CHAPTER 14

225 9 0
                                    

Megan's Pov:

Kung pwede lang saraduhan ng pintuan si Clark ngayon ay ginawa ko na, nandito nanaman kasi siya sa office ko sa hindi malamang dahilan.

"Hello Meg!" Masiglang bati niya sa akin

"Hi, anong sadya mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Wala naman, i just want to hang out with you." Saad niya

"Grabe wala ka bang masyadong ginagawa at parang napapadalas ata ang pagpunta mo dito." Prangkang sabi ko sa kanya.

"Meron actually, but I just want to see you so it can move aside." Saad naman niya

"But if you don't want, I can just leave." Sabi niya pero dahil ayoko naman makonsensya ay pinigilan ko siya.

"May free time naman ako ngayon pero saglit lang." Sabi ko

"Well, it's fine to me! Since medyo maaga pa naman, should we have a coffee?" Suggestion niya

"Uhm sige?" Nag-aalangang sagot ko

"We can just have coffee in your office para hindi na hassle sayo." Saad niya

"Sige, dito nalang tayo magpapahanda nalang ako sa secretary ko ng coffee." Sabi ko naman, matapos ay iginayak ko siya papasok at pinaupo ko siya sa sofa habang tinawagan ko naman ang aking secretary para magpabili ng coffee sa labas.

Umupo naman ako sa upuan kaharap si Clark at doon nagsimula ang aming pag-uusap.

"Our current project is really going well, I really love working with you." Panimula niya

"At si Yvette." Dagdag ko dahil tila nakalimutan niya ata na kasama namin si Yvette sa trabaho.

"Yes of course." Saad niya

"Look Meg, I'm really sorry if I made things awkward nung nakaraan." Sabi niya

"Ah yung kasama sila Yvette at James ba?" Tanong ko

"Yes, I didn't mean to have them fight over things that day." Sabi niya, gusto ko sana siyang barahin at sabihin na kung hindi sana siya nag-tanong ng ganon ay hindi magkakaroon ng diskusyonan ang dalawa.

"Ah okay lang ano ka ba." Tila gusto kong isuka ang sinabi ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok, marahil ay nandyan na ang aking secretary.

"Come in." Sabi ko, nagbukas ang pinto at iniluwa nito si James na siyang ikinagulat ko.

"Pinasuyo muna sa akin na ako na ang maghatid dito dahil may urgent na gagawin daw ang secretary mo." Pag-eexplain ni James.

Ibinababa niya ang dalawang kape sa harapan naming dalawa, bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mata at sigurado akong bakas sa aking mukha ang pagkagulat.

"Sira pala yung handle ng cabinet mo Ma'am, pwede bang ayusin ko saglit?" Sabi ni James

Tinignan ko yung cabinet na tinutukoy niya at sira nga yung handle.

"Sure, thank you." Sabi ko naman, tumungo na si James kung saan ang cabinet at nagsimula ng ayusin ito.

Nawala ang aking atensyon kay James ng magsalita si Clark.

"Uhm Meg, I have something to tell you." Biglang sabi niya

"Ha? Ano yon?" Nag-tatakang tanong ko sa kanya

Nakita kong bahagya siyang tumingin kay James bago magsalita.

"If it's okay, can I court you?" Tanong niya, agad namang napa-kunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

"Wait, parang biglaan naman masyado yan." Sabi ko at pekeng tumawa

"I like you and I don't want to missed my chance." Saad naman niya

"Sorry Clark pero i need to turn you down, I'm not really ready for a relationship right now." Paliwanag ko sa kanya

"It's okay, I can wait hanggang kelan ka maging ready." Pamimilit niya

"It's best if we stay friends Clark." Sabi ko naman

"Please give me a chance, you won't regret it." Saad niya ulit, bakas na sa aking mukha ang pagka-inis dahil sa pamimilit niya.

"Please understand me too." Sabi ko at pilit itinatago ang inis sa boses.

"Megan, you won't regret it if you allow me--" Saad ni Clark pero naputol ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita si James.

"Sir, 'wag niyong pilitin kung ayaw." Sabi ni James na ngayon nga ay nasa gitna na naming dalawa.

"And who are you tell me that?" Tila inis na sagot naman ni Clark

Hindi sumagot si James na siyang dahilan kung bakit napatayo sa upuan si Clark at hinirap si James.

"I'm so pissed at you nung nakaraan pa, you're just a mere janitor so you don't have any rights to suddenly barged in on our conversation." Saad ni Clark, tila napantig ang tenga ko sa kanyang sinabi kaya tumayo ako at hinarap siya.

"You too, Mr. Clark don't have any rights para maliitin ang empleyado ko na concern lang. And to answer your question..." Tumingin ako kay James bago ulit nagsalita

"He's my boyfriend, so technically he does have a right to defend me." Sagot ko, bakas sa mukha ni Clark ang pagkagulat, salitan ang tingin niya sa aming dalawa ni James ngayon.

"Are you messing up with me? You just told me earlier na hindi ka pa ready sa relationship." Saad niya

Wala sa sariling hinawakan ko sa braso si James at bahagya akong lumapit sa kanya, bahagya kong tinignan ko si James na ngayon nga ay nakatingin din sakin, halata sa mga mata niya na naguguluhan siya sa sitwasyon pero agad din itong nawala ng ilipat niya ang tingin kay Clark.

"Ayaw niya lang na mas mapahiya ka pa, kaya niya sinabi iyon. Ngayong alam mo na pwede ba layuan mo yung girlfriend ko at umakto ka bilang isang proffessional na hindi nanlalandi ng ka-trabaho." Saad ni James na siyang ikinagulat ko.

"But you're with Yvette right? So you're cheating with her!" Tila naiinis na sabi ni Clark

"Nag-ttrabaho lang ako para sa kanya, walang namamagitan na kahit anong relasyon sa aming dalawa na binuo mo sa utak mo." Sagot naman ni James, naramdaman ko ang kamay ni James na nakahawak sa aking kamay na nakahawak sa kanyang braso.

Tila kumabog ang aking dibdib dahil sa kanyang ginawa pero ipinagsawalang bahala ko ito.

"I don't believe this." Saad ni Clark at dali-daling umalis sa office, sinundan ko ito ng tingin at ng tuluyang makalabas ay nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Okay ka lang ba Ma'am?" Tanong ni James sa akin

"Okay lang, thank you pala." Sabi ko naman, ilang segundo nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa ng mapansin ko na hindi pa ito umaalis sa tabi ko.

"Aren't you going?" Nagtatakang tanong ko dito

"Eh kasi Ma'am..." Nakangising sabi niya sabay hawak sa batok, sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nalahawak pa pala ako sa kanyang braso.

Agad naman akong napabitaw dito at bahagyang lumayo.

"Sorry, you may go now." Sabi ko naman

"Kung guluhin ka ulit non Ma'am sabihin niyo lang sakin." Sabi niya at pasimpleng ngumiti.

Nginitian ko naman siya sabay sabing "Thank you ulit James."

Caught In Your Romance (Completed)Where stories live. Discover now