Chapter 4

112 57 1
                                    

Padabog kong ibinaba ang hawak kong bag sa couch pagkapasok sa condo. Nagulat si Yella kaya nilapitan niya 'ko.



"Anyare sis?"



Dinapuan ko siya ng tingin at saka nagsalita. "Ethan's here,"



Nakunot ang noo niya. "Ha? Anong nandito si Ethan?"



Hindi ko muna siya sinagot. Napapikit ako sa inis. Bakit naman ganito ang tadhana? Sinasadya ba talagang pagtagpuin kami?



"Mukhang bibili siya ng condo dito... I mean 'sila,'"



Nakita kong naguguluhan si Yella. Napabuntong-hininga nalang ako.



"Nakita ko si Ethan sa lobby, kasama niya 'yung girlfriend niya. Nagtatawanan sila roon." I bitterly said, rolling my eyes.



Napa 'ahh' si Yella at tumango-tango pa. "Eh, ano naman ngayon kung nakita mo siya dito?" Nagcrossed-arms pa siya.



"'Di ba nga, sinabi ko, baka bibili siya ng condo rito," naiiritang saad ko.



Mukhang na-gets na niya. "At ayaw mo 'yon dahil alam mong magkikita kayo nang madalas... at kasama pa 'yung girlfriend niya," Dahan-dahan pa siyang tumango-tango habang nakalagay ang kamay niya sa baba niya. I just rolled my eyes.



Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng shirt at cotton shorts.



Humiga ako sa kama at inabala nalang ang sarili sa phone. Hindi ko alam pero bigla kong naisipang tingnan ang ibang social media accounts ni Ethan. Hindi niya pinalitan ang username niya kaya nahanap ko kaagad.



Instagram — @e.paulmndz



Nag-scroll ako sa instagram account niya. Madalas na siyang mag-post ngayon. Pinindot ko ang isang post na may hawak siyang cake. Naalala kong birthday niya nga pala noong isang araw.



Wala naman siyang post na silang dalawa lang ng girlfriend niya kaya pinindot ko nalang ang pinakahuling post.



Ito yung in-upload niya sa facebook na kasama ang buong family niya. At ito lang yata ang post na magkasama sila.



I tapped the photo para makita ang tags. Dumapo ang paningin ko sa tag na nakalagay sa pwesto nilang dalawa. I clicked the girl's instagram account.



Instagram — @stellavrodrigo



So... this is his girlfriend. I scrolled down her ig account. Aaminin ko, maganda siya, mukha siyang mahinhin. Parang sya 'yung babaeng hindi mo magagawang saktan.



Tinignan ko ang mga posts niya. Siya lang pala ang nagpo-post ng pictures nilang dalawa. I think she really loves him.



I clicked one of her posts that she's with Ethan. They were at the seashore, watching the beautiful sunset slowly losing its aura.



Nakaupo sila sa buhanginan, nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Ethan. Kinuhanan sila ng picture mula sa likuran nila.



She captioned it '1st'. It was posted 2 months ago.



I think it's their 1st Anniversary or Monthsary as a couple.



Ethan didn't post something like this. But why the heck I even care?



Inirapan ko na lamang ang sarili at itinigil ang pangi-stalk sa kanila. Wala naman akong mapapala.



Days passed. At sa mga araw na 'yon, madalas kong nakikita sina Ethan at Stella sa building. Ngunit sa tuwing dadapo ang paningin nila sa akin ay umiiwas ako ng tingin.



Ngayong araw ipapalabas ang movie namin ni Miguel sa mga cinema. Niyaya niya akong panoorin daw namin ito. Parang ang awkward naman. Hindi naman kasi namin pinapanood ang mga past movies namin dati. At tsaka parang niyaya niya na rin akong makipag-date.



Sumama nalang din ako para naman makapamasyal na rin. Susunduin niya na raw ako kaya nag-ayos na ako.



Parehas kaming naka-shades ni Miguel. Maraming tumitingin sa amin habang naglalakad kami sa loob ng mall at papuntang cinema.



Yung iba nama'y hindi na nagtataka dahil ang akala nila'y nasa dating status kami ni Miguel.



"Omg! Gurl, look at them." Pabulong na sigaw ng kasabay naming naglalakad sa kaniyang kasama. Hindi ganoon kalayo ang pwesto nila kaya naririnig ko sila.



"Manonood rin yata sila, ang cute! Tara tabihan natin." Bulong din ng kasama niya. Tumingin ako kay Miguel at nakita ko siyang nakangiti.



Pagkakuha namin ng tickets at popcorn ay pumasok na kami sa loob. Umupo kaming dalawa sa gitnang bahagi, maganda kasi ang pwesto kapag dito.



Nakita kong sumunod 'yung dalawang babae kanina at umupo sa tabi ko. "Hi po, pwede pong magpa-picture?" Tumango lang ako at nginitian sila. Kinalabit ko pa si Miguel para tumingin sa camera.



Nag-thankyou sila kasabay ng pagpatay ng ilaw. Magsisimula na ang movie.



Puro tilian ang naririnig namin. Sinasaway naman sila ng iba dahil hindi raw sila makapag-focus sa panonood. Kumain din kami ni Miguel sa isang restaurant pagkatapos manood.

State Of The Present Where stories live. Discover now