Kabanata 3

10 5 0
                                    

Gabi na ng mag aya silang umuwi, hindi na ako umangal at ayaw ko namang tumagal doon lalo't naroon ang bwesit na iyon. Naglalakad kami at pinapakinggan si KD at Ed na nagbabangayan. Ewan ko ba kay Ed kung sinong babae ni KD ang tinutukoy niya.

" I told you she's not my girl." Naiirita ng sabi ni KD, na isang pilit pa ni Eduardo ay makakatikim na siya.

" Yeah easy dude I was just joking." Tinaas niya ang dalawang palad na parang sumusuko.

Tahimik lang ako sa gilid at tinitigan ang buhangin na nadadaanan ko. Gabi na at ilaw lang galing sa cellphone ang magsisilbing ilaw namin. Maya maya lang ay napaangat ang tingin ko ng si Abby na naman at Caren ang nagbabangayan.

" Babaeta sinasabi ko sayo kung na-rape ka kanina ay ako ang malalagot kay Tita " para siyang nanay ni Abby na pinapagalitan.
Siguro ay ang pagkawala at paghahanap namin sa kanya. Naroon lang naman siya sa isang lodge at may kinukuhanang dalawang tao na nagmemake out.


Kami na lang ata ang maingay na naglalakad. Hindi ko alam pero parang nakakahiya para sa aming mga dayu rito ay ingay kaagad ang pawelcome namin. Sa malayo palang ay tanaw ko na si Mama na nakatayo sa labas ng pinto, nakakrus ang mga kamay at nakataas ang kilay na nakatingin sa amin.



" Anong oras na?" Iyan kaagad ang bungad niya, walang sumagot dahil sa takot na baka masigawan kami. Binuksan niya ang pinto at isa isa kaming pinapasok, pero nakatanggap muna kami ng isang sapak.


Nagsisisihan tuloy sila ng umakyat na kami sa taas. Kasalan daw ni Abby at kung saan siya pupunta, katwiran naman ng isa ay kasalanan ng naghahalikan kanina. Napasapo na lang ako sa noo at tinalikuran sila para pumasok sa kwarto.

Naligo lang ako, actually hindi na sana ako maliligo kaso naalaala kung nakisalamuha at nakisiksikan ako sa mga tao roon kanina. Matapos maligo kinuha ko ang cellphone at pumuntang balcony, ewan ko nag-e-expect padin ako ng reply galing sa kanya.

Ronnie:
I miss you

Parang lumundag ang puso ko at nagwala ang mga kulisap matapos mabasa ang reply ni Ronnie. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako I titili. Kahit hiwalay na kami ay iba parin ang epekto ng mga salita niya sa akin. Ganoon ako nahumaling sa kanya, ganoon ko siya minahal.






Elisha:
Hope you're here..

Gabi na at alam kung hindi na siya online, kaya tulad kagabi naupo na lang muna ako roon at mula roon ay tinataw ko ang malawak na karagatan na nababalot na ng dilim. Pero kahit gaano kadilim maririnig mo ang hampas ng alon sa dalampasigan.



" Gabi na ah." Napahawak ako sa dibdib matapos magulat, nanlalaki ang matang nilingon ang walang hiyang bumasag ng katahimikan ko.


" Abby please hindi ko trip makipag usap ngayon." May diin at seryosong sabi ko.

Bakit kung kailan gusto kung mapag-isa ay bago siya susulpot. Where in Earth I can find the peace?.

" Rebound?." Sumama ang mukha ko dahil naroon naman siya sa mga rebound rebound niya.

Kahit anong gawin niya ay ayaw ko ng mga rebound na 'yan. Siguro ay iyan lang ang sinasabi niya dahil nagawa na niya.

" Ayaw kung mainlove sa rebound ko katulad mo.." siya naman ang sumama ang tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa loob.

Gabi na at medyo inaantok na ako, ayaw ko namang magtagal doon at baka mapapayag pa ako ni Abby na maghanap ng rebound katulad niya.

It's not easy to get rid those memories of ours. Lalo na ang taong iyon ay nag-iwan ng malaking impact sa buhay ko. Sa loob ng mga taon na kasama ko siya at magkasama kami, nilalagay ko at hindi ko maiwasang isipin na siya na ang makakasama ko. Ang lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng altar. Pero hindi pala, hindi siya.



WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now