Nakailang inom na 'ko ng alak kaya nararamdaman ko nang nahihilo na ako. Sabi ko, hindi ako iinom nang marami, pero anong ginagawa ko ngayon?
"Don't be hard to yourself,"
Napatingin ako kay Miguel na may nag-aalalang mukha. Napangisi lang ako saka muling lumagok ng alak.
Napabuntong-hininga siya at hinayaan nalang ako dahil wala naman siyang magagawa. Chineck ko saglit ang oras sa phone ko at nakitang mag-aalas-dose na. Dumukdok ako sa mesa.
Parang ang bilis naman ng oras. Kani-kanina lang, nakita ko pang naglalandian 'yung dalawa. Sarkastiko akong natawa.
Nakauwi na ang ibang mga kasama namin ngunit marami-rami pa rin kaming nasa loob.
Nakita kong lumapit sa pwesto namin si Direk at kinausap si Miguel. "Is she okay?" aniya. Nag-aalala. Ngayon lang kasi ako nalasing nang ganito tuwing umiinom kami nang magkakasama.
Humarap ako sa kanila. "Ayos lang ako! 'Wag kayong mag-alala!" Nagtaas-baba ako ng kilay habang papikit-pikit ang mata. May tama na talaga 'ko.
"I need to pee." Sinubukan kong tumayo ngunit agad din akong napabagsak sa couch. Napasapo ako sa noo ko.
"Kailangan mo nang umuwi. I'll drive you home." Umiling-iling ako sa sinabi ni Miguel. Kaya ko pa, noh!
"Iihi lang ako!" Naiiritang saad ko at sinubukang tumayo muli. Hindi na 'ko natumba kaya naglakad na ako palabas ng VIP area.
Pagewang-gewang ang lakad ko habang nasa noo ang isa kong kamay. Pinagtitinginan ako ng mga taong naroroon.
They were wondering why the actress Nadia Esquivel was totally a damn mess tonight!
Nakarating ako sa hallway na papunta sa comfort room. Agad akong pumasok at umihi. Mabilis din akong natapos.
Lumabas ako ng comfort room at napasandal sa pader ng hallway saka pumikit. "Ethan..." mahinang ani ko.
Umalis ako sa pagkakasandal at nagsimulang maglakad, nakapikit pa rin ang mga mata. Nang idinilat ko na ito ay bigla akong natumba dahil sa hilo.
May sumalo sa akin, malinaw kong nakita ang kaniyang mukha. Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa akin.
"Alison," aniya sa baritonong boses.
Nananaginip ba 'ko? Nakatulog ba 'ko dahil sa sobrang kalasingan at ito ang napapanaginipan ko?
"Ethan! Grabe, sa panaginip lang pala kita madidikitan nang ganito." I chuckled.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Nakahawak ang magkabila niyang kamay sa baywang ko at nakapatong naman ang mga kamay ko sa balikat niya.
"Sinong kasama mo? Bakit mag-isa kang pumunta rito? Wala bang umaalalay sayo?" Sunud-sunod na tanong niya.
"Hindi ako pilay para alalayan!" Tinulak ko siya at kunot-noong tumingin sa kaniya. "Naka-inom lang ako pero kaya ko pa ring maglakad! Tingnan mo, ha!"
Sinubukan kong maglakad nang maayos pero nawawalan ako ng balanse at natatapilok pa dahil sa suot kong heels. Palagi niya rin akong sinasalo sa tuwing tutumba ako.
"Bumalik kana do'n sa Stella mo! Baka hinahanap ka na!" Naiinis na saad ko at muli siyang tinulak palayo.
"How did you know her?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.
Napabuntong-hininga siya at hindi na muling nagtanong. Napahawak muli ako sa noo ko kaya muli niya akong nilapitan.
Naramdaman kong umiikot ang sikmura ko kaya hindi ko na napigilang masuka. Nagulat siya kaya napalayo na naman siya. Tigas kasi ng ulo! Sinabi nang umalis na, e!
Nakita ko siyang pinupunasan ang parte ng damit niyang nasukahan ko. Napaupo ako sa sahig at dinukdok ang ulo sa tuhod ko.
"Until now, you're still a stubborn, huh," narinig kong sabi niya. Bigla niyang hinila ang braso ko at inilagay sa balikat niya. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa baywang ko at saka inalalayang maglakad.
Narinig kong muli ang ingay sa bar nang makalagpas kami sa hallway. Mas lalong dumami ang tao dahil alas-dose na.
May lumapit na babae sa amin at nabosesan ko naman ito nang magsalita siya.
"What the hell!? Anong nangyari kay Nadz!?" Pagalit na tanong ni Yella. Nagulat siya nang mapagtantong si Ethan ang kasama ko.
Nagkibit-balikat lang si Ethan.Pinaupo muna nila ako sa bakanteng upuan at saglit na umalis si Ethan. Tumayo sa gilid ko si Yella at nagsalita. "Bakit magkasama kayo no'n!?"
Hindi ko siya sinagot dahil wala akong ganang makipag-usap.
Bumalik si Ethan sa pwesto namin. Kinausap niya si Yella. Nakunot ang noo ko nang si Yella naman ang umalis.
Dala-dala na niya ang bag ko pagkabalik niya at ibinigay kay Ethan ang susi ng kotse.
Inalalayan nila ako palabas ng bar at papunta sa parking lot saka nila ako isinakay sa kotse ko. Nakatulog na ako sa backseat at hindi na nalaman ang sumunod na nangyari.
YOU ARE READING
State Of The Present
RomanceA wounded heart can be said to have healed, but over the long time, someone's heart was returning to the past, hoping to bring back yesterday's memoirs.