Chapter 9

40 5 0
                                    

Nami pov:

"Oh bakit ang pula ng pisngi mo
Nami?" tanong ni mercy? miracle?aish! ano nga bang pangalan nito?

"Ah! sinampal kasi ako ni stacey."

"Si stacey? Talagang napakasama ng ugali ng  babaeng yun. Napakainggetera, ambisyosa pa naku! Nangngigigil ako sa bruhang yun! Ano palang ginawa mo? Nagpaapi ka lang?"

"Syempre hindi no, wala syang karapatang gawin sakin yun. Magulang ko nga di ako sinampal eh."

"Ibig sabihin-----"

"Sinampal ko din sya! Kaya quits lang kami."

"You what? S-Sinampal mo talaga sya, as in?"

"Oo."

"Alam mo naninibago na talaga ako sayo eh."

    Oh-oh! mukhang mabibisto pa ako neto eh, bakit kasi ang daldal ko? Ang hirap namang maging si Nami.

"Pero gusto ko ang bagong ikaw. Isipin mo palaban ka na ngayon? Hindi ka na basta aapihin ng malditang yun pero mas ok sana kung nandoon din ako kanina para nakita ko ang itsura nya ng sinampal mo sya! I'm sure, ang epic ng mukha ng bruhang iyun."

"Epic na epic!"

"Hahahahahh!"

"BABAEEEEE!!!!!" dinig kong tawag sakin ni Nine.

"Hayst! Ano na naman bang kailangan ng batugang yun?! Teka nga sandali lang huh? Pupuntahan ko lang yung demonyo kong amo." sabi ko saka nagmamadaling umalis.

"H-Hoyy! Nami, igalang mo sya! Wag mo syang tatawaging batugan at demonyo! Baka mapalayas ka, hoyy Nami!!" Sigaw nya, natawa na lang ako.

"Sorry!!" sigaw ko pabalik.

Ok lang naman sa kanya yun, haha ganun naman talaga ang ugali nya, psh!

***

"Hayst! Nasaan ba ang lalaking yun? Bakit ba nya ako tinatawag? Natuklaw ba sya ng ahas? Maaawa ako dun sa ahas eh, ah-Yaya fe." tawag ko kay yaya nang maabutan ko syang papasok sana sa guess room.

"Yaya! Nakita nyo po ba si Nine-este Sir Nine?"

"Ah oo, nandoon sya sa pool."

"Sige salamat po."

    Pagdating ko sa pool area, nakita ko ang batugang yun na nagsuswimming. Ano na naman kayang kailangan nito? Lumapit ako sa gilid ng pool at hinintay syang umutlaw.

"Ano na naman bang kailangan mo at kung makasigaw ka daig mo pa natuklaw ng ahas?" naiinis na tanong ko.

    Tumingin sya sakin, shocks.....ang hot nya.

"Ano ba?" sigaw ko nang wisikan nya ako ng tubig sa mukha.

"Baka kasi pasukan ng bubuyog ang bibig mo. Kanina kapa nakanganga, alam ko namang hot ako, wag mo ng ipahalatang hangang hanga ka sakin."    *Wink*

"Kapal ng mukha mo." singhal ko pero tinawanan nya lang ako. Tamo? tumatawa na sya.

"Ano ngang kailangan mo? Bakit mo ako tinawag? Baka pwedeng sabihin mo na dahil may ginagawa pa po ako."

"Get my towel."

"Towel? Nasaan ba-----"

    Seriously? Talagang kailangan nya pang sumigaw para talaga iutos saking kunin yung towel nya na kaya naman nyang abutin, three steps nya lang ang layo. Aishhh, tamad tamad nya talaga kahit kailan. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko dahil sa walang kakwenta kwenta nyang pang aabala sakin. Inis ko syang tiningnan and cross my arm.

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon