SIM 21

1.4K 94 6
                                    

Cryle's Point of View

Makalipas ang mga ilang araw nakakatanggap pa rin ako ng mensahe, hindi ko naman kilala ang nagbibigay ng mensahe sakin sa totoo lang wala naman akong naging kaaway o kaagaw kay Yuri.

Pero sa mga makilapas ng mga araw din tinotoo nga ni Yuri ang sinabi niya na dadagdagan niya ang mga security dito sa bahay maski nga pagpupunta ako ng grocery may nakasunod sakin bodyguard, pero hindi na ako nagreklamo kase alam ko namang sa kabutihan ko naman.

Ngayung araw nasa kompanya si Yuri kaya kami na lang ng mga anak namin dito ang nasa bahay, hindi naman ako nabobored pag wala si Yuri kase may pinagkakaabalahan din naman ako katulad ng pagbabantay ng mga anak namin ng luluto at naglilinis ng bahay.

Naglalaro ang magkakapatid sa sala samantalang ako nandito sa kusina nagluluto ng meryenda namin. Habang nagluluto ako nagvibrate uli ang cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa ko pero akala ko yung nagbibigay ng mensahe sakin, si Yuri pala ang nagtext sakin na uuwi daw siya ng maaga.

Nang matapos ang niluluto agad akong pumunta sa gawi ng mga anak ko.

"Noah! Theo! Xander! Halina kayo kakain na tayo ng meryenda bilisan ninyo"tawag ko sa kanila at agad naman ang mga itong nagtakbuhan sa lamesa at umupo.

Nang makaupo ang mga ito agad naman nilang nilantakan ang niluto ko sa kanila.

"Mommy ansarap po nito wala pa rin pong pinagbago"nakangiting sabi ni Noah kaya napangiti din ako.

"Oo nga mommy super yummy yum yum"saad din ni Xander pero si Theo parang walang pakialam kase busy ito kakakain kaya kinalabit ito ng kuya Xander niya.

"Ikaw Theo wala ka bang sasabihin sa niluto ni Mommy?"tanong ni Xander kay Theo, kaya napatingin sa gawi ni Xander si Theo at nagsalita ito.

"Ano ba kuya busy akong kumakain kinakausap mo ako"nakapout na sabi ni Theo kaya napatawa na lang kaming tatlo sa ginawa niya.

"Bakit kailangan mo pang magpout baby Theo?"tanong naman ni Noah sa kanya.

"Bakit hindi ba ako cute kuya? Sabi nga ni Mommy cute nga daw ako pag nakapout"sagot nito kaya mas lalo kaming napatawa.

"Oo nga pala mommy yung luto niyo po supey yum yum po! Kayo po ang the best mommy ever!"nakangiting sabi ni Theo.

"Talaga ba? Kung ganon pinge nga si Mommy ng super Hug ng mga baby ko"nqkangiting sabi ko kaya agad silang pumunta sa gawi ko at agad nila akong niyakap ng mahigpit.

Habang nasa ganong gawi kami biglang may nagsalita.

"Pwede ba akong sumali?"tanong ni Yuri tumango naman ang mga anak namin kaya pumunta ito sa gawi at sumali sa yakapan namin.

Matapos ang pangyayaring yun bumalik agad ang mga anak namin sa paglalaro at naiwan kami dito mi Yuri sa dining at siya naman ang kumakain.

"Mahal bakit ba ang sarap ng luto mo?"tanong nito kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ganon talaga Mahal pag may inspirasyon habang nagpuluto"sagot ko naman nagtaka naman ako naka-kunoot ang noo nito.

"Sino yan ah? Mahal sino yung inspirasyon mo? Lalake ba yan? Sabihin mo mahal ng mabanatan ko yan"sunod sunod na tanong nito sakin, natawa ako sa inakto niya napaka possessive.

"Ano ka ba mahal parang ayun lang at tsaka hindi naman kita ipagpapalit sa kanya kahit mas gwapo siya sayo"dahil sa sinabi napaigting ang bagang nito kaya mas lalo akong natuwa sa reaksyon niya. Sa totoo lang si Mama talaga ang inspirasyon ko sa pagluluto kase sobrang sarap niya magluto kaya ayun ng paturo ako kay Mama.

Suddenly It's Magic | BXB [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon