kabanata 20

20 1 0
                                    

Elona

"Hindi nga?! Pwede talagang paglihian ang tao?" natawa ako at napatango sa kanila ng biglang nagbiro si tope na pinaglilihian daw ako nitong si Rosas.

"Teka buntis ba to?" tinuro ni bebe si rosas at inginuya ang kinakaing kendi na galing pa sakin.

Napaiwas si rosas ng tingin at bahagyang napatikhim na nagmalaki ng mga mata naming tatlo.

"HINDI NGA?" sabay pang sigaw namin na ikinatawa din namin sa huli.

"Ah, siguro?"

"Hindi ka na virgin dzai? How much ka?"

"A-anong how much?" kumurap-kurap si rosas sa tanong nitong kasama naming hindi mapigilan ang bibig sa kapuputak.

"I mean how old? Ganon din naman 'yun 'diba?

"T-twenty?" weh?! Sa ganda niyang 'yan?

"Pinagloloko mo ba kami babae ka? Kumpara saming tatlo eh mas bata ka tignan kaya 'wag kami dai." napailing na lamang ko at napapangiwi kapag minsa'y sinisinghot ni Rosas ang buhok ko habang yakap-yakap ako.

"Grabe ka Elona hindi ka naman rugby pero nakakaadik iyong amoy mo." mas lalo naman akong napangiwi sa turan nito.

"Baka drama mo lang iyan ha. Noong kanina ay hindi mo naman iyon ginagawa kay Elona mylabs."

"Ginagawa ang alin?" napailing na lamang kami ni tope sa dalawang kanina pa nagsasalitan ng mga salita.

"Iyan yung singhot-singhot tapos hug ka ng hug sa kaniya. Ako nga ni hindi makahawak eh."

"Psh, halos pigain mo nga ako ng yakap kaninang tulog pa kayo." Napanguso ito at sinamaan ng tingin si Rosas na ngayon ay tila maganda ang timpla at paminsan-minsan pang sinisinghot ang buhok ko.

"Ilang months na 'yan?"

"Grabe ka maka months pero feeling ko almost a month, three week siguro pero i don't know kung anong exact date pa itong baby ko sa aking tummy." napahinga ako ng maluwag ng kumalas si Rosas ng yakap at hinimas ang tyan nito, nasufocate ata ako dun ah.

"Ninang ako ha?" pagsingit ni tope sa usapan ng dalawa.

"Uy! Ako din pala."

"Oo naman, ninang kayong lahat." i wish ganiyan din ako ka happy kapag malamang may laman itong tiyan ko. In the future.

"Sinong ama?" i asked out of the blue na naging sanhi ng pagbago ng aura ni Rosas.

"I-its Aaron."

"Maka Aaron ang isang to eh wagas 'kala mo naman close kayo nung tao ano?"

"Believe it or not 'yun talaga ang totoo, she impregnant me." ok? Wala akong maintindihan sa kanila.

"Hindi nga?!" napakagat labi naman si tope sa gilid habang nakikinig sa dalawa.

"Yeah, oo."

"Teka hindi ko kayo maintindihan ha?" napatango naman ako sa biglang pagsingit ni tope.

"Ako din nga eh."

"What the girls?! It's the crown prince, well crown prince if hindi na talaga makita ang nawawalang prinsesa." histerekal na saad ni bebe habang nanlalaki ang mga matang sinabe ang mga iyon sa amin, bahagya pang tumatalsik 'yung laway nito.

"Wow, the lost heiress ang peg?" natawa din ako sa turan ni tope.

"Yeah balita ko nga eh kung makita ang nawawalang prinsesa eh aasinso itong mundo." si Rosas naman ang natahimik sa gilid at mahina pa akong napatawa ng makitang papikit-pikit ito. Ganiyan naman talaga ang mga buntis, ata?

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now