SIM 5

2.9K 159 16
                                    

E D I T E D

Yuri's Point of View

NUNG namasukan si Cryle bilang taga-alaga sa anak ko iba yung dating sa'kin na parang asawa niya ako. Sa araw-araw niya akong pinagsisilbihan at araw-araw niya rin ako ginigising hindi naman ako nabo-bothered sa tuwing ginigising niya ako kase iba ang dating sa'kin.

Pagpapasok ako ng opisina hindi mawala ang ngiti sa labi ko kase pag-nakikita ko pa lang siya ay buo na ang araw ko at pinayagan ko na din na tawagin ni Noah na Mommy si Cryle kase talagang alam mo yun!

Pag tinatawag ni Noah na Mommy si Cryle biglang umiinit ang pisngi ko sa di malamang dahilan.

Pag kausap ko si Cryle biglang bumibilis tibok ng puso na parang gustong kumawala. Nung birthday naman ni Cryle ay pinayagan ko ito na maggala kasama ang anak ko.

At nung malaman ko din yung nangyari sa magulang ni Cryle nalungkot ako at the same time kaya hindi ko muna siya pinagtrabaho. Naririnig ko rin siya umiiyak tuwing gabi at kinakausap ang sarili nito. Kamusta na kaya yung dalawang kapatid, saan kaya sila natutulog, maayos ba yung kalagayan nila ayan yung laging tanong niya sa sarili niya kaya tinawagan ko si Roland at alamin kung nasaan ang dalawang kapatid ni Cryle.

Nung malaman ko kung nasaan ang dalawang kapatid ni Cryle ay kaagad kung ko silang pinapunta sa bahay kase na aabutan ko ito na tutulog sa langsangan kaya hindi na ako nagdalawang isip na kupkupin ito.

Nang makarating ang kambal sa bahay ay tinawagan ako ni Roland na nakarating na yung mag kambal at sinabi din sa'kin ni Roland na sobrang saya daw ni Cryle kaya natuwa din ako sa aking nalaman.

Umuwi ako habang busy si Cryle sa pagluluto pero alam niyang nakarating na ako at bumati sa'kin ng magandang gabi pero nginitian ko na lang ito bilang sagot ko.

Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong hinubad ang damit ko pati ang pantalon hindi sa pagmamayabang maganda ang katawan ko may six-packs abs at meron din akong pinagmamalaki na talagang ikakahumaling ng ikakama ko pero si Cryle lang ang gusto kung ikama. Shhh wag maingay!

Nasa ganon na anyo ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nagulat ako sa pumasok ay si Cryle. Gulat na gulat ito na nakita niya kaya inutusan ko siyang ilock ang pintuan baka may makakita pang iba.

Sinabihan ko si Cryle na kalimutan ang mga nakita niya pero hindi pa rin ito kumakalma at sinabi ko sa kanya na hindi ako nanakit ng tao at lakas nang loob din ako sabihin sa kanya yung nararamdam ko sa una nabigla ito nung sinabi ko sa kanya lahat kung bakit ko siya na gustuhan.

Matapos akong umamin sa kanya ay kumain kami magkakasama kaming kumain at sinabi namin ni Cryle na nililigawan ko siya natuwa naman si Noah sa balita at ayos naman sa dalawang kapatid ni Cryle at binigyan ko din ng opportunity na makapag-aral ulit ang kapatid ni Cryle tuwang-tuwa naman ang kambal at panay sabi ng salamat.

KINAUMAGAHAN gumising ako ng may ngiti sa labi hindi maalis sa isip ko yung pag payag ni Cryle na ligawan siya at ngayon din magsisimula sa trabaho si Cryle bilang Secretary ko.

Kaya ginawa ko siyang Secretary ko para lagi ko siyang nakikita at para lagi ko ding kasama.

Tapos ko nang ayusin ang sarili ko at bumababa na ako para mag-breakfast. Naabutan ko sa dining area sila Hansen, Hansel, Noah at ang mahal ko.

"Sir kain na po"pag-aanyaya sa'kin ni Cryle my love.

"Okey mahal"malambing na sabi ko dito at kinapula ng pisngi niya, grabe sobrang cute niya sarap niyang halikan parang nababakla na siguro ako

Nagsimula na kami ng kumain panay ang kwentuhan at tawanan nagtanong naman si Hansen kung bakit ganon ang suot ni Cryle sinagot naman niya ito na nagtatrabaho siya bilang Secretary ko.

