CHAPTER #7

230 12 4
                                    

"Ma'am gising naaa!  bangon naaaaa!"

Halos mabato ko na lahat ng unan ko sa kwarto, rinding rindi naako sa boses ni riza, daig pa kung tumilaok yung manok.

"Oo na!  baba napo!"

Balik kung sigaw mula rito, habang nakabusangot na bumaba mula sa hagdanan.

"Bakit kaba sigaw ng sigaw?"

Iritang tanong ko mula rito ngunit ngumiti lamang ito pagkalawak lawak mula saakin.

"Ipapasyal ko kayo ma'am dito!  Maraming poging magsasaka dito ma'am kung hindi niyo lang nitatanong lahat ulam"

Tudyo nito at binigyan ako ng nakakalukong tingin, seriously? magsasaka?.

"Riza kung may balak kang ireto ako sa isang magsasaka, wag na"

Masungit na saad ko mula rito, naku dapat nag rerelax lang ako ehh.

"Ipapakilala ko kayo ma'am kay kuya Ala! siya ang pinaka guwapong magsasaka dito! parang model lang ma'am!  kaso bihira nalang siyang pumunta rito lagi kasi siyang nasa manila"

Masiglang saad nito pero bakas parin ang kalungkutan mula sa kaniyang mga mata.

"Ewan ko sayo"

Naiiling iling na saad ko at tinalikuran na ito, tss isip bata.

Ilang oras din ang lumipas ay niyaya ako at sinamahan ako ni riza na magpunta sa kung saan saan, sa tabing dagat,  may park din, kumain din kami ng street foods at marami pang iba at ang huli ang sakahan.

"Riza umuwi nalang tayo pagod na pagod naako"

Reklamo ko kay riza na patuloy parin sa paglalakad mula sa putikan.

"Ano kaba naman ma'am!  malapit na tayo bilisan muna jan!"

Sigaw nito saakin habang sobrang dungis narin ng mukha nito.

"Hintayin mo ako!"

Pahabol kung sigaw ng makita kung nakalayo na pala itol saakin,  kahit na hirap na hirap dahil sa putik ay pinilit ko paring tumakbo at habulin si riza,  ngunit dahil sa kakatakbo ko hindi ko napansing may bato pala sa daraanan ko,

Napadapa ako sa putikan at mangiyakngiyak akong pilit na bumabangon, naramdaman kunalang may isang malaking bisig na umalalay saakin at ramdam kurin ang mainit nitong hininga mula saaking tenga.

"Miss ayos kalang?"

Barito at medyo paos na bulong nito saakin, natuod at halos hindi naako makagalaw mula sa kinatatayuan ko, a...ang boses na yun, hinding hindi ako Pwedeng magkamali, ang boses nayun ay kaboses na kaboses ng lalakeng nanloob sa mansyon namin.

Ang lalaking nanloob sa kwarto ko hindi para nakawin ang ang mga gamit ko kundi para nakawin ang pagkababae ko.

"I-Ikaw"

Halos pumiyok ng saad ko at maluha luhang binalingan ng tingin ito.

"Hey baby, miss me?"

Nakangising bulong nito saakin habang ako naman ay halos hindi na makagalaw at makaalis mula sa kaniyang mga bisig,

Sunod sunod na nagsituluan ang aking mga luha mula saaking mukha at binalot ng takot nag bou kung sistema.

"Paano--"

-Red Black.

Immoral Habit - COMPLETEDWhere stories live. Discover now