kabanata 9

26 1 0
                                    

Elona

Special Subjects

—Wear a comfortable attire—

Ang mga nakasulat sa special subject ay artery, hand combat and etc. May nakalagay din na salitang 'Enjoy' sa huli.

Ano naman ang mga ito? Seryoso ba sila?

"Elona, tara na." Sinuot ko naman ang bag ko at lumabas ng silid habang binabasa ang info tutor.

Binabasa ko naman ito habang naglalakad, mabuti na lang at sanay na ako sa ganitong gawain. Binuklat ko naman ulit ang sunod na pahina.

Napatigil naman ako sa aking pagbabasa ng makitang malapit na akong mabunggo sa pintuan namin.

Hinubad ko ang isang belt ng bag at nilagay ang papel sa loob nito tsaka isinuot muli.

"Elona, dala mo iyong phone mo?" Umiling naman ako sa tanong ni Dica, binaliwala ang nabasa ko kanina.

"Ikaw na muna bahala sa relo ko, may dala naman akong cellphone tsaka kailangan mong dalhin ang cellphone mo para makita ang oras." Tumango naman ako rito.

Walang masyadong studyante rito sa 3rd floor ng girl's dorm, bumaba na kami gamit ang hagdan dahil wala namang elevator.

Pagbaba ang doon na namin nakita ang mga kababaihang parito't paroon. Hindi naman nila kami pinansin kaya't iyon din ang aming ginawa.

"Bakit ang iikli ng mga palda nila?" Bulong ng katabi ko, nagkibit-balikat naman ako at deritso lang ang tingin.

Bumaba ulit kami patungong ibaba, marami na din ang mga studyante. Puro babae dahil hindi pwedeng makapasok ang mga lalaki.

Nakasuot ako ngayon ng contact lense katulad ng pinaalala sa akin ni inang Glenda kahapon ng tumawag ito.

"Teka pareho lang ba tayo ng room?" Pagbasag ni Dica sa katahimikan.

"TLE iyong una ko." Sagot ko.

"Ako din, nine am to nine thirty" Ngumiti naman si dica.

"We're classmate pala" Napatango-tango naman ako.

"Teka si Dius ba yun?" Napalingon naman kami sa tinuro ni Solene, doon sa tinuro niya ay nakita naming nakayuko si kuya Claudius at nasa harap nito ay ang dalawang lalaki at isang babae na nakatalikod mula sa kung nasaan kami.

Lumapit naman kaming tatlo doon, marami ding nanonood sa kanila, mistulang natatakot lumapit.

"No Aaron! He ruined my uniform and almost my day!" Napataas naman ako ng kilay sa sigaw ng babaeng ito, medyo malayo pa kami sa kanila.

Nasa bandang condominium ng mga lalaki, kaya't halos lalaki rin ang nandoon.

Medyo umangat ang ulo ni kuya Dius at parang sinasabe sa aming huwag ng makialam.

"Just. Get lost!" Nung sumigaw ang babae ay mabilis na umalis si kuya.

"And all of you! GET LOST" Sigaw naman nito sa mga nanonood, kasama na dun kami.

The Lost HeiressDonde viven las historias. Descúbrelo ahora