Cryle's Point of View

Nandito na kami ni Sir Yuri sa loob ng kotse niya panay ang sabi niya na mahal niya daw ako at kung anu-ano pa ang sinasabi ni Sir Yuri. Kwento ng kwento si Sir Yuri hanggang makarating kami sa company.

Bababa na sana ako ng kotse ng biglang hawakan ni Sir Yuri ang braso ko.

"Mahal naka seatbelt ka pa"sabi nito sa'kin omyghad nakakahiya naman lalabas naka-seatbelt pa ang tanga tanga mo talaga Cryle.

"E-ehh sorry sir nakalimutan ko po"nahihiyang sabi ko dito at tinanggal niya ang seatbelt akmang lalabas na ako ng higitin niya ulit ang braso ko at biglang hinalikan ako sa labi at tsaka nag salita.

"Wag mo na ako tawagin na sir dapat MAHAL na ang itawag mo sa'kin maliwanag ba?"sabi nito at talagang may diin talaga ang salitang mahal.

"Nahihiya kase ako ehh"nahihiyang sabi ko sa kanya pero ngumiti lang ito ng pinakamatamis.

"Wag ka nang mahiya kase pag naging tayo ay dapat lagi mo na ako tatawagin na mahal"pagkukumbinsi nito sa'kin kaya wala ako nagawa kaya pumayag na lang ako.

Pumasok na kami ng companya at lahat nang makakasalubong namin ay bumabati ng magandang umaga pero nginingitian lang sila ni Sir Yuri.

Nabigla ako ng hawakan ni Sir Yuri ang kamay ko kung tawagin ay holding hands lahat tuloy nung makakasalubong namin ay naka-tingin sa bang kamay namin.

Hanggang makarating kami sa elevator magka-hawak kamay pa rin kami ni Sir Yuri na-iilang na ako kasi lahat ng atensyon ay nasa amin.

Pinindot ni Sir Yuri ang 12 floor botton kahit nasa loob kami ni sir ay magka-hawak kamay pa rin kami namamawis na nga ang kamay ko pero hindi pa rin binibitawan ni Sir yung kamay ko nakakahiya naman kase kung tatanggalin ko di'ba.

"Ting"tunog ng elvator hudyat na nasa twelve floor na kami.

"Sir pwede po bang tanggalin muna yung kamay ko namamawis na po kase ehh"nahihiyang sabit ko dito nilapit niya naman ang mukha nito sa mukha ko at nag-salita.

"Di'ba sinabi ko mahal ang itawag mo sa'kin"naka-ngiting sabi nito at sa isang iglap hinalikan niya ako sa labi.

"Mahal ano ba nakakahiya baka may maka-kita sa'tin dito"nahihiyang dagdag na sabi ko dito pero ngumisi lang ito.

"Wala akong pake kung may maka-kita sa'tin dito at tsaka paki-ulit yung sinabi mo"naka-ngising sabi nito.

"Mahal"nahihiyang sabi ko sa kanya pero hinalikan na naman niya ako kaya nihampas ko siya sa braso.

Pumasok kami ni mahal sa isang department at nagsi-tayuan ang lahat nang mang-gagawa at bumati ng magandang umaga kay Yuri.

"Magandang umaga rin sa iyong lahat at may ipapakilala ako sa inyo"nakangiti sabi ni Yuri sa mga empleyado at hinawakan ni Yuri ang kamay ko sa harap ng mga empleyado.

"Siya nga pala si Cryle Ramos siya ang bago kung Secretary at siya rin ang boyfriend ko kaya kung sino mang maglakas ng loob na agawin sa'kin si Cryle ay pasensyahan na lang"dagdag pa nito hinampas ko naman ito sa braso at nag palakpakan ang mga employees.

Sana maging masaya kami ni Yuri sa takbo ng relasyon at mamahalin ko siya nang higit pa sa buhay ko...

--------

|Author's Note: sorry late late update sila mama kase nagbibingo kaya hindi ako makapagfocus magsulat sobrang ingay grabe.... by the way hindi ko po alam ko kailan ang next update sobrang busy din at the same time ehhh kaya salamat sa pag-iintidin.....MUAH*|

DON'T FORGET TO

VOTE

COMMENT

SHARE

AND

FOLLOW

May binago uli ako kaya wag ng magtaka.

Yuri Wilson Jimenez at multimedia

Your Author,
bassyyyyie

Suddenly It's Magic | BXB [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang