DAY 1

3.7K 116 26
                                    

𝙏𝙀𝙉 𝘿𝘼𝙔𝙎 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝙈𝙔 𝙋𝙀𝙍𝙑𝙀𝙍𝙏 𝙂𝙃𝙊𝙎𝙏 (𝘿𝘼𝙔 𝙊𝙉𝙀)

Casper Mavis's Point of view

"...as I was saying, the probability of getting-"

"MR.MAVIS!!" natigil nalang ako sa pango-ngolangot ko dahil sa malakas na sigaw ni Mrs. Fiona the lost oger na mukhang sasabog na dahil sumasabay ang pag-laki ng butas ng ilong nito sa paghinga nya, para syang baboy na galit alam nyo yun?

Napakurap-kurap nalang akong nakipagtitigan sakanya habang nana-natili parin yung daliri ko sa loob ng ilong ko, ano bang hinihimutok ng dambuhalang oger nato? umagang-umaga eh.

"What are you doing?!" hindi maalis ang gusot na ekspresyon sa mukhang nito habang matalim paring nakatingin sakin.

"Na-ngo-ngolangot po" mahinahong sagot ko dahil ayoko namang maging magagaliting oger pagtanda ko, tignan mo sya sa araw araw na lagi syang galit nagmumukha na syang the mighty oger.

"Pilosopo talaga!!...nasan ba utak nyan?!"

"Here comes the great idiot, stupid, brainless Casper!! Urrr...he's definitely hopeless!!"

"Pag nagpa-quiz ulit yang si ma'am kakalbuhin ko na talaga ang bobong yan!!"

Oh kita nyo na? etong si Mrs. Fiona the great oger napaka-paboritism, nagbubulong-bulungan itong mga kaklase ko ayaw nya sitahin, ako tong nana-nahimik na nangugulangot dito sa tabi pinansin pa nya, minsan talaga ang weird din nitong math teacher naming oger eh!.

"Then can you write the answer on the board?" Inirapan pako ng lola nyo na syang ikina-kunot ko ng noo, oh ngayon naman naaway ako, bad imfluencity tong oger nato hmmpp.

"Yes po!" taas noo ko pang sagot dito habang nakangiti, syempre answer lang pala eh yakang-yaka ko yan, ako pa ba!

Nakipagtitigan lang ako sakanya at hinintay itong magsalita pero isang taas kilay lang ang sinagot nito sakin.

"What are you waiting for?!!" nagtitimping boses nito kaya nagpalinga-linga ako sa paligid ko para hanapin kung sino ang tinutukoy nitong hinihintay ko, pero wala naman akong hinihintay, lasing batong teacher nato?!

"wala naman po akong hinihintay, kayo po baka meron, eh diba mamaya papo yung dismissal natin baka po pinagii-intay nyo po sya ng matagal" tinanaw ko pa ang pintuan at ang bintana nitong room pero wala namang nag-hihintay sa labas, weird!

"WRITE THE ANSWER ON THE BOARD NOW!!" Halos magulantang ako sa gulat ng lumabas ang mga ugat nito sa leeg dahil sa pagsigaw nya kaya nataranta akong kinuha sakanya yung chalk at humarap sa pisarang puro letra at numero ang nakasulat, hindi ba sila marunong mag-organize ng letters of the alphabet?

"A.N.S.W.E.R" dumistansya ako ng konte sa pisara para tignan ang sinulat ko at laking tuwa ko ng tama naman ang spelling ko...ang galing ko talaga.

"ARE MAKING FUN OF MY CLASS CASPER!!" sa pangalawang pagkakataon muli ko na namang nasilayan ang pag-su-super sayan ng mukha nya, kaya paunti-unti akong lumapit sakanya para i-abot yung chalk na ginamit ko.

"GET YOURSELF OUT OF HERE!! NANDIDILIM ANG PANINGIN KO SAYO!!" nabigla naman ako sa huling sinabi nito kaya agad akong lumapit sakanya at hinaplos ang likuran nito upang kahit papano kumalma sya.

"May.masakit.po.ba.sa.inyo? Itatakbo.napo.ba.namin.kayo.sa.hospital? Kukunin.na.po.ba.kayo.ni.lord? Pasabe.naman.po.na.wag.muna.ako.kunin.dahil.marami.pakong.pangarap.sa.buhay.mahal.na.mahal.po.namin.kayo.ma'am.kahit.napaka.torture.nyo.you.may.now.rest.in.ppeace.po" natatarantang bilin at pagpapa-alam ko kasabay ng pangingilid ng mga luha ko dahil sa emosyon.

10 DAYS WITH MY PERVERT GHOST✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon