Chapter 5: Underwater

394 15 11
                                    

Izza

"My Princess, what are you doing here?" lommy Den ask after she sat beside me sa bench dito sa garden ni lola Judin. Saktong nandito siya dahil marami akong gustong itanong sakan'ya.

"Lommy..." huminga muna ako ng malalim before asking what's bugging my mind.

"What really happened these past two years? What's the real reason behind Julia's sudden disappearance ?" Sunod sunod kong tanong but my grandmother's reaction is telling me that she's already expecting this to happen.

"I don't want your 'malalaman mo rin' answer lommy, my girlfriend is missing AGAIN and it's driving me insane. So please, whatever it is you're hiding from me, I deserve to know it. Please lommy," I beg.

"Izza, it's too complicated, kami ng mga magulang mo ay gusto ka lang protektahan."

"Protektahan from what?" 'yan kasi ang problema sakanila, they keep on excluding me sa mga sekreto nila.

"Don't you think it would be better na malaman ko? Lalo na't it's about me."

Kita ko ang paghinga niya ng malalim.

"The Zeus' Curse, your power," tinitigan ako ng lola ko sa mata. "We already told you that you are the chosen one right?"

Tumango lang ako, I think everybody in this kingdom knows it naman eh.

"Maraming gusto kang patayin dahil natatakot sila sa maaring mangyari. Plano mga sana naming itago ka sa ilalalim ng karagatan at magsanay hanggang sa kaya mo nang protektahan ang sarili mo ngunit..."

"Ano?"

"May natuklasan pa kami na dahilan para magkagulo ang plano."

"Your gift. It was made to kill Poseidon's half-god offspring," hinawakan niya ako sa balikat ng mahigpit. "Iyan ang nasa propesiya."

"I know there's more, sabihin mo na sa akin lommy."

"Julia is a half-god. Anak siya ni Poseidon."

Para akong nabingi sa narinig, I just stared at my grandma for almost a minute not able to utter a single word.

"W-hat?"

"Kaya imbes na ikaw ang ipadala sa palasyo ni Poseidon. He demanded na si Julia ang ipadala and we had no idea why, bago lang din namin nalaman apo ko. I'm sorry."

May mali.

'di ko maintindihan.

Kaya siguro hindi gift ang tawag sa kapangyarihan ko kagaya kina mommy.

Because it's really a curse.

Paano ko magagawang saktan ang babaeng mahal ko?

Dmn it.

"Aquiro! Nasa vampire kingdom na tayo yehey!"

Sabay kaming napalingon ni lommy sa may likod ng bench kung nasaan ang mahahabang vines. Gumagalaw ito kaya sigurado akong doon nanggaling ang boses .

"Ella! Hinaan mo lamang ang iyong boses baka may makakita sa ating iba. Pinagbilin ni Queen Julia na si Queen Dennise lamang ang ating dapat makausap muna," pabulong na sabi ng isang lalaki.

Lalakad na sana ako papunta sa kung saan nagmula ang ingay but my grandma stepped on my way. "Sa likod ka lang Izza."

Wala na akong nagawa kundi sumunod, mahirap na baka makutusan.

"Anong pakay ninyo sa palasyo ng mga bampira? Lumabas na kayo sa pinagtataguan niyo!" May diing sabi ni lommy Dennise. Pati ako ay kinilabutan sa tono ng boses nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My LoverWhere stories live. Discover now