SIM 14

1.3K 114 11
                                    

E D I T E D



Cryle's Point of View

Makalipas ang ilang buwan naging close na kami ni Harold at si Clyde naman ayun sinagot na ni Hansel at nagdedate sila ngayon at Yuri naman mas naging busy sa kompanya at laging late na nauwi ng bahay at maaga din naalis kaya hindi ko nato naabutan pag kagising ko.

Anim na buwan na ang tyan ko kaya makulit na ang mga bulilit ko sa tyan ngayun nga nararamdaman ko sumisipa sila eh.

Nakaupo lang ako sa sala sila Hansen naman at si Noah ay pumunta sa birthday party ng classmate ni Noah kaya mag-isa lang ako ngayun dito at nanonood.

Nasa gitna ako ng panonood ng tv mag nag doorbell kaya agad akong pumunta sa pinto at pinagbuksan siya.

"Harold ikaw pala naparito ka?"nakangiting tanong ko dito at niyaya ko siya sa loob ng bahay.

"Kinakamusta lang kita Cryle"nakangiting sagot nito niyaya ko naman ito kumain ng meryenda pero tumanggi ito kase saglit lang daw siya dito.

"Cryle una na ako may gagawin pa ako sa kompanya"paalam niya sakin. Hinatid ko siya sa gate at nagpaalam na din ako sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pinagpatuloy ang panonood ko ng tv. Nasa ganong gawi ako nagring naman ang cellphone pagtingin ko naman kung sino at tumawag nag pop up naman ang pangalan ni Yuri kaya agad ko ito sinagot.

"Hello Mahal"paguuna ko, nakarinig naman ako ng bugtong hininga niya.

"Mahal sorry hindi ako makakauwi ngayun kase sobrang daming gawain dito sa kompanya doon na lang ako sa condo matutulog para malapit dito sa company"mahabang sabi nito, hindi naman ako makatanggi kase alam niyo na.

"Okay lang yun mahal basta kakain ka sa tamang oras ah wag mong masyadong pagudin ang sarili mo baka magkasakit ka"bakas sa boses ko ang paglungkot kase magisa ako matutulog sa kwarto.

"Opo mahal basta magiingat kayo dyan at tsaka dadalawin kayo ni Kuya Roland bukas"kuya na din ang tawag ni Yuri kay Kuya Roland at tsaka tumigil na si Kuya Roland bilang bodyguard ni Yuri kase Aalis ito papuntang Canada kasama si Ate Lian at yung anak nila.

"Sige mahal babye na"nagpaalam na siya sakin at nag I love you at pinatay ang tawag.

Bumalik ako sa panonood ng tv at dumating na si Hansel hinatid pa ito ni Clyde sa bahay ganon din sila Hansen at Noah umuwi na din kaya nagluto na ako ng hapunan namin.

Habang nagluluto ako may kumalabit sa likod ko kaya humarap ako at bumungad sakin si Noah, ang lungkot ng mga mata niya pero bakit siya nalulungkot?.

"Mommy hindi po ba uuwi si Daddy?"tanong nito lumuhod naman ako para magkapantay kami at hinalikan siya sa noo.

"Hindi eh sobrang daming ginagawa ni Daddy ngayun kaya sa condo muna siya matutulog"nakangiting sagot ko naman sa kanya pero bakit malungkot parin siya.

"Baby anong problema mo sabihin mo kay mommy"pagkatapos ko yung sabihin biglang umiyak si Noah at yumakap sakin.

"Mommy nakita ko po si Daddy may kasama po siyang babae at kiniss niya po ito at nagtatawanan po sila"naiiyak na sabi pero hindi ako makapaniwala si Yuri may kasamang babae at hinalikan niya pa!

"Baka namamalikmata ka lang baby hindi gagawin ni Daddy mo yun"pero hindi pa rin ito tumigil sa pag iyak.

"Baby Noah sa kwarto ka muna matutulog ah para hindi ka na sad ah"sabi ko habang nakayakap sa kanya, pinabalik ko na si Noah sa dining room para kumain na ihahatid ko na lang ang pagkain doon para handa na kaming kumain.

Suddenly It's Magic | BXB [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora