kabanata 13

25 1 0
                                    

Elona

Nandito kami ngayong tatlo sa cafetiria at tahimik na kumakain.

"Grabe, ang saklap ng ginawa ko. Bakit ko ba naisip yun?" Problemadong tanong ni Dica sa sarili, napailing naman ako at kinain itong cheeseburger na inorder ko.

"Pahinge ngang icecream ate, may problema ako ngayon kaya pagbigyan niyo na ako." May problema nga ba? O hinahanda lang ang pera para mamaya?

Walang imik namang pinanuod ni Solene si Dica ng kunin nito ang icecream niya na nasa basong u shape at may stand.

"I adore your friendship a lot." Sabay naman kaming napalingon sa kasama namin, maliban kay Dica na abala sa pagkain ng kaniyan sorbetes.

"Hindi namin kilala yan" Nagkatinginan naman kami ni Solene ng sabay namin nasabi iyon, natawa naman si Chrislyn.

Siya iyong babaeng umiiyak kanina, kinausap namin siya ng malamang kaklase ito namin— kinausap siya ni Dica.

At ngayon ay magkasalong kumakain kami sa cafetiria at nagtext din si kuya Ramon sa kapatid nito na may gagawin sila, boys bonding ata.

"At dahil you accepted me as your friend i will pay all the shopping we'll do buy mamaya." Kung kanina ay deri-deritso itong nag i-ingles ngayon naman ay parang nilamon ng kalahating tagalog at kalahating ingles itong dila niya.

"Kahit huwag na Chris." Pagtanggi ko sa alok nito, baka naman isiping inaabuso namin ang kaniyang yaman dahil sa bagong kaibigan ito namin.

"Nah' ako ang masusunod even just for now." Ngumiti ito sa akin at pinatuloy ang pagkain ng pizza na inorder nito, it was an overload pizza at manipis ang dough kaya masarap kainin, lima ang binili nito at isang karton na lang ang naiwan.

Kakagatin ko na sana ang burger ko ng biglang may tumawag sa aking pangalan, mariin naman ang napapikit at sinarado ang bibig ko ng napakariin.

Nang mapalingon sa tumawag ay nakita ko si sir Nic, napahinga naman ako ng malalim.

"Can i barrow Elona?" Napalingon din ang tatlo.

"Kahit huwag niyo nang ibalik sir" Sinamaan ko naman ng tingin si Dica.

"Bat po sir?" Tanong ko.

"Uhm, i want to tell you something" Bakit ba puro ingles ang mga salita dito?

Tumayo naman ako at kinuha ang hindi pa tapos kong burger at ang mango shake na nasa small cup na sabay kong inorder kanina, kalahati pa ang ang nababawas dito.

"SO, i saw you." Malamang may mata ka eh.

"Tapos po?"

"I mean, i saw your eyes." Nanlaki naman ang mga mata kong nakatingin sa kaniya, bumaling ang tingin ko sa gilid ng office nito na glass ang wall, nakasuot naman ako ng contact lense.

"The emotion, i saw it ng makitang inimbitahan ng kaibigan mo si Chrislyn, it was full of acceptance and happiness." Napaiwas naman ako ng tingin.

"And i hope you could accept me too, alam kong parang baliw na ako sa paningin mo ngayon." Mukha nga.

"Pero, wala kasi talagang tumatanggap sa akin." Sure ka? Sa gwapo mong yan?

"I'm a gay." Napabuga naman ako ng iniinom kong shake dahil sa deritsang sinabe nito.

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ito at mas nilakihan pa.

Tumawa ito "Your reaction is priceless but yeah, this well built and gorgeous man is a gay." Grabeng revelation to.

"N-no you're not" Tumawa ito at ngumiti.

"Just kidding" Napahinga naman ako ng maluwag, sayang kagwapohan mo sir nako. Ang weird ng mga tao dito ha?

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now