Kabanata 4

11 5 0
                                    

Nakatingin ako kay Abby na ngayon ay nag-iimpake. Uuwi na sila dahil tapos na ang bakasyon at pasukan na naman. Hindi ko alam kung paano ang sitwasyon ko rito ngayon na wala na sila. Kami na lang ni Eduardo ang maiiwan dito, hindi pa naman kami masyadong close kahit na magkapatid kami. Nakaseryoso at mesteryoso ang isang iyon, nakakaintimidate kasama.

"Ayaw ba ni Tita na roon ka mag aral?." Tanong niya sa akin habang nag iimpake, umiling ako. Hindi papayag si Mama na roon ako mag aaral, kapag inopen ko na naman ang topic na ito ay magtatampo na naman siya at sasabihing napag-usapan na namin ang bagay na ito.

" Ayaw," nalulungkot na sabi ko, hindi ko talaga alam kung bakit narito na ako sa isla ngayon. Parang kahapon lang at naroon ako sa Mcdo at kumakain.

" Eh diba roon si Tito?." Patungkol niya kay Papa, tumango ako.

" Oo, may tinatapos lang pero susunod 'yon dito" tumayo na siya ng tapos ng magimpake. Parang gusto kung maiyak dahil uuwi na sila at maiiwan ako. Sabay kaming bumaba at naroon narin ang mga kasamahan niya at dala dala ang mga bagahe nila.

" Paano ba yan, see you sa pasko" nakangiting lumapit si Caren kay Ed at astang hahalik ito sa pisngi ng tinulak ni Ed ang pagmumukha niya. Lumapit na lang siya kay Mama at humalik, na ako na ang pupuntahan niya ay niyakap niya ako ng mahigpit.

" Hindi a-ako m-akahinga" nahihirapang sabi ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Ang arte nito, aalis na kami." Sabi niya ng kumalas sa yakap.

Nagpaalam narin si KD sa akin at parang gusto ko ulit na mainsulto dahil nag alcohol siya matapos ko siyang yakapin. Nang matapos ang madramang pagpaalam, binuhat nila ang mga bagahe. Hinatid namin sila sa dalampasigan kung saan naroon ang yatch na sasakyan nila.

Umakyat na sila isa isa at kinawayan ko. Nagulat pa ako ng may kausap na lalaki si Caren, napataas ang kilay ko. Ilang Linggo pa lang siya rito ay nag kakilala na siya. Napangiti ako ng makita na gwapo ang lalaki, hilig ni Caren.

"Bye, Em, Ed, Tita.." tinapik niya pa isa isa ang mga balikat namin at sumunod sa mga kasama niya paakyat ng yatch. Masama ang tingin ko sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin Em, pero hindi niya nakita ang matalim na tingin ko.

" Elisha, get yourself a rebound" sigaw ng walang hiyang si Abby, parang gusto ko siyang batuhin ng paddle. Nakakahiya kay Mama.



Ang dami pa nilang sinisigaw natatawa na lang kami ni Mama at Ed. Nang umandar na ang yatch naging teary eyed na ata ako at kumaway sa kanila. Nagflying kiss pa ako pabalik kay Abby.
Tinanaw ko lang sila hanggang sa malayo na ang yatch at alam kung hindi na kami magkakarinigan kung magsisigawan kami. Ngayon ko lang tuloy napansin na ako na lang pala mag isa roon, iniwan na ako nila Mama.

Bumuntong hininga ako at sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang mga pinsan ko. Aalis na sana ako at uuwi ng maagaw ng atensyon ko ang isang babaeng pamilyar sa kin, humahangos ang hininga dahil sa kakatakbo.

" KD!" sigaw niya kahit hindi na maririnig ni KD 'yon. Tama siya iyong kausap ni KD sa resort at noong time na kumanta si Caren. Hindi muna ako umalis at tiningnan siya.

Nanliit ang mata ko ng ngumuso siya at nag pameywang. Nagulat siya ng humarap siya sa akin, nakita kung muka sa kanang mata niya ay nahulog ang nag-iisang luha niya. Pinunasan niya ito at nag iwas ng tingin.

" H-hi." Nahihiyang sabi niya, hindi ako ngumiti o nagbigay ng kahit anong expresyon man. Nang hindi ako nag response ay tumikhim siya at tinalikuran ako. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay tanaw ko ang paggalaw ng balikat niya, hudyat na umiiyak siya.





WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now