Chapter 8

67 35 0
                                    

Days after.



I started to pack my things na dadalhin ko papunta sa Palawan, at pinilit ko talaga si Yella na samahan ako kaso ayaw niya talaga.



"Friendship over..."



"Ito naman! Hindi naman kasi ako imbitado kaya bakit ako pupunta?" pagdadahilan niya.



Huminto ako sa ginagawa at tiningnan siya. "Sige na, huwag ka na magdahilan ng kung anu-ano," 



"Basta ikaw na muna ang bahala rito, huwag ka lang magpapapasok ng kung sinu-sino lalo na ng lalaki, okay?" Kumunot ang noo niya pero nginitian ko lang siya.



Pagkatapos ko mag-ayos ng mga dadalhing gamit