SPECIAL CHAPTER (ZYRUS THEODDEOUS)

1.2K 54 3
                                    

Ilang buwan akong walang update, kaya magbibigay ako ng special chapter yeheyy! Sa mga nakamiss sakin magvote kayo, kung may nakamiss ba sakin :( choz! Ayun enjoy reading!!!

Theo's Point of View

Hello readers ako pala si Zyrus Theoddeous Jimenez, 16 years old, grade 11 stem student, at isa akong gay alam na ng buong family ko na baliko supportive pa nga sila sakin. Minsan pinagkakamalan akong babae di sa pagmamayabang meron akong mahabang pilik mata hugis pusong labi slash mapupula pa ito na namana ko kay mommy.

"Baby brother tara na! Malalate na tayo!" Nakakairita talaga si kuya lagi niya na lang akong tinatawag na baby brother e hindi na nga ako bata.

"Bababa na kuya sandali!" Sinigurado ko muna lahat kung may naiwan ako bago ako lumabas ng kwarto ko. Nang nakababa na ako sumalubong sakin sila kuya kasama yung mga kaibigan niyang monster at sila mommy at daddy. Lumapit ako kala mommy at daddy para ikiss sila sa pisngi.

"Buti nakababa kana baby brother!" Nakangising sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko. Lagi rin tong ginagawa sakin ni kuya yung guguluhin yung buhok.

"Ugh! Kuya not my hair! Kuya wag ko nga akong tawaging baby brother di na ako baby!" Sabi ko tumawa naman sila sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Xander wag mo na kaseng tawaging baby brother si Theo"sabat naman nung papansin na si Lowell.

"Epal nakikisabat ka na naman e" Sabi ko at inirapan ko siya. Simula nung tumungtong ako ng high school at naging friend siya ni kuya feeling close siya sakin. Well gwapo naman siya kaso di ko siya type eww!

"Oh siya wag na kayong mag away malalate na kayo, Xander yung bilin ko lagi sayo ah" Sabi ni mommy kay kuya. "Opo mom don't worry magkatabi lang naman kami ng classroom ni Deous e" Ngumiti na lang si mom humalik muna kami sa pisngi ni mom at dad bago umalis

"Ingat sons!"

"Babye po titos!"

"Bye Mom! Dad!"

Pinagbukas kami ng pinto ng van ni Kuya Fernan na family driver namin, ngumiti naman ako bilang pagpapasalamat ko sa kanya.

Dahil nga makapal ang mukha ng mga kaibigan ni kuya lagi silang sumasabay samin pag pasok sa school may sariling kotse naman sila at may sariling driver din.

"Brad kilala mo si Melanie yung nasa H.E department grabe ang ganda niya pero may kumakalat na issue sa kanya na nagpapakant*t daw yun sa mga college studen--" Di na natuloy ni Lowell yung sasabihin niya ng bigla siyang binatukan ni kuya Xander. "Bakit brad? Ang sakit nun ah aw!" Sabi niya sabay hawak sa ulo niya na binatukan ni kuya, bastos kasi ng bunganga e haha

"Adik kaba alam mong nandito si Deous magsasalita ka ng mga ganyan" Sabi ni kuya sa kanya nakatingin parin ako kay Lowell na nakahawak parin sa ulo niya.

"Oy Theoddeous masyado mo akong tinititigan ah may gusto ka ba sakin? Ah? Okey lang yan Theoddeous sasaluhin naman kita" Napalaki ako ako ng mata sa sinabi niya tf nakasinghot ba siya ng droga feeling masyado ang unggoy.

"Theoddeous feeling close? Anong may gusto sayo nagpapatawa kaba, kala mo naman papatulan kita ew! Siguro pag naging boyfriend kita sasabihin ng tao sakin ' Theo ang ganda mo pa naman kaso yung jowa mo chaka ' kadiri!" Sabi ko nagtawanan naman yung kaibigan ni kuya ganun din din si kuya pero si Lowell nakatingin lang sakin na nakangisi. Di ko na sila pinansin tinuon ko na lang yung paningin ko sa cellphone ko.

"Pano bayan tol nabara ka ni Theo ah hahahaha" Natatawang sabi ni Gerome (kaibigan ni kuya).

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa school maraming bumabati sakin kaya nginingitian ko sila bilabg ganti ko. Magkakasabay parin kami nila kuya same lang kase kami ng building at same din kami ng strand kaso STEM 11-2 siya samantalang ako ay STEM 11-1 dibale magkatabi kami ng room. Nakarating na kami sa tapat ng room namin kaya nagpaalam na ako kay kuya na papasok na ako sa room.

Suddenly It's Magic | BXB [COMPLETED]Where stories live. Discover now