CHAPTER 8

263 12 0
                                    

Megan's Pov:

"Ma'am, our project partner Mr. Montes will be coming here in the afternoon." Sabi ng secretary ko

"Ah si Mr. Montes? I thought he's retired already? Sinong nag-hhandle sa company nila ngayon?" Tanong ko dahil based sa nasagap kong balita ay bumaba na nga ito ng pwesto.

"His son, Mr. Clark Montes is currently handling their company right now." Sabi nito, tila pamilyar sa akin yung pangalan pero hindi ko mawari kung saan ko ito narinig.

"Okay, notify me 5 minutes before the meeting." Sabi ko naman, tinaguan niya ako at umalis na.

Nag-stretch naman ako ng katawan dahil ramdam ko ang pangangalay ng aking buong katawan, bigla naman akong nag-crave ng kape kaya naisipan kong.pumhnta sa cafeteria para  doon nalang mabilisan bumili. Pagdating ko doon ay may iilang tao doon, agad naman akong pumunta sa counter at umorder.

Matapos ko makuha ito ay panaka-naka ko itong iniinom ng maisipan kong pumunta sa stock room para kumuha ng iilang office supplies. Ayoko na namang i-utos pa sa aking sekretary dahil marami na iyonh ginagawa. Naglakad ako papunta sa stock room, medyo dim ang ilaw dito at hindi ako sanay sa ganoong ilaw kaya medyo natagalan ako maghanap ng mga kailangan ko.

Ipinatong ko saglit ang aking kape sa bakanteng table dahil aabutin ko iyong box na nasa pinaka-itaas, halos magtingkayad na ako para maabot ito ngunit hirap pa rin akong makuha ito. Kaya naman, bumwelo ako na tatalon para masukbit ito ng maramdaman kong bigla tumama ang aking likuran sa kung sino, tinignan ko ang mga kamay niyo na kunin ang box sa itaas ng walang kahirap-hirap.

"Dapat tinawag niyo ako Ma'am para ako na yung kumuha." Sabi ng isang boses, pagkalingon ko ay si James ang aking nakita.

Gulat naman akong napatingin sa kanya, ng maramdaman na masyado kaming malapit sa isa't-isa ay bahagya akong lumayo.

Inabot niya sa akin ang box at ngumiti, kinunutan ko naman siya ng noo.

"Kanina ka pa ba dito? Sa pagkaka-alam ko walang tao dito kanina." Sabi ko naman

Nakita ko siyang napakamot sa kanyang ulo sabay sabing "Nandoon kasi ako sa pinakadulo Ma'am nag-aayos ng mga gamit, hindi ko rin narinig na pumasok ka, nakita lang kita ng paalis na ako."

"Ah ganon ba, sige mauuna na ako, salamat." Nagmamadaling sabi ko at umalis na agad sa stock room.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maramdaman ko na may sumusunod sa akin.

"Ma'am, naiwan mo yung kape mo." Sabi niya sabay abot ng kape.

Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Megan!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki, nang tignan ko ito ay nakita ko yung lalaking nasa party ni yvette.

Lumapit siya sa pwesto namin at kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"You look shocked, hindi mo na ba ako naaalala?" Tanong niya

"Ikaw yung nasa parry ni yvette diba?" Nag-aalangang tanong ko

"Yes! I'm Clark, if you don't remeber my name." Sabi naman niya, dahil sa kanyang sinabi ay tila natunugan naman ako sa kanyang pangalan.

"Montes? Clark Montes ba?" Tanong ko sakanya.

"So you kinda remember now huh." Nakangising sabi nito sakin.

"Ikaw din ba yung supposed to be ka-meeting ko ngayon?" Kunot-noo kong tanong.

"You got it right, pero masyado ata akong excited to see you kaya napaaga ako naka-punta dito." Sabi niya, halos dumikit na ang dalawang kilay ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ah ganon ba, I'll call my secretary to assist you." Sabi ko naman

"No need, I can manage myself but if you want to accompany me, then I'll gladly accept it." Sabi niya at kumindat pa nga, hindi ko gusto ang binibigay na presence ng lalaking ito kung hindi lang siya importanteng tao para sa project namin ay hindi ko na ito pag-tutuunan ng pansin.

Nakarinig naman ako ng tikhim mula sa tabi ko, nagkatinginan naman kami ni James. Nalimutan kong nandito nga pala siya sa tabi ko.

"Mauuna na ako Ma'am." Pabulong na sabi niya

"Sure, go ahead thank you pala sa tulong kanina." Sabi ko naman, akmang tatalikod na siya para umalis ng biglang magsalita si Clark.

"Wait, you're familiar ikaw ba yung boyfriend ni yvette?" Tanong ni Clark, halos mapapikit ako sa inis dahil sa tanong niya.

Akmang hihilahin ko na sana si Clark paalis ng biglang magsalita si James.

"Ah oo ako yung nasa party ni Ma'am Yvette Sir, pero hindi ko siya girlfriend." Sabi niya sabay tingin sakin saglit.

"Oh i see, I thought she's finally in the relationship and ready to settle down." Sabi naman ni Clark. Noong mukhang may sasabihin pa sana siya ay agad ko na siyang hinila papalayo.

"Halika na, i-ttour kita dito sa loob." Sabi ko sakanya kahit na wala naman talaga akong balak na gawin iyon kanina.

Baka kasi sa kawalang preno nang bibig neto ni Clark ay naka kung ano-ano ang matanong niya, baka makalakal pa ang history namin ni James noon sa temptation club na pilit kong kinakalimutan.

"So, saan mo ako unang i-ttour?" Sabi ni Clark

Huminto naman ako ng makitang malayo na kami kay James sabay sabing "Hindi na pala kita ma-ittour, may aasikaushin pa ako para sa meeting natin mamaya, but I can let my staff assist you."

"Ganon ba, you can do your thing, ako na bahala sa sarili ko. See you sa meeting mamaya." Sabi niya at nauna nang umalis.

Napa-buntong hininga naman ako pagkatapos, mukhang may isang tao nananaman akong pproblemahin.

Tulad ng sinabi ko kanina ay bumalik na ako sa office ko at nag-ayos, nag-pahinga ako saglit at dumating na ang secretary ko para i-remind ako sa meeting. Kinuha ko ang aking mga gamit at pumunta na sa meeting room, agad ko namang nakita si Clark sa tabi ng aking upuan at kumayaw, pasimple ko nalang itong nginitian at umupo na ako sa upuan.

Nag-start na ang meeting at may times na nagsasalita rin si Clark, infainress ay magaling siya mag-present ng information at hindi mo aakalain na may mahangin na personality.

"Marga, can I ask you on a date?" Tanong nito sakin pagka-upo na pag-kaupo niya sa upuan matapos magsalita sa unahan.

Hindi ko napigilan ang aking ekspresyon at halos mangunot na ang aking noo.

"Mr. Clark, we're in the middle of the neeting can you please be proffesional?" Sarcastic na sabi ko dito, nakita ko naman siyang ngumisi na siyang ikinainis ko.

"Oh, I like women with a strong personality, you're right I'm not being a proffesional right now but still... can we have a date?" Makulit na sabi niya

Dahil mukhang walang balak ang isang ito tumugil ay um-oo nalang ako ng wala sa loob, sigurado naman akong makakalimutan din niya ang mga sinabi niya.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon