit ang propesiyang nakasulat sa isang punit na pahina ng malakimg librong dala ni Mika.

Zeus's course. Bakit kailangang magbitaw ng sumpa ang hari ng mga diyos na maaring ikapahamak ng lahat ng mythical kingdoms?

"This is getting out of hand."

Nabalik naman ang atensyon ko kay mommy Den na kanina pa paikot-ikot habang minamasahe ang sentido.

"Ano ba ang napag-usapan niyo ni Julia hon?" Tanong ni mama Alyssa na di na nakatiis na hilahin si mommy Den para umupo. Kaagad naman itong bumuntong hininga bago may nilabas na boteng may papel sa loob.

"What's that?" I asked.

Nilapitan ko ang bote para matignan ng maayos. May mga nakaukit na larawan sa katawan ng bote.

Dalawang pigura na parang naglalaban; Ang isa ay may hawak na lightning bolt na nasa itaas ng mga ulap habang ang ilalim na parte ay nakatingala habang napapalibutan ng malalaking alon.

"That's the other piece of the torn page. Ibig sabihin ay hindi pa tapos ang propesiya."

Walang umumik sa sinabi ni mommy Den.

"Tapos si Julia. Ang tunay niyang ama ay.. " huminga muna ng malalim si mommy Den.

Lahat kami nakanganga sa narinig.

"Si Poseidon. Julia is the daughter of the sea god."

"I-ibig sabihin.." nauutal na sabi ni Jia, "Julia is a half god?"

Nakatingin kaming lahat kay mommy Den, waiting for her confirmation na sinagot niya lang ng dahan-dahan na pangtango.

Napahawak ako sa kamay ng asawa ko, "hindi pwede..."

May kasunduan kasi ang tatlong pinakamalakas na magkakapatid na diyos; Zeus, Poseidon at Hades na hindi sila maaring magkaroon ng anak sa kahit anong mortal at immortal maliban nalang sa mga asawa nila o kaya sa ibang diyos at diyosa.

Because the trios demigod children are too strong para dito sa kalupaan kaya minabuti nilang gumawa ng kasunduan.

"Kaya ba gumawa ng sumpa si Zeus para kalabanin ang anak ng kapatid niya? Para kalabanin si Julia?" Tanong ni Mela.

Pero nakasulat na ang propesiya ng ilang daang taon bago pa man maisilang si Julia. Matagal bago nakasagot ang highest royalty, halata na pinag-iisipan niyang mabuti ang isasagot.

"Yes and no."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yes, para pangontra sa anak ni Poseidon and sumpa and no, hindi ito para kay Julia." May pagdududa sa boses niya. "Sana."

Napakunot ang noo ko sa sagot niya, kung ganun para kanino?

"Para sa akin. I'm also Poseidon's daughter." Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

Sino siya? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Sinenyasan ito ni mommy Den na magpatuloy.

"I'm Elisse De Jesus. Half vampire, half god."

--

Julia

Nagising ako sa mumunting halik na dumadampi sa leeg at mukha ko. Napahawak ako sa balikat ni Izza para idiin pa siya palapit sa katawan ko nang mapagtanto na wala pa rin kaming saplot pareho.

My LoverWhere stories live. Discover now