Prologue

264 62 4
                                    

NADIA



"Thank you for coming into my life, thank you for being there by my side, you are the only one I will love until my last breath. I love you.." I stopped and let the tears trickled down my eyes.



'Ethan'



At saka ipinagpatuloy ang linya ko, "Nathan,"



"I love you more, Trisha," Ngumiti kami sa isa't-isa at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko para mahalikan, hindi naman ako umatras at saka dinamayan ang paghalik niya.



Hindi ko namalayan na cinut na pala ng director ang scene and I was still kissing him. "I love you so much, Ethan," halos pabulong nalang ito kaya kaming dalawa lang ang nakarinig.



"Uhm," Pinutol niya ang halikan namin at doon ako natauhan.



"I'm sorry.." Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyang nagawa ko. "I didn't-"



"It's okay," he gave me an assuring smile. I just smiled back and faced the director.



"It's a wrap! We've made it!" Direk smiled and hugged me.



"Thank you for this successful project, direk!" I said happily but he just shooked his head. "No, I should be the one to thank you. Thank you for accepting this project, Nadia," he smiled at me.



Ngumiti lang ako pabalik kahit na hindi pa rin matanggal sa isipan ko yung nangyari kanina.



Lumingon siya kay Miguel, my co-actor, ang ka-eksena ko kanina, at ang 'ka-loveteam' ko rito sa entertainment industry.



Nakipagkamay si Direk kay Miguel para magpasalamat sa successful taping namin para sa bago naming movie.



Nilingon ko si Yella, ang P.A ko. "Ang galing mo talaga umarte, Nads!" Pagbati niya sa akin nang makalapit ako sa kanya.



"Grabe yung halikan niyo kanina ha, parang totohanan na.. lalo na yung paghalik mo," biro niya habang natatawa pa, sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya naman nakikita dahil nagliligpit siya ng gamit.



Jusko, kung tanggalin ko kaya 'to sa trabaho niya.



Huminto siya saglit at saka tiningnan ako. "Pero seryoso, bagay talaga kayo,"



"Alam mo, magligpit ka nalang diyan.. punta lang ako sa restroom." Paalam ko sa kanya at saka naglakad patungo sa restroom ng resort. Medyo private ang resort na 'to kaya kaunti lang ang mga tao. Kaya dito na rin namin naisipang i-shoot ang movie.



"Steffi!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.



Ngunit bago pa man ako makalingon, nagulat ako nang bigla kong mabunggo ang tumatakbong batang babae dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo sa semento.



"Oh my god,"



"Hala, s-sorry po, ate," kinakabahang saad ng bata kaya agad akong napatingin sa kanya.



"Ate Aly!?" ang kaninang takot na takot na mukha ng bata ay napalitan ng gulat at saya.



"Kuya! Ate Aly's here!" masiglang sambit nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.



No, Steffi. Please, not now.



"Alison.."



Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki, napatingin ako sa kanya.



His features didn't change, ang tanging nagbago lang sa kaniya ay ang boses niya. Ang lamig.



Pinagpagan ko ang suot kong damit at tumayo na mula sa pagkakaupo dahil nakakahiya na rin ang pwesto ko, idagdag mo pang nasa harapan ko siya.



Nagulat pa ako nang ilahad niya ang kamay niya para tulungan ako kaya iniabot ko nalang. "Ako na ang humihingi ng tawad sa kakulitan ng kapatid ko," saad nito pagkatapos kong tumayo.



"It's okay! S-Salamat," tipid akong ngumiti.



Nakakailang ang sitwasyon namin kaya't pinasalamatan ko si Steffi sa isipan ko nang magsalita siya.



"Ate Aly, are you on a vacation din ba?" inosenteng tanong nito.



"Ah. No, baby. Ate Aly had a shooting here," sagot ko sa kaniya at saka ngumiti. Tumango-tango ito habang may napakalapad na ngiti sa kanyang labi.



"Can we bond for a while? Kasi napakatagal na nating hindi nagba-bonding," nakangusong tanong nito kaya napatingin ako kay Ethan na busy ngayon sa cellphone niya.



"Nadia!"



Napalingon kaming tatlo sa sumigaw at nakita ko si Miguel, my co-actor— na tumatakbo palapit sa pwesto namin.



"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." saad nito pagkahinto pa lamang sa gilid ko.



"Steffi, your ate Alison is a busy person, 'wag mo siyang abalahin," malamig na saad ni Ethan habang nakatingin kay Miguel.



Narinig niya pala yung tanong ng kapatid niya? Busy-busyhan pa kanina.



"But kuya, ngay-"



"Let's just go. Hinahanap na rin siguro tayo nila Mom," tugon pa nito.



Bago pa man sila tumalikod at maglakad palayo ay lumingon muna siya sa akin, "It was nice seeing you again.. Aly,"

State Of The Present Where stories live. Discover now