Via
Unang mulat ko ng mata ay halos hindi ko maanigan ang mga taong ngayon ay nasa harapan ko. Malabo at halos hindi ko makilala. Pinikit kong muli ang mata ko at dahan dahan na minulat.
Nilibot ko ang paligid at puro puti ang nasa paligid ko. Nang medyo luminaw ang paligid ko ay tiningnan ko ulit ang mga taong nasa tabi ko ngayon.
"Via." napunta ang tingin ko kay Gail. "Kamusta pakiramdam mo? Nakikilala mo pa naman ako noh?" paninigurado niya.
Tiningnan kong muli ang paligid. Nilibot.
"Bakit ako nandito?" tanong ko. Binalik ko kay Gail tingin ko. "Nasaan sila mama? Si papa?" Agad na taranta ko ng maalala sila.
"Via." malungkot nitong sambit sa akin.
Agad akong bumangon na medyo kinahilo ko at hawak sa ulo ko. May bandahe itong nakapapulot.
"Iha. Huwag ka munang bumangon. Mahina ka pa."
Tiningnan ko si tita Del. Ang mama ni Gail. Nanubig ang mata ko.
"Tita, si mama at papa po? Nasaan?" tanong ko.
Malungkot akong tinitigan ni tita. Mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko na parang gusto akong pakalmahin non. Nanunubig din ang mata niya.
Gusto kong marinig na buhay sila. Nakatakas sila. Hindi sila kasama sa nasunog naming bahay. Buhay sila at makakasama ko pa sila.
Tiningnan ko si Gail at tahimik itong humihikbi sa gilid.
"Hindi." Ayaw kong maniwala. Ayaw kong paniwalaan ang mga binibigay nilang mensahe sa akin. Buhay pa ang magulang ko. "Buhay pa sila. Nakasama ko pa sila kahapon. Masaya pa kami. Masayang masaya. Hindi nila akong pwedeng iwan. Ayoko. Ayokong mag-isa!" sigaw at hagulgol ko.
Iniwan na ako ni Kian, pati ba naman ang magulang ko? Ano ba namang klaseng parusa ito sa akin. Sunod sunod silang nawala sa akin. Ang mahahalagang tao sa buhay ko, ngayon hindi ko na kasama.
"Mama, papa!" Sigaw ko kasabay ng paghagulgol ko. Hindi ko matanggap. Ang sakit na naramdaman ko ng iniwan ako ni Kian ay natriple. Hindi ko kaya.
Dumating ang mga nurses at doctor at pinakalma at pinatulog ako.
Nang magising ako at may kaunting lakas na ay pinayagan na akong pumunta sa burol ni mama at papa. Gusto ko silang makita sa huling pagkakataon. Si tita Lyn ang nag-asikaso sa lahat. Wala ring nakapuntang kamag-anak ni papa at halos naman ang iba sa mga dumalo ay mga kapitbahay at kaibigan nila mama at papa.
Hindi ko mapigilang lumuhod at umiyak sa harap ng dalawang taong mahal ko. Ang sakit na para bang pinagkaitan ka ng langit na makasama mo pa sila ng matagal. Hindi ko rin mapatawad ang sarili kung bakit wala ako sa bahay at hindi ko sila naligtas agad. Dapat nasa bahay na ako ng mga oras na iyon. Dapat kasama nila ako ng gabing iyon.
Niyakap ako ni tita ng mahigpit at umiiyak. Si papa nalang ang tanging naiiwan kay tita. Na kapag may kailangan siya ay agad tinutugunang pansin ni papa, at kapag may gusto namang kainin si tita ay agad namang nilulutuan ni mama. Mga bagay na hindi niya makakalimutan at lagi lagi niyang hahanapin.
Ako? Parang buong pagkatao ko ang nawala sa akin ngayon. Ang dalawang taong bumuhay, gumabay, tumulong sa akin para maging ganito ako. Ang mga taong minahal ako na walang halong kapalit. Minahal nila ako na parang sarili at galing sakanila. Sobrang sakit. Sobra.
Hindi ako umalis sa tabi kung saan doon nilagay ang dalawang Vase na pinaglagyan ng abo nila mama at papa. Tinitigan ko ang mga nakangiting larawan nila.
May ilang mga kaklase at teachers din sa school namin nung highschool at ngayong college ang dumating. Umaasa akong darating si Kian na kahit sa huling pagkakataon ay madamayan niya ako. Kailangan ko siya bilang lakas at sandigan ko. Pero hindi siya dumating. Hanggang sa ilibing namin sila.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...