CHAPTER #12

204 11 6
                                    

"M-Ma'am ano po yung nakita ko?"

Nakatulalang saad mula saakin ni Riza, napangiwi nalamang ako at napailing.

"W-Wala yun wag munang isipin basta wag munang isipin"

Natatarantang saad ko at mabilis na hinila ito patayo.

"D-Diba ano amm mamamasyal pa tayo?, halika na ipasyal muna ako"

Saad ko mula rito habang hindi ko magawang suungin ang mga mata nito, mabilis ko itong hinatak palabas at hinila patungong sakahan.

Kalaunan naman ay nakahinga na ako ng maluwag ng makita kung nabaling ang atensyon sa iba ni Riza, kwento lang ito ng kwento, at turo ng turo ng kung ano ano, habang ako naman ay matapid nalamang tumatango at ngumingiti mula rito.

"Eto po ma'am! iyang manggahan na iyan nung mga bata papo kami diyan po kami natakbo at naakyat tas kumukuha po kami ng ilan sa mga bunga niya"

"Yung palayan naman po doon, dati dun po kami naglalaro nina kuya Ala at nagbabatuhan ng mga putik"

"Tapos ayun po ma'am! yung puno po dun naalala ko dun dinala ni kuya ala yung una at naging huling kasintahan niya"

Masiglang saad nito, at mabilis naman akong napalingon mula rito dahil sa huling isinaad nito.

"N-Nagkaroon ng amm kasintahan si Ala?"

Kyuryusong tanong ko mula rito at mabilis naman itong tumango.

"Opo! sapag kakaalam ko kaya po sila nagka hiwalay kasi yung babae kailangan raw pong magaral at pumunta patungong america, at isa pa ayaw ng mga magulang nito kay kuya Ala"

Malungkot na saad mula saakin ni Riza, tumango nalamang ako at tinapik siya mula sa kaniyang mga balikat.

"Ammm, ilang taon naba yung kuya Ala mo?, alam mo ba kung ano yung trabaho niya?"

Tanong ko muli rito.

"24 napo si kuya, hindi po namin kung ano po yung trabaho niya pero mabait po siya!, tumutulong po siya saamin at binibigyan kami ng pera!"

Nakangiting saad naman nito na ikinatango kunalamang, nagpatuloy kami sa paglalakad at gaya ng dati si Riza lang ang daldal ng daldal hanggang sa marating nanamin ang sakahan.

"Tara ate si kuya Ala ohh!"

Masiglang saad ni Riza at mabilis akong hinatak patungo sa ilang mga taong nagtatawanan.

"Oh riza! tara kaon! pagpamahaw na kamo digdi na duwa!"

Saad ng isang ale ng tuluyan na kaming makarating mula sa kanilang pwesto, ni hindi kunaman naintindihan kung ano yung mga sinasinabi ng ilan sa mga tao rito.

"Sige po! tara ma'am! kain daw po!"

Yaya mula saakin ni Riza, ngumiti nalamang ako at tumango mula rito, at nagpatuloy ako sapaglalakad patungo sa kanila kahit ramdam na ramdam ko ang maiinit natitig mula saakin ni Ala.

Masaya kaming kumain at nagsalo salo, ramdam ko din ang ilang pa nakaw nakaw na titig mula saakin ni Ala, habang ako ay binalewala nalamang ito at masayang nakipag usap sa ilan.

Matapos ang salo salo ay tumungo ako sa isang tahimik na lugar, maraming kalabaw, sobrang presko ng hangin, nakaka relax, iniwan ko muna si Riza mula roon, gusto ko munang mapagisa, yung walang ingay.

Pumikit ako at sumandal mula sa isang puno, maya maya lang ay halos mapasigaw ako ng biglang may kung anong malakas na pwersang bumuhat mula saakin.

"Ayyy!"

Napamulat ako ng wala sa oras at nakita kunalamang ang aking sarili na buhat buhat ni Ala habang tumatakbo ito patungong gitna ng sakahan.

"Ano ba! bitawan moko! san mo ba ako dadalhin!"

Pagpupumiglas ko mula rito ngunit tumawa lamang ito at patuloy parin sapag takbo.

Mabilis naman itong tumigil mula sa harapan ng isang malaking kalabaw, at halos mahimatay ako sa sobrang kaba ng bigla ako nitong isinampa mula roon.

"Wahhh! Ibaba mo ako dito! ibaba mo ako!"

Sigaw ako ng sigaw habang mahigpit na nakayakap mula sa leeg ng kalabaw, natatawa naman ako nitong pinaharap mula sa kaniya at mabilis na isinakop ang aking mga labi.

"Uhmmm"

Natagpuan kunalamang ang sarili kung tumutugon mula sa maiinit na halik nito.

At sa gitna ng maiinit na halik naiyon ay halos mahulog kami ng marinig namin ang isang boses na kinaiinisan ko ng sobra.

"H-Hala ma'am! gagawin niyo po ba ulit iyon? diyan sa ano amm sa ibabaw ng kalabaw?"

Inosenteng saad nito na madiing ikinamura naming dalawa.

S-Sh*t talaga!.

To be continued...

-Red Black.

Immoral Habit - COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora