DAY 2

1.3K 70 17
                                    

𝙏𝙀𝙉 𝘿𝘼𝙔𝙎 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝙈𝙔 𝙋𝙀𝙍𝙑𝙀𝙍𝙏 𝙂𝙃𝙊𝙎𝙏 (𝘿𝘼𝙔 𝙏𝙒𝙊)

Casper Mavis's Point of view

.

*Next Day...

.

"Hey!, Stupid wake up..." naalimpungatan ako dahil sa pagdut-dut ng kung sino sa mukha ko, ano bang problema nito? ang aga-aga istorbo sa tulog ko, saka kahapon ko pa naririnig yang stupid-stupid na yan, nakakain ba yan?

"You're getting late" pungas-pungas nalang akong napabangon sa pagkakahiga habang ninanam-nam ang panis na laway ko at imperness lasang hawaiian pizza, na-libre na naman ako sa almusal nito.

"Okay lang tropa-pips ko naman yung manong guard dun na mukhang taga-kabit ng jumper, papa-pasukin ako nun." muli kong binagsak ang katawan ko sa higaan ko, pero ganun nalang ang pag-ngiwi ko sa sakit ng tumunog ang buong skeletal system ko kasabay ng pagka-gising ng buong sistema ko ng maalala kong katre pala ang higaan ko hindi kutchon.

Sira ulo kasi yung landlady dito wala man lang pa-king-sized bed yung paupahang bahay nya, pero kung makasingil ng upa akala mo gastos nya lahat, eh ka-kunchaba nya yung manong guard sa school para maki-kabit ng jumper, tas yung tubig dito galing poso negro pa, hmmpp i-chi-chismis ko sya mamaya akala nya.

"Stupid, just get up and prepare your things, tutulungan moko diba?" kunot noo akong sumilip sa nakapikit kong mga mata para tignan tong ponsyo pilatong istorbo sa tulog ko at ganun nalang ang paglugma ng mata ko ng makita na naman yung weirdong-kuya-na-multo na ewan kung tao o engkanto.

"Anong tulong-tulong ka dyan?! saka pano ka nakapasok dito?! nagpaalam kaba sa landlady namin?! saka kung multo ka bat hindi ka babae na may mahabang buhok tas naka puting dress? tas BAT KA NAKAHUBAD?!!" walang emosyon syang naka-pamewang sa paanan ng katreng higaan ko kasabay ng mariing pagpikit nito at pag-iling hilot-hilot ang sintido nito, nahep namang multo to mukhang problemado.

"First, you agree to help me and in return I'll pay you, second, I can go wherever I wanted to go because I'm a ghost, third, your land lady can't see me so why should I ask for her permission? fourth, not all ghost should be a woman with a with dress and lastly, I remove my shirt because it's f*ckin hot here!" kurap-kurap lang akong napatitig sakanya dahil ni isa wala akong naintindihan sa sinabi nya, imported din pala tong multong to englishero, hanep.

"Sure!" malupet na sagot ko para kahit papano eh hindi ako mapahiya, saka english din yan no...hellow?
anong akala ng lalaking to magpapatalo ako? aba ingles is may peyborit number.

"Tsk! you're really hopeless..." pailing-iling pa itong tumalikod sakin kaya napakamot nalang ako sa ilong ko dahil nawiwirduhan na talaga ako sakanya kahapon pa.

Saka ang arte namang multo nito, eh inspired by hot sauna itong bahay ko malamang mainit talaga, minsan nga sa bubung nako nagpri-prito ng itlog para tipid sa gas eh, resourceful kaya ako, yun ngang pinag-babanlawan ko ng damit ginagamit ko panghugas ng bigas tas panligo ko narin o diba downy flavor na yung kanin ko tipid pako sa pabango at shampoo.

"Stupid, Get up!!" pinasadahan nya ko ng mga nanlilisik na mata nito kaya wala sa alas kwatrong napabangon ako at tinungo ang banyo na inspired sa mga master pieces ni Da Vince, yung pintong made from wood carving na walang door knob, yung pader nitong may shining shimmering na agiw na detalyadong-detalyado sa pagkakalagay and lastly ang pinag-mamalaki kong kobeta na automatic na nagpapalabas ng mga sama ng loob mo sa katawan, dahil pagkaupong-pagkaupo mo matatae ka talaga ng biglaan dahil may tatalong daga sa mismong bowl na parang magic, o diba all in one na sa bahay nato san kapa.

10 DAYS WITH MY PERVERT GHOST✓Where stories live. Discover now