Kabanata 2

10 5 0
                                    

Wave Russell Asuncion?, Well May dating naman ang pangalan niya at hindi baduy. Ang akala ko kasi mababantot ang mga pangalan ng mga taga probinsya. Mukhang model ata ang isang ito rito sa resort.

" Gwapo 'no?." Napatalon ako sa gulat ng magsalita si Caren sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Masama tuloy ang tingin ng lingunin ko siya.


" So?." Mataray na sagot ko.

Wala naman talaga akong pakialam kung gwapo siya. Gwapo si Ronnie pero hindi maipagkakaila na mas gwapo siya pero wala paring kong pakialam.


" Type mo?." Nandidiri akong lumingon sa kanya. Hindi makapaniwala na ganon ang sasabihin niya gayong tiningnan ko lang naman ang standy ng lalaking iyon.

Gwapo siya pero hindi ko siya magugustuhan. Hanggang ngayon nga ay hindi ko parin makalimutan si Ronnie. Magtatatlong Linggo na kaming hiwalay ni Ronnie pero hindi parin ako makalimut. Kaya malabong mapapalitan ko siya gayong wasak na wakas ako ng maghiwalay kami.

At kung magkakagusto man ako hindi sa lalaking iyon. Hindi naman gwapo ang hanap ko kundi ang mayroong substance, gentleman. Pero ang lalaki na iyon ay naiirita ako sa tuwing makikita ko siya.





" Ewan ko sayo." Sagot ko na lang at tinalikuran siya para daluhan sina Abby na kumukuha ng litrato roon sa giant Dory na naman. Nagulat ako ng hinila ako bigla ni Abby at sinakop sa selfie, hindi tuloy ako nakagawa ng maganda pose at mukhang akong natatae sa litrato.


" Ano may nahanap ka ng rebound?." Kumunot ang noo ko sa tanong sa akin ni Abby. Ngumisi naman siya sa naging reaksyon ko.

Wala naman akong balak na humanap ng rebound na sinasabi niya. Masakit man para sa akin, pero ayaw kung gumamit ng isang tao para makalimutan ko si Ronnie. Hihintayin ko na lang ang araw na mawawal na ng espasyo sa isip ko si Ronnie.

" Ayaw ko" talagang ayaw ko, ayaw kung makasakit ng kapwa ko.

" Choosy ka pa baka mamaya May kalandian kana. " Umirap ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

Kahit kailan ang daming alam ng babaeng 'to. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay naglalagay ng liptint dahil tuyo na raw ang labi niya. Hindi talaga mauubusan ng reklamo ang isang 'to.

Sabay kaming napatingin ng marinig ang mga hiyawan sa isang lodge. May kung anong ginagawa sila roon, sa tantya ko ay mga sampu silang naroon, babae't lalaki. Iiwas ko na sana ang tingin ng mahagip si Wave na pailalim ang tingin sa akin. Ang sama sama ng tingin sa akin na parang pinademolish ko ang bahay niya. Umiwas na lang ako ng tingin at lumapit kay KD n ngayon ay may kaharap na babae.

" You're not my type.." rinig kung sabi niya roon sa babae. Napaawang ang labi ko matapos niyang talikuran ang babae na iyon. Parang napahiya naman ang babae dahil sa sinabi ni KD.


Si Ed naman ay may kung ano silang pinag-uusapan ni Caren. Umupo na lang ako sa isang stoll roon at nilibot ang paningin. Maganda naman ang buong resort ang maraming tao ang naglalakad lakad doon. Gusto ko sanang uminom ng buko diyos ng makita ko ang isang tindahan na mayroon, kaso ay wala akong kasama at nahihiya ako dahil may mga tao ring bumibili roon.


Nang hindi na makatiis tumayo ako at lumapit sa tindahan para bumili ng buko juice. Ngumiti ako sa tindera na babae. Sinabi ko sa kanyang binili ako.


" Taga Maynila ka?." Napatingin ako sa kanya ng magtanong siya, casual lang ang pagkakatanong niya at parang magkaibigan lang kami.


" Oo" nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at nilapag ang buko juice na order ko. Umupo na lang ako roon at doon ininum ang order ko.






WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now