Prologue:

783 27 3
                                    

"Linisin mo nga iyung kwarto ko!"

"Yung t-shirt ko, saan mo ba nilagay?"

"Babae! Asan na yung wristwatch ko?"

"Huyy babae! Ikuha mo ako ng towel!"

"Babae, pagkain ko nasaan na?"

    Hayst! Maya't maya ang utos sakin ng batugang kong amo. Nakakainis! Alam mo yung tipong nasa tabi na nya pero hindi pa nya magawang kunin...kailangan pa talagang mambulabog ng taong busy. Kaasar sya, napakatamad!

***

"Huyy babae! Kakain na ako, ano ba?nasaan na ang pagkain ko?" Dinig kong sigaw nya mula sa dining area.

     Hindi ba nya nakikitang may ginagawa pa ako? tsk! As if na may choice pa ako? Padabog akong nagtungo sa kitchen at nagluto.

"Huyy bat ang tagal? Nagugutom na ako!!!"  Sigaw na naman nya.

    Sarap nyang supalpalan ng sandok sa bibig nang matigil na sya sa kasisigaw.

"Sandali lang!"

"Bilisan mo naman!"

     Gusto nya ng mabilis? Tsk! Edi Sana sya ang nagluto dito, bwisit.

Nang matapos akong magluto ay nagpunta na ako sa kinaroroonan nya.

"Oh hayan! Lumamon ka na!" Padabog kong inilapag ang plato sa harap nya.

"Galit ka ba?"

"Huh? Ah... H-Hindi no....masaya nga ako eh hehe!" Peke akong ngumiti sa kanya.

     Oo! Galit ako! Galit na Galit ako sayong batugan ka.

"Enjoy your MEAL sir!" Ani ko, saka pasimple syang inirapan bago napagdesisyunang bumalik sa ginagawa ko kanina. Kabwisit!

"Huyy babae, sandali!!"

    Huminto ako sa paglalakad at hamarap.

"Ano na naman bang kailangan mo?!
" Bulyaw ko.

"Sinisigawan mo ba ako?"

"Ah-hehe! Hindi sir. Ano PO bang kailangan mo?" Malumanay kong tanong. Nakakapikon na sya.

   Sa totoo lang gustong gusto ko na syang hambalusin nitong hawak kong walis.

"Subuan mo ako!"

Huwatt? Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Anodaw?

"A-Anong sabi mo sir?"

  Baka kasi mali lang ang dinig ko.

"Subuan mo ako." nakangising ulit nya sa kanyang sinabi.

"Sa pagkakaalam ko naman po kompleto ang mga kamay nyo. Kaya hindi ko na kailangang subuan ka, SIR."

"Teka nga! Ano ba Kita?"

"Personal Maid."
mabilis na sagot ko.

"At ako?"

"Boss ko!"

"So sinong dapat masunod?"

"Ikaw."

"Ako. Kaya gawin mo na lang kung anong inuutos ko, Tama?"

       Tsk. Wala na akong magawa kundi sundin sya. Nakakainis....

Sumandok ako ng pagkain at sinubo ulit sa kanya, sinubuan ko sya nang sinubuan. Kain naman sya ng Kain. Busit.

         *Cough,Cough*

"Hala! Ok ka lang? Anong nangyari?" Tanong ko nang bigla syang naubo.

"Nabulunan ka ba?" Tanong ko ulit, sinamaan nya ako ng tingin bago sumagot.

"Fuck! What do you think?"

*Cough*

" w-water....give me w-water------" * cough*

"Huh? Ano?"

"Damn! I said w-wate-------" *cough*"

"Ah water! Teka sandali lang!"

      Tumayo ako at kumuha ng isang basong tubig at agad ko itong binigay say kanya. Nilagok nya agad iyun.

"Pwe!!"

    Binuga nya yung tubig. Ang arte nya bwisit.

"Bakit mo tinapon? Asar ka!"

"That's not water, that's vinegar!"

"Vinegar ka dyan, akin na nga!" Inamoy ko ang baso at napangiwi ako ng maamoy.

   Venigar nga. Naku patay!

Bago nya pa ako masapak ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng dining area, dala dala ang walis.

"Come back here, woman! I'm gonna kill you, I swear!!!!"  Sigaw nya na halos umalingawngaw sa buong mansion.
  
      Waaaaahhhh.... it's not my fault naman eh. Hindi ko alam na vinegar pala yun, magkakakulay kasi.

---

Author's Note: This is my first time to publish my story here in Wattpad, I hope you like it. And expect the wrong typos and grammars.... vote and comments.

    All characters, locations, organizations, religions, and accidents in this story are fictional.
  
  

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon