Chapter 69

1 0 0
                                    

Via

"Hindi ko alam na kinasal na pala si sir Ivan at nagkaanak din, pero nakakalungkot lang at agad nahiwalay sakanila ang anak nila." simpatya ni Gail.

Kung malinaw pa sa ala ala ni sir Ivan noon na hindi siya nakainom at wala nang ibang nangyari, kung ganun ay iba ang kwinento sa akin ni tita at wala talagang nabuo. Maliban nalang kung may ibang lalakeng kasama si tita at lasing siya noon at ginamit niya si sir para sabihin na siya ang ama ni Lily well in fact kamukhang kamukha ni Lilly si Sir. Hindi kaya ... si Lilly talaga ang nawawalang anak ni sir at si tita ang kumuha dito noon ng palihim?

Nagtaka si Gail nang bigla akong huminto sa paglalakad.

"Ayos ka lang?" iniskan niya ang reaction ko. "Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo?" Taka ni Gail sa akin.

"Gail, mauna ka nang umuwi. May pupuntahan lang ako." Abiso ko dito at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan.

"Saan ka pupunta? Paano tong groceries mo?" tanong nito.

"Sa bahay niyo nalang muna. Daan nalang ako mamaya pagkauuwi na ako. Ikaw na muna bahala diyan Gail. Salamat." saka kumaway na papalayong tumatakbo.

Malapit na ako sa bus stop nang may biglang bumisina sa aking itim na sasakyan sa daan kaya huminto ako. Binaba nito ang tinted na window glass nito at niluwa si Sir Kenji. Anong ginagawa nito dito at paano niya ako agad nakita?

"Hi Via? Saan ang tungo mo? Are you going home?" sunod sunod niyang tanong.

"Ah h-hindi pa sir. May bibisitahin lang po akong kaibigan." sagot ko.

"I can drive you there." saka binuksan ang nasa harap kong pintuan ng sasakyan niya.

"Hindi na po sir. Diyan lang naman po yun. Maglalakad nalang ako." palusot ko saka sinara ulit ang pintuan ng sasakyan niya.

Lumabas naman ito sa sasakyan niya na kinataka ko at tingin sa paligid.

"Sasamahan na kita." Saka sinicured locked ang sasakyan gamit ang fob key na hawak.

"Ha?" gulat ko. "Sasamahaan niyo ako?" Taranta ko.

"Yup. Ayaw mo?" tanong nito.

"Hindi naman po sa ayaw kaso ... "

"It's okay. If you're uncomfortable, feel free na isipin na wala ako sa tabi mo." Ngumiti ito.

Para tuloy akong nakonsensiya sa sinabi ko.

Tutuloy pa ba ako kina tita kung nandito naman si sir Kenji.

Napakapa agad ako sa cellphone ko nang tumunog ito ar nag excuse saglit at lumayo ng kaunti ng makita ang pangalan ni Kian.

"Hello." sagot ko.

"Where are you." Tanong niya sa mababang tono.

"Nandito ako ngayon malapit sa bus stop." sagot ko.

"Who's with you." kumunot ang noo ko.

Sasabihin ko ba? Baka magalit ito.

"Si Gail pero nakaalis na siya kanina."

"Via." May pagbabanta sa boses nito. Hindi narin love ang tawag kundi pangalan ko na.

Napabuga ako ng hangin.

"Si sir Kenji."

"Bakit siya nandiyan?"

"Ewan. Bigla namang sumulpot. Malay ko kung saan galing."

"Paalisin mo na siya."

"I did that." medyo napalakas ang boses ko na kinatingin ko kay Sir Kenji na mukhang narinig ako. "Pero ayaw niya. Sasamahan daw ako sa pupuntahan ko." paliwanag ko.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon