DAY 8

651 56 9
                                    

𝐓𝐄𝐍 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐌𝐘 𝐏𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑𝐓 𝐆𝐇𝐎𝐒𝐓 (𝐃𝐀𝐘 8)

𝙲𝚊𝚜𝚙𝚎𝚛 𝙼𝚊𝚟𝚒𝚜'𝚜 𝙿𝚘𝚒𝚗𝚝 𝚘𝚏 𝚟𝚒𝚎𝚠

*6:00 am

Mugtong mata...

Puyat...

Pagod...

Sakit ng ulo...

Gustong-gusto ko pang humiga at antayin ang nakasanayan kong oras na may manggu-gulo sa tulog ko at pilit akong papabangungin pero HINDI na pwede...

Kailangan kong sanayin ang sarili ko tulad ng dati, yung dating walang Baraha sa tabi ko, yung dating Casper na mag-isa lang sa bahay nato, yung dating buhay na hindi ko pa sya nakikilala at yung dating Casper na sanay ng mag-isa.

'𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑖𝑡𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝒉𝑖𝒉𝑖𝑛𝑎𝑡𝑛𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝒉𝑎𝑡, 𝑒𝑑𝑖 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝒉𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎 𝒉𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎'

Ang unfair no? kung kailan ka nagiging masaya dun nagiging komplikado ang lahat.

Tanging ingay lang ng pagbuhos ng tubig ang nasisilbing ingay sa loob ng banyo ko habang hinahayaan ang tubig na bumalot sa buong katawan ko.

Bawat dampi ng tubig sa balat ko ay ang pangangatog ng buong katawan ko dahil sa sobrang lamig nito, ramdam ko rin ang panghihina ng katawan ko at medyo panlalabo ng paningin ko pero pinilit ko pa ring manatili sa wisyo ko't winaglit ang panghihina ko.

Tanging pagkapit lang sa pader ang nagsilbing balanse ko pagkatapos kong maligo, ang init ng pakiramdam ko at parang bibigay ang talukap ng mata ko kasabay ng sunod sunod kong pag-ubo.

'𝐴𝑛𝑜 𝑏𝑎 𝐶𝑎𝑠𝑝𝑒𝑟 𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑚𝑎𝑟𝑡𝑒, 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑚𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔'

pilit kong kinukuha ang balanse ng katawan ko sa tulong ng paghawak ko sa pader pero bigo ako, tuluyan akong sumalampak sa sahig yakap-yakap ang sarili kong nanginginig sa lamig.

't*nginang buhay to' *cough...*cough...

"CASPER!!" kasabay ng pagmulat ko ng mata ay ang pagbagsak ng luha ko dahil sa labis na panghihina ng katawan ko, kitang-kita ko ang nag-a-alalang mata ni Barahang napabitaw sa hawak nito kasabay ng pagtakbo nya papalapit sakin.

"A-ayus l-lang ako *cough" pagpigil ko sa paglapit nito sakin at pilit na tinatayo ang sarili ko sa pagkakahiga ko sa semento, pero sa pangalawang pagkakataon bigo akong maisuporta ang kamay ko sa pagtayo ko at wala nakong nagawa kundi humagul-gul sa sobrang pagkalampa ko.

'𝐶𝑎𝑠𝑝𝑒𝑟 𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔-𝑖𝑛𝑎𝑟𝑡𝑒 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑦𝑜 𝑘𝑎 𝑑𝑦𝑎𝑛!!' pilit kong dikta sa sarili ko pero traydor ang katawan ko.

"You're sick, hindi mo kaya"

"K-KAYA KO!!" basag na boses kong sigaw kasabay ng mga hikbing pinapakawalan ko.

"I'm just trying to help you Shorty" nag-a-alala paring boses nito kaya lalo lang bumuhos ang luha sa mga mata ko.

"THEN I DON'T NEED YOUR HELP!!"

.

.

.

"Shorty, I didn't know how much time I've left pero pwede ba tayong mag-usap bago ako makabalik sa katawan ko?" pagbasag ni Spade sa katahimikang pumapagitna saming dalawa pero nanatili parin akong nakatitig sa bintana nitong taxi-ng sinasakyan ko.

10 DAYS WITH MY PERVERT GHOST✓Where stories live. Discover now