Via
"Kian." tawag ko habang nakatalikod at hinuhugasan ang mga gulay na pinamili namin kanina na kakainin namin ngayon.
Gusto kong magtanong. Gusto kong may alam din sa nangyayari sakanya pero parang iniiwasan niyang sagutin ang mga iyon.
"Gutom ka na?" tanong niya habang ginagawa niya parin ang pagpiprepare sa mga iluluto.
"Ikaw ba ang hinahanap ng mga taong nasa sasakyan kanina? May ginawa ka bang mali kaya ka hinahanap?" Out of my curiosity ay natanong ko na ang mga gusto kong malaman.
Natigil ito sa ginagawa pero maya maya ay pinagpatuloy niya ulit.
"Naniningil lang sila ng utang. But don't worry" tumingin ito sa akin. "may pangbabayad na ako. Kukunin ko palang bukas." he assured.
"Paano kayo nagkautang? Ano ba nangyari noong umalis ka? Walang kang proper explanation noon. Walang akong alam Kian kung ano ang nangyari at nangyayari sayo noon." may saad kong pagrereklamo.
Tumigil muli ito pero hindi siya nagsalita. I was desperate to know the reason behind why he leave that day. Nag-antay ako. Nag-expect ako. Pinalangin ko na babalik siya at nangyari nga ngayon. Pero parang gumulo. Ibang iba siya noon sa nakikita ko ngayon. Parang may pinagtataguan. Parang may tinatakbuhan. Utang ba talaga o may mas mabigat pang dahilan?
"I can't tell you everything right now love." lumingon siya sa akin.
"Then when will you tell everything?" medyo tumaas ang tono ng boses ko. Ayaw kong hayaan nalang na ganito ang magiging eksena sa pagsasama naming muli. Hindi ako makampante. Hindi panatag ang isip ko.
"When the right time comes."
"When will that happen? Kian hindi mapanatag ang isip ko ngayon. Ang daming gumugulo sa isip ko dahil sa nakikita ko ngayon sayo. Gusto kong may alam din sa mga nangyayari sayo." pagmamakaawa ko. Parang sumisirit ang kirot at bigat ngayon sa dibdib ko.
"I'm sorry." Tanging nasagot niya.
"Sorry?" hindi makapaniwala at inaasahang sagot niya. "Sorry lang? Sorry lang ang sagot mo? Pero hindi iyon ang gusto kong malamang tungkol sayo Kian. Hindi sorry lang." nanunubig na ngayon ang mata ko. Hindi sa lungkot o sakit. Sa inis ako naiiyak.
Hindi siya nagsalita. Tipid ang bawat sagot na parang may iniingatang hindi masambit.
Lalapit na sana ito sa akin pero tumayo akong umatras.
"Kailangan ba talaga nating mamuhay na ganito ang set up ng pagsasama natin? Gusto kong pagkatiwalaan mo din ako na parang ginagawa ko sayo ngayon. Gusto ko ring nalalaman kung saan ka nahihirapan at kung saan kita pwedeng tulungan. Pero inaako mo lahat. Sinasarili mo. Huwag naman sana ganun Kian."
"Sorry." sambit niya ulit na lalong kinainis ko.
Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko pero nauna na itong bumagsak at agad kong pinunasan. Tiningnan ko siya. Nasa akin din ang mga mata niya. Nagmamakaawa ang mga ito na intindihin ko siya pero pagod ako. Hindi kaya ng utak ang lahat na iabsorve ang mga nangyayari ngayon. Mas lamang ang inis ko at hindi ko kayang tanggapin ang mga nakikita at naririnig ko ngayon.
"Papasok na ako." Agad kong kinuha ang bag ko.
"Via." agad niya akong hinarangan at hinawakan sa braso.
Tiningnan ko siya.
"Kausapin mo ako kapag handa ka nang sabihin lahat." Iniwan kong salita bago ako lumabas.
Mabigat sa loob kong iniwan siya. Masakit din dahil hindi ko halos makita ang dating Kian sa katauhan niya ngayon. Malaki ang pinagbago niya. Punong puno ng lihim ang katauhan niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...