Chapter 11

39 4 0
                                    

Nami pov:

Makalipas ang limang araw, mas lalong hindi ko na makausap at makasama si Nine. Kapag maglilinis ako ng kwarto nya sinasabi nya sakin na nalinis na ni Yaya fe. Tapos sa breakfast nya si Yaya na din ang nagpeprepare. Minsan ko na lamang syang makita dito palagi syang umaalis kapag walang pasok kapag nasa school naman kung sino sinong babae ang kasama nya, kelan pa sya naging playboy?

Isa pang iniisip ko ay 'yong gabing nalasing ako. Grabe yung panaginip ko, sobrang sakit para bang totoong nangyari?
Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko at parang iniiwasan na nya ako at nasasaktan ako.

"Nami, ayos ka lang?" tanong Mira.

"Ayos lang ako, bakit?"

"Para kasing ang lungkot lungkot mo, ilang araw ka ng ganyan ah? May problema ba?"

Umiling ako. Umupo naman sya sa stool na nasa tabi ko.

*Sighed*

"Nami, nag away ba kayo ni young master?"

"Palagi naman kami nag aaway ah?"

"I mean, bakit parang si Yaya fe na ang nag iintindi sa kanya? Hindi ba dapat ikaw? Kasi ikaw ang personal maid nya?"

"Ewan ko. Hindi ko rin alam eh."

"Hindi kaya...nagalit sya sayo dahil palagi mo syang sinisigawan at sinasabihang batugan?"

"Palagi ko naman syang tinatawag ng ganun."

"Yun na nga, baka napikon na sya."

    Napikon na nga kaya sya dahil dun?Bakit di nya sinabi?

"Mira, maiwan muna kita. Susubukan kong kausapin sya."

"O sige."

***

            *knock, knock*

"Nine, andyan ka ba? Pwede bang makausap muna kita. Kahit sandali lang."

"No I'm busy." dinig kong sagot nya mula sa loob ng kwarto nya.

"Pero sandali lang naman."

"I said I'm busy, just get out and don't disturb me."

   Bakit mo ba ginagawa sakin to? Sobra na akong nasasaktan Nine.

"K-Kung galit ka sakin s-sabihin mo, wag mo naman sana akong i-iwasan."

  Mabilis kong pinunasan ang luha ko at umalis.

   

***

"Yaya fe. Pwede po bang ako na lang ang magluto ng hapunan ni sir Nine tapos ikaw na lang po ang magbigay sa kanya."

"Bakit hindi na lang ikaw? Para makausap mo sya."

"Yaya ginawa ko na yan nung isang araw at kanina pero ayaw nya akong papasukin at pansinin. Sige na please yaya."

"Ano ba kasing nangyayari at iniiwasan nyo ang isat isa?"

"Sya lamang naman po ang umiiwas yaya."

"Oh sya sige, ako ng magdadala sa kanya nyan, mamaya."

"Salamat po Yaya. Wag nyo na lang pong sabihin na ako ang nagluto. Baka hindi nya na naman po tanggapin."

"Oo na, ewan ko ba sa inyong mga kabataan ngayon ang dami dami nyong pinoproblema. Kahit maliliit na away pinapalaki. Sya umpisahan mo nang magluto ng makakain na ang batang 'yun."

"Opo, salamat po ulit."

"Naku, walang anuman. Basta wag nyo ng patatagalin ang away nyong ito magbati na kayo."

"Opo."





***



Stacey pov:

"Oh ano?"

"Sinabi ko na." sabi sakin ng isang matandang maid din dito na inutusan ko kanina. Si aling kusing.

"Pumunta na ba?"

"Naku! Natuwa pa nga si Nami nang sabihin kong pinatawag sya ni young master sa library."

"Good."

"Pero stacey, totoo bang pinatawag sya talaga sya ni young master? Ang alam ko kasi hindi sya pinapansin ni young master ibig bang sabihin  nyan magbabati na sila?"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Of course not! Hindi na sya papansinin ni nine kahit kelan."

"Huh? Ibig sabihin ikaw lang ang nagsabing pumunta sya ng library? E diba delikado doon?"

"Ano naman? Wala akong pakialam sa nerd na yun. Gusto ko lang malaman kung totoo ba iyong pinagchichismisan nyo at ikaw. Subukan mo lang magsumbong sa kahit sino alam ko ang sekreto mo, tanda."

"Anong---"

  Nginisihan ko sya.

"Oh c'mon, alam kong pumasok ka sa kwarto ni Nine at nagnakaw ng 10 thousands para lang maipagamot ang bunso mong anak. Alam mo naman ang rules dito diba? Bawal pumasok sa kwarto nya unless you are his personal maid. Pinapalayas ang lalabag doon at mas lalo kayong maghihirap kapag napalayas ka na, mamumulubi pa kayo lalo gusto mo ba iyon?"

"H-Hindi! S-Sino ba ang nagsabing magsusumbong ako? Makaalis na nga."

  Nagmamadali syang umalis sa harap ko dapat lang bago ko pa sya sabunutan dahil naiinis ako sa pangit nyang pagmumukha. Lumabas na ako ng mansion dala ang necklace ni Nine pero bago ako lumapit sa itim na kotse na nakaparada sa di kalayuan ay siniguro ko munang walang makakita sakin, tsaka ako tumakbo palapit sa sasakyan,pumasok ako sa kotse. Sa tabi ng driver seat ako naupo.

Nag-usap kami at binigay sa kanya ang kailangan nya.

"Good evening Ms. Beautiful!"

    Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakahood sa passenger seat. Tumaas ang kilay ko.

"At sino ka naman?"
tanong ko.

"I'm Rein and you are?"

"Stacey." maikling sagot ko at tumingin ulit sa lalaking kausap ko kanina.

"Ano nga palang pangalan mo?"
tanong ko.

"You don't need to know." cold na sagot nya.

"Kailangan kong malaman dahil may gagawin ka pa right? Hindi libre ang paghingi mo sakin ng pabor noon? At kung friend ka nga nya bakit hindi mo sya puntahan at kausapin?"

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon