Kabanata 10

15 1 1
                                    

" Ma where's Ed?." Tanong ko kay Mama ng makababa galing sa kwarto.

Sabado ngayon at wala kaming pasok, before I was expecting a make up class or something tuwing Sabado, mayroon kasi kami noon.

Pahinga naman si Mama ngayon dahil noong mga nagdaang araw ay naging busy siya sa pagpapatayo ng Hotel. Nagluluto siya ng ulam, wala kasi si Manag Lucia at piniling umuwi muna dahil sinundo siya rito ni Enid.

" I don't..know.. maybe out there". Hindi man lang nag-abala na lumingon sa akin, pre occupied sa niluluto.

Ngumiti na lang ako at nagpaalam na lumabas. Nakita ko si Ed sa cottage sa labas ng bahay at hawak ang guitara. Lumapit ako sa kanya, napaangat ang tingin niya ng maupo ako. Hindi naman siya nagsalita at nag strum Lang ng guitars at naghuhum ng hindi pamilyar na kanta.

" Problema?". I asked, I know there is something bothering on him. He put the guitar off, at tinanaw ang dagat mula sa kinauupuan niya.

" I don't know, maybe the feeling when you didn't get the right perspective." Unlikely, he
shrugged. Siguro ay ang expectations na naman ang pinoproblema niya.

" You know what kuya, it's better if you accept the fact instead of expecting something. If you accept you'll have a fewer disappointment." I smiled at him.

" Bakit sa akin mo sinasabi iyan?, I'm the one who can't reach their expectations, they are the one who can't accept what I can give. " May bahid ng lungkot sa boses niya.

" Yeah, just enjoy what are you doing." I gave him a small smile, and glad he responded.

Tumayo ako at lumapit sa kanya, niyakap ko siya at ginantihan. Yes, sometimes hindi kami nagkakasundo ng kapatid ko, tuwing tinutupak siya ay lagi kaming snob sa kaniya.

Simula pa lang noon ay mataas
na ang expectations nina Mama sa kanya, gusto nila na every achievement ni Ed ay papasa sa kanila. Was, Ed wasn't that vocal kaya siguro ay nape-pressure na rin siya sometimes. Magaling at matalino si Ed at alam kung maraming nahuhumaling sa kanya, for me he is not vulnerable maybe the expectations was to high that no one can reach.

Pumasok ako sa bahay at kinuha ang sling bag sa kwarto. I just want to take a walk, gusto ko ring bumalik doon sa café na pinuntahan ko noon. I Don't know pero laging hinahanap ng dila ko ang lasa ng kape roon.

Naglalakad ako since malapit lang naman. Nagulat pa ako dahil parang may nagiba sa estilo nito, hindi ko lang alam kung saan ang nabago.

" And please add two ensaymada. Thank you." Binigyan ko ng matamis na ngiti ang barista, after that naghanap ako ng pwesto. Medyo nahirapan pa ako dahil marami ang tao ngayon.

Mula sa kinauupuan at tinatanaw ko ang malawak na dagat. Naalala kung may practice pala si Enid ngayon, natatawa na lang ako tuwing maalala na sinabi niyang wala na siyang maisip na representative ng section namin sa Ms. nutrition month, siya lang naman pala.

Actually ang daming activities sa Nutrition day. Mayroong Zumba competition, quiz bee, cooking contest, at may open gate event which is pwede sa mga outsider. Syempre may registration fee. At sa gabi ay ang pageant. Pinipilit nila ako na sumali sa quiz bee pero tumanggi ulit ako, ayaw ko lang talaga. At isa pa si Ed ang representative ng Grade 11 sa quiz bee kaya mas lalong ayaw ko. Hindi naman sa nagpaparaya ako, alam ko kasi ang talino ni Ed at alam kung matatalo lang ako kung sakaling sumali ako.





" Elisha honeybabe..!" Umasim ang mukha ko ng marinig ang boses na iyon, dahil kahit hindi ko siya nililingon ay alam ko na ang boses niya.


Umupo siya sa harap ko, parang nag-flashback lang noong una kung punta rito sa café. Naka t-shirt na puti lang siya at fuck boy short. Hindi ko maiwasang mamangha, kahit ata basahan ang damit niya ay ang ganda niya paring tingnan. Pero hindi nawawala ang inis ko dahil kahit sabado pala ay hindi parin ako makakatakas sa pangbwebwesit ng isang ito.




WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now