kabanata 23

21 1 0
                                    

Elona

Maayos na ginising ko ang tatlo, baka ano pang mangyari kamang pinagsasampal ko ang mga to, bakit ba ayaw magising?!

Binuksan ko ang pinto at nagulat naman ang babae dahil ako ang bumukas nito, pinapasok ko siya at dumeritso naman ito sa mesa ni doc.

Nagkatinginan ang dalawa at hindi ko mawari kung may ibig bang sabihin ang tinging iyon. Ang pumasok ay kasama din namin sa kusina, nakakabilib na mag-isa niyang dinadala ang pagkain sa lahat.

"Doc, sopas yan?" tumango ito sa akin, akala ko salad.

"Ate pwede naman ata akong humingi ano?" nagising si bebe dahil sa ingay kaya't pinaghahampas niya ng unan ang dalawa na siyang nagpasing sa mga ito.

Tumango ito at iginaya ako papalabas ng silid ni doc, lumabas din ang tatlo at kumuha ng kanilang sopas na nasa bowl na may nakalagay na isang kutsara na malalim.

Pumasok na ang tatlo sa loob at kumain, inamoy ko muna ang pagkain at agad na napatakip ng ilong at bibig. Nasusuka ako.

"Sa cr ka bruha! Kumakain kami dito oh." agad naman akong tumakbo sa banyo na nasa loob ng silid ni doc, natagalan pa ako dahil sa pagpupunas ng labi at pagtingin ng repleksiyon ko sa salamin.

Isang buntong-hininga ang ipinakawalan ko at lumabas ng banyo.

"Ha?" bakit tulog ang mga tao dito?

Tinapik ko ang pisnge ni doc at ayaw talagang magising, gulat na napatingin ako sa lalagyan nang sopas, paubos na ito hindi naman mainit ang sa kaniya pero ang pagkain ng tatlo eh umuusok pa.

Sunod kong pinagsasampal ng mahina ang tatlo at kahit anong lakas eh ayaw nilang magising, madami-dami na din ang nakain ng tatlo at papasok na sana ako nang banyo upang kumuha ng tubig na pambuhos sa mga tulog na kasama ko.

Biglang bumukas abg pintuan at umingay pa dahil sa lakas ng pagkabukas, ilinuwa nun si Aaron na lalabas na sana ngunit natigil ang mga mata nito kay Rosas na ngayon ay tulog na tulog.

Sunod na inangat nito ang tingin sa akin at nagulat naman akong masama iyong tingin niya, may mga pumasok na kalalakihan sa loob at binuhat ang doctor, ang ilan pa nga eh kinuha iyong mga envelope na may laman ng DNA result.

Tumigil sa ere ang kamay ng bubuhat sana kay Rosas. Masama pala ang tingin ng amo nila sa kanila, lumapit ito kay Rosas at tila ba gulat pa din. Binuhat nito ang dalaga pangkasal kaya't agad na lumaki ang ilong ko sa pagpipigil na kiligin.

"Kunin niyo ang babaeng iyan." napailing na lamang ako at nagpadala sa agos ng tadhana— este sa mga kasama nito.

Nalaglag ang itim na envelope sa mesa ni doc, bukod tangi ang kulay nito at maaakit ka talaga dahil ito lang ang naiiba.

Nasa pintuan na kami ng pumasok ulit si Aaron at binigyan na naman ako ng masamang tingin tsaka ininuon ang pansin sa dalawang envelope na nahulog, iyon ang saakin at kay Rosas. Nag-init naman ang ulo ko dahil doon sisiguraduhin ko talagang mayayari ito kay Rosas dahil magsusumbong ako! Hmp talaga!

Hinigit na ng dalawang lalaki ang braso ko kaya naman napasunod na din ang aking katawan.

Nagulat naman ako dahil nakasalampak na sa sahig ang dala pagkalabas ng silid ni doc, nang mag-angat ng tingin ay galit na tingin ni Clive ang nadatnan ko, nakakuyom ang kamao nito siya ata ang sumuntok sa dalawa.

Lumabas na din sa kwarto si Aaron at bitbit ang dalawang envelope, nako nakalagay pa naman sa result na buntis si Rosas at 97.99% na kay Vallega ito. Tatlo kasi ang pang test at kasama si Aaron para masiguro talaga na Vallega ang mahahanap nila.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now