3rd person POV
"Linisan mo yan. Ang bagal mong gumalaw." reklamo ng isang babae saka binato ang isang pamunas sa kausap nito habang nagpupunas ng sahig sa seldang kinaroroonan nila.
Binalingan niya ito ng matalim na tingin na agad napansin ng pumuna sakanya na agad namang kinaiwas.
"Sinasamaan mo ako ng tingin? Huh!" Galit nitong wika saka lumapit at hinila ang buhok na kinamilipit sa sakit ng babae.
"H-hindi. H-hi-hindi." sagot nito na halata ang nginig sa boses.
"Linda!" Tawag ng isa sa mga kasama nila doon. "Maglaan naman kayo ng kaunting awa kay Lyn. Bagong salta palang yan dito at paniguradong nani-"
"Baka gusto mo sayo ko ibaling ang inis ko sakanya. Gusto mo?" banta nitong agad kinatikom ng nagsalita. Marahas nitong binitawan ang buhok ni Lyn na halos masubsub ito sa sahig na nililinisan niya.
"Ang gusto ko lang sabihin sana ay - "
Agad lumapit si Linda sa kumakausap sakanya at akmang kwekwelyohan na agad naagapan ng mga pulis na nagbabantay sa bawat selda sa kulungan.
"Anong nangyayari." tanong ng babaeng pulis.
Walang sumagot ni isa sa mga ito sa kung anong nangyayari. Sa takot kay Linda ay mas pinili nilang itikom ang mga bibig.
"Nagkakatuwaan lang." Sagot ni Linda at agad naman sumang ayon ang iba.
"Marilyn Gutierrez. May bisita ka." Imporma ng pulis.
Agad tumayo si Lyn at sumama sa mga pulis. Nang makarating sa isang kwarto na kung saan doon lamang niya makikita ang bisita ay nagulat ito sa nakita. Pagkasara ng pinto ay agad hinarap ni Lyn ang bumisita sakanya.
"Bakit ka nandito? Tapos na ang trabaho ko. Wala na akong silbi sa inyo diba?" madiin nitong wika sa taong bumisita sakanya.
Sa huling pagkakataon ay wala paring pinagbago ang mukha ng taong kaharap niya. Kasing sama ng ugali nito ang budhi na pinanggalingan niya. Walang sinasanto, basta sa ikasasaya at yaman nila ay gagawin ang lahat kahit alam na may buhay na mawawala.
"Kailan ko sinabi yan?" imprente at nakangising balik nito.
"Ano pa ba ang kailangan niyo sa akin. Tahimik na ako dito sa kulungan. Wala na akong magagawa para sa inyo. Kaya huwag mo na akong guluhin." Aniya nito.
"Nasa kulungan ka lang, hindi ka pa patay." Sagot nito na kinakilabot ni Lyn sa narinig mula sa lalaki.
"Hayaan niyo na akong magbagong buhay. Pagbayaran ang mga kasalanang ginawa ko. Patahimikin niyo na ako." Biglang nagulat ito nang biglang binagsak ng lalaki ang kamay sa lamesang kaharap nila at kita ngayon ang galit sa mukha.
"Patahimikin?? Ikaw??" Tumawa ito saka agad kinuha ang kwelyo ni Lyn at nilapit ito sakanya na may lakas. "Kaya kitang patahimikin sa paraang alam ko." Bulong na may halong pagbabanta dito. "Gusto mo ba yun? Ha?"
Umiling si Lyn na may nagbabantang mga luha na sa mga mata. Nakakaramdam na siya ngayon ng takot at kaba.
"Kung gayon, wala kang aaminin. Wala kang sasabihin. Akuhin mo lahat. Kasalanan mo yan diba? Kasalanan mo." Diin nito.
Saka marahas na binitawan ang kwelyo rason para bumagsak sa dating kinauupuan niya.
"Darating ang mommy ko bukas. And maybe one of this day, bibiglain ka nalang bibisitahin dito." Ngumisi ito. "Alam mong ayaw niyang nasisira ang plano niya. You've been working for her for how many years. At magkano na ba natatanggap mo sa mga taong iyon? May milyon na ata."
"TUMAHIMIK KA!!" kinatayong sigaw nito. May panlilisik sa matang tingin sa lalaking kaharap. "Alam ko ang kasalanan ko kaya huwag mo nang ipamuka sa akin. Sa mommy mo lang ako nagtratrabaho at hindi sayo. Wala dapat akong ipaliwanag sayo. Dapat sa akin ka pa magpasalamat at ako ang umako sa mga kasalanan mo. Wala dapat ako dito. Ikaw dapat ang nandito. Ikaw dapat Kenji!" Diin nito sa huli.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...