kabanata 2

32 2 0
                                    

Elona

I hummed and start strumming the guitar after tunning it, when i finished strumming i felt someones presence behind me.

"Galing naman." Napalingon ako kay Dica.

"Hindi naman halatang nakajackpot ng fafa ah." Natatawang ani nito at pilit na inaabot ang gitara.

"Grabe, pahiram ako niyan." Reklamo nito ng hindi ko hinayaang maabot niya ang aking gitara.

"Weh baka sirain mo nanaman ang string eh." Tinignan ko ito ng may mapaglarong mga mata.

"Hindi, promise." Nagkibi-balikat na lamang ako at inabot na sa kaniya ang gitara.

"Hmm, hmm, hmm." She hummed a familiar song, a song that i've wrote 5 years ago.

"Kahit kailan ay hindi ko makakaimutan ang kantang iyon." Ngumiti ito sakin at tumingala sa magagandang bituin.

"Dito ang madalas na tambayan natin, dito mismo sa malaking bato na ito." Na ngayo'y inuupuan namin.

"May nagugustuhan ka ba Elona? Hindi ko alam kasi hindi ka naman nagkukwento sakin tungkol sa ganoong bagay." Tumingin ito sakin at patuloy na nagigitara.

"Wala eh." Sagot ko habang nakatingin sa gitara.

"Eh akala ko ba gusto mo iyong Martinez?" Huminto ito sa pagigitara at pinatong sa kaniyang gilid.

"Hindi naman, parati kasi niyang kasama yung nobya niya, yung Valerie?" Tumango naman si Dica at patuloy na nakikinig sa akin.

"Nahihiya kasi akong kay Valerie mismo tumingin." Nanlaki naman ang mga mata ni Dica.

"Wag mong sabihing?—" Mas nanlaki pa ang mata nito ng hindi ako sumagot.

"Nagagandahan ako sa kaniya, gusto ko din siyang kaibiganin kaso mukhang ayaw sa akin eh, nagseselos nga ata yun." Tumawa naman si Dica.

"Sino namang hindi eh parati kang nakatingin kay kuya Claudius?"

"Pero aminin mo gwapo din iyong Claudius no?" Dugtong pa nito.

"Oo, kahit iyong dalawang kapatid niya." Umiwas naman ng tingin si Dica.

"Hindi ba't gusto ka ni Julius? Mukha ding nagseselos kasi parati kong nakikita na nakatingin siya sayo at ikaw naman ay nakatingin sa gawi nila Claudius."

"Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya Dica, sa inyong lahat." Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Kawawa naman si kuyang Julius pagnagkataon, sayo lang naman nagkagusto iyon, diba nga siya pa iyong gusto ni Valerie noon?"

"Kaibigan lang naman siguro ang turing ni Valerie sa kaniya noon, nagseselos lang kasi diba sobrang lapit nilang dalawa nung mga bata pa tayo? Silang dalawa ay talagang magkaibigang hindi mo basta-basta mailalayo sa isa't isa." Napatango naman si Dica.

"Oo nga no? Kahit nga ako ay ayaw ipaglapit ni Valerie kay Claudius."

"Ikaw ba?" Tanong ko rito.

"Anong ako ba?" Nakakunot-noong bumaling ang tingin nito sa akin.

"May nagugustuhan ka na ba?" Namula ito na tila ba may iniisip.

"Ay mali, ang tanong ay kung gusto ka ba ng nagugustuhan mo?" Sinamaan ako nito ng tingin.

"Foul 'yun Elona ha." Tumawa ako.

"Hindi ko alam kung gusto niya din ako, mukha kasing kaibigan lang ang maibibigay nito sa akin." Napatigil naman ako sa pagtawa ay seryosong tumingin sa kaniya deritso sa mata.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now