DAY 4

851 61 13
                                    

𝙏𝙀𝙉 𝘿𝘼𝙔𝙎 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝙈𝙔 𝙋𝙀𝙍𝙑𝙀𝙍𝙏 𝙂𝙃𝙊𝙎𝙏 𝘿𝘼𝙔 𝙁𝙊𝙐𝙍- 𝘼 𝘿𝘼𝙔 𝙏𝙊 𝘿𝘼𝙏𝙀
 

Casper Mavis's Point of view

"Hoy! Baraha, tumulong ka kaya!?" pang-ilang ulit ko ng suway kay señorito SPADE na naka-dekwatro sa may upuan na kanina pako pinapanood maglinis ng bahay ko, aba nakikituluy na nga lang sya dito apaka tamad pa kumilos, diko na nga sya sinisingil ng apartment fee tapos nood-nood lang sya dito habang nagpapakahirap ako? aba matindi naman tong bakulaw nato?

"Why don't you just hired some helpers?" walang ganap nitong sagot habang prente parin syang naka-dekwatro.

"Gusto mo ibuhol ko yang bituka mo? at isabit kita patiwarik dyan sa kinauupuan mo?" loko to ah.

"You're too loud" GRRR...sarap sipain papuntang kabilang planeta.

"Edi bahala ka din sa buhay mong kitain si Caleb-re ng baril mamaya" wala naman talaga akong balak maglinis ngayong araw dahil ini-ipon ko yung mga alikabok sa bahay for preparation na din sa darating na halloween, eh epal tong barahang to imbes na magpahinga ako ngayong sabado inagarabyado pa nya ko para makipag-kita kay Calebre.

"Could you please stop using that fvckin endearment to him?! ang sagwa pakinggan!" salubong ang kilay nitong umayos ng upo kasabay ng mga nanlilisik na mata nitong sinalubong ang mga titig ko, problema nito?! akala ko ba kaibigan nya yung si Caleb-re ng baril? eh bat parang ang init ng dugo nya kay Calebre kahapon pa?

Ang hirap talaga ispelengin ng multong to!

Nanggi-gigil kong inambahan sya na puk-pukin nitong hawak kong gitara buti nalang mabait akong bata at diko na tinuloy pa, makasuhan pako ng ghost abuse parusahan ako nung kaaway ni Papa God.

"Do you know how to play that?" pagtukoy nya sa gitarang hawak ko na nakalimutan ko ng ibalik dun sa anak ni Aling Ising, yung kapitbahay ko dyang mukhang b*lbul ng kabayo yung buhok?, basta yung babae dyang number one chismosa sa Kiyod-Kayod street.

"Hindi, bigay lang to sakin eh hindi ko naman alam gamitin, tanga nung anak ni Aling Ising, pano bato?" kamot batok kong sagot dahil hindi ko naman talaga alam to, nagbigay-bigay sila ng ganto wala man lang manual or google assistance.

"Babae,Lalaki!" Ayan na naman sya sa nanlilisik nyang mata, may sapi atang engkanto ang lalaking to paiba-iba mood, sarap sampalin ng channel na tsinelas.

"Alin itong gitara?" kunot noong tingin ko dun sa gitara at sinuri kung mga kipay ba sya kung saan pero wala naman.

Saka may babae at lalaki bang gitara? ngayon ko lang alam yun ah.

"Stupid!, I mean the one who gave you that" ubos pasensyang tono nito kaya napatango-tango lang ako, di  naman nya kasi nililinaw bat parang kasalanan ko pa? ibuhol ko bituka nito eh.

"Lalaki, yung anak nga ni Aling Ising, akala ko ba tropa mo yun bat dimo kilala yung anak nya?" tanging asik lang ang nakuha kong sagot mula sakanya kasabay ng pagtayo nito at paghablot sa hawak kong gitara.

"Dispose this after this day ends, ayoko ng makita to dito simula bukas, I'll buy you new one kung nasasayangan ka sa cheap na gitarang to!" aba señoritong-señorito, saka ita-tapon ko naman talaga yan kaya hawak ko, pasikip lang dito sa bahay eh wala namang pinag-ga-gamitan, gusto nyo ipukpuk ko pa dun sa ulo nung nagbigay sakin nya eh para magka-alaman na.

Nagkibit balikat lang akong hinayaan si Baraha sa kung ano mang gagawin nya dun at nagpatuloy sa pagdadampot ng mga kalat na hindi ko alam kung san-san nanggaling, isa din to sa problema ko dito eh, yung alagang pusa nila  Aling Ising na may lahi atang K9 dahil pampers ng bata yung mi-nu-mukbang nya hindi ulam, hanep.

10 DAYS WITH MY PERVERT GHOST✓Where stories live. Discover now