Via
"Sinong may gawa sa iyo niyan?" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Jarus. Nilingon ko siya.
Sa uniform ko siya nakatingin. Seryoso ang mukha. Bahagya ko itong pinunasan.
"Natapon ko lang yung pagkain ko kanina sa canteen." pasisinungaling ko.
Inangat niya ang mata niya sa akin.
"Sigurado ka?" Hindi sang-ayong tanong sa akin. Tiningnan ko rin siya.
"Oo."
Sa likod niya ay napansin kong kakalabas din ni Trisha sa CR na pinanggalingan ko. Lumingon doon si Jarus. Dirediretso lang ang lakad nito hanggang sa lagpasan niya kami. Napansin ko pa ang talim ng tingin niya sa akin saka inirapan ako. Binalik ko ang paningin ko kay Jarus na ngayon ay kay Trisha nakatingin.
"Galing kayo sa praktis?" Pag-iiba at tanong ko ng mapansin ang suot nito. Nakashirt ng puti at Jersey na short lang at rubber shoes.
Tumango ito ngunit ganun parin ang reaction ng mukha. Parang nagdududa at the same time, nag-aalala.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin Via?" pagdududa niya.
Umiling ako. He sighed.
"Balik ka na sa praktis niyo."
Nang mapansing hindi ito gumagalaw sa pwesto niya ay pumunta ako sa likod niya para itulak ito.
"Mahuhuli ka na." dagdag ko pero agad itong humarap sa akin at na out of balance akong bumagsak sa dibdib niya at napayakap.
Agad akong napatingala sakanya na ngayon ay sa akin din nakatingin. Nag-init ang mukha ko ng mapansin ang sobrang lapit ng mukha namin. Agad akong umatras at bumitaw. Halos lumakas ang tibok ng puso ko.
"Ayos ka lang?" Pag-aalala niya. Mabilis akong tumango.
"Alis ka na. Shooo." Taboy ko dito at napaiwas ako.
Para makatakas nadin sa hindi komportable sitwasyon ay ako nalang ang naunang umalis. Pagliko ko sa papasok na hallway papuntang locker room ay nakasalubong ko naman si Kian. Natigil ako doon at maski din siya.
Napansin ko rin ang pagkakaparehas ng reaction nila ni Jarus sa suot ko. Napansin kong umigting ang panga nito saka tiningnan ako sa mata. Walang akong narinig sakanya ngunit parang may hatid na mensahe ang titig niya at reaction niya.
Bigla akong nahiya sa itsura ko kaya agad akong umalis sa harap niya at nilagpasan siya. Hindi ko na siya nilingon pa hanggang sa makarating ako sa locker room.
Agad akong nagpalit ng pantaas na damit. May ilang tshirt naman ako doon kaya iyon muna ang sinuot ko at nang makabihis ako ay sakto naman bumukas ang pinto.
"Ano iyong nabalitaan ko?" si Lalaine na kapapasok. Pinameywangan niya ako sa gilid ko.
Napaiwas ako at inayos ang pagkakatupi ko sa uniform ko at nilagay sa plastik.
"Hayaan mo nalang sila." Pagbabalewala ko. Kung papatulan ko pa kasi, lalong lalala ang sitwasyon. Kaya iiwas nalang ako.
"Paanong hahayaan Via eh ikaw itong pinagtulungan nila? Kung hindi ako nagkakamali, dahil siguro iyan sa pagkakahuli nila sa exam. Gumaganti? Duh! Ang babaw." Inis niya.
Sinara ko ang lock ng locker ko at hinarap siya.
"Magsasawa din sila Lalaine." Sagot ko at pumunta sa pintuan.
"Kailan pa nagsawa ang mga iyan sa pagsira ng buhay ng mga studanteng hawak nila?" sambit niya na kinalingon ko.
"Hawak nila?" taka kong tanong kahit na may idea na ako sa tinutukoy nito.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...