CHAPTER 5

318 15 0
                                    

Megan's Pov:

Tila nahihilo ako habang nagbabasa ng mga papeles sa harap ng aking table, paano ba naman ay hindi ako nakatulog ng ayos kagabi. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa at pagpirma ng marinig kong may kumatok sa akin pintuan.

"Come in." sabi ko at hindi na inabala ang sarili na tignan kung sino ang pumasok.

"Good morning, Ma'am" tinignan ko ito at nakita ko ang aking secretary.

"Good morning too, what's for today?" tanong ko dito

"Our Company is being expanded to different parts of the country and most of our janitors here are being transferred to the different branch, and we need to hire more janitors, everything is settled we just need your signature Ms." Sabi nito at inabot ang hawak niyang papeles na dapat ko pirmahan.

Binasa ko ang nakapa-loob dito at sa tingin ko naman ay maayos na ang lahat pati ang mga benefits ng janitors, kaya naman dali-dali kong pinirmahan ito at inabot sakanya.

"Thank you Ms." Sabi niya pagka-abot ko sakanya

"Thank you too." Sabi ko naman, at siya ay umalis n amula sa aking opisina.

NUNG matapos ko lahat ng mga importanteng gawain ay nag-out na ako ng mga hapon dahil bibisitahin ko si Mom, matagal na rin kaming hindi nagkita at nam-mmiss ko na rin siya. Kaya naman nagsimula na akong bumyahe at buti na lamang ay walang traffic kaya mabilis lang ang byahe. Nang makarating na sa patutunan ay agad kung pinindot ang doorbell at excited na mabuksan ang pintuan.

Pagkabukas ng pinto ay ang kasambahay namin na si Nay Belda ang aking nakita kaya nama ay agad ko itong niyakap.

"Nay! Na-miss ko po kayo" sabi ko dito at mahigpit itong niyakap, narinig ko naman ang tawa nito at niyakapa ako pabalik.

"Ay Nakong bata ka, buti ay napa-bisita ka dito, miss na miss ka na rin naming ng Mommy mo." Sabi naman nit, close na close kami ni Nay Belda dahil simula bata palang ako ay nagta-trabaho na ito sa amin. Bumitaw kami ng yakap sa isa't-isa at pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Ang Mommy mo ay nasa garden puntahan mo na at sigurado akong magugulat yun sa tuwa kapag nakita ka." Sabi ni Nay Belda kaya naman ay agad-agad akong pumunta sa garden. Pagkapunta ko doon ay nakita ko si Mommy na nagdidilig ng mga halaman, nahilig kasi ito sa mga iba't-ibang klaseng halaman sa hindi ko malamang dahilan.

"Mommy!" sigaw ko dito na parang bata at tumakbo papunta sa kanya. Kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha ng makita ako.

"Anak, hindi ka naman nagsabi na bibisita ka pala sana ay nakapag-paluto ako." Sabi niya at ako aya gad niyakap.

"Okay lang Mom, para surprise diba." Sabi ko namana t iginawi niya ako sa upuan sa garden

"Kamusta ka na, baka naman ay nagpapaka-subsob ka sa trabaho ha." Sabi naman ni Mom

"Okay naman Mommy, may times na kailangan may overtime dahil maraming dapat gawin pero I can handle naman." Nakangiting sabi ko dito.

"Oh I remember, your friends told me na hanggang ngayon ay wala ka pa rin na boyfriend at natatakot daw sila na baka tumanda kang dalaga." Nang margining ko ang sinabi ni Mom ay tila gusto kong sugurin ang mga kaibigan at pagsasabunutan, kung ano-anong sinasabi nila kay Mommy!

"Wala talagang magawa yung mga yon." Sabi ko at pilit na tumawa.

"Dadating din tayo dyan, huwag lang magmadali at tyaka na-eenjoy ko pa ang pagiging single." Dugtong na sabi ko naman.

"Yes you're right but don't forget to have fun in your life din, to experience falling in love is the greatest thing that you can feel." Nakangiting sabi niya pero tila hindi ko magawang sumang-ayon sa huli niyang sinabi.

Falling in love scares the hell out of me, lalo na dahil sa trauma na naramdaman ko dahil sa nangyai sa kanila ni Daddy dati. Hanggang ngayon it still haunts me, kaya naman natatakot akong sumubo sa pag-ibig.

Tila napansin naman ni Mom ang pagbago ng mood ko kaya naman nagulat ako ng hinawakan niya ang aking kamay at marahan itong hinaplos.

"I know na you still have the trauma from what happen between me and your dad anak, pero I don't want you to feel miserable at pigilan ang sarili na maramdaman ang bagay-bagay dahil lang sa nakaraan naming. Every person have a different path to take, hindi ibig-sabihin na hindi naging maganda ang ending ng istorya namin ng Dad mo ay ganon na rin ang mangyayari sayo." Sabi ni Mom at inayos ang ilang hibla ng buhok sa akin mukha.

"Someday, someone will love you unconditionally and will help you to overcome your traumas." Dugtong niya at marahan na ngumiti, tila nararamdaman ko ang luha na gusting kumawala sa aking mga mata ngunit pinigil ko ito at marahan ngumiti sa kanya.

Her words spoke to my heart, as if my burdens are being lifted kahit papano, kahit hindi ganon tuluyan nawala ang takot sa puso ko. I feel comforted.

Matapos ang pag-uusap namin ay tinawag na kami ni Nay Belda para kumain at doon nga ay puro tawanan at kwentuhan ang namutawi sa loob ng dining room, namiss ko ang ganitong feeling dahil simula ng umalis na ako sa pudar ni Mom at nagsimula ng magtrabaho ay mag-isa nalang ako kumakain. Ilang oras ang itinagal ko doon bago nagpaalam na uuwi na dahil may mga dapat pa akong tapusin na trabaho.

ILANG LINGGO ang nakalipas ay tinawag ako ng aking secretary at sinabi na settled na ang mga janitor at na kanilang na-hire, for formality ay kailangan ko silang i-orient na kaunti, pumunta na ako sa meeting room at doon ko nakita ang mga bagong janitor na hinire sa tingin ko ay mga 50 katao ang nandoon. Hindi ko na nagawang tignan pa ang mukha nila ng isa-isa at nagsimula ng mag-orient at magpakilala sa kanila.

"I'm Megan Montefalco the CEO, and welcome to the Company." Sabi ko matapos mag-orient at pasimpleng tinignan ko ang mukha ng mga trabahador para ma-familiarize ng kaunti at laking gulat ko ng makita ang pamilyar na mukha na ngayon nga ay titig na titig sakin habang naka-upo sa bandang likuran.

Si James.

Caught In Your Romance (Completed)Where stories live. Discover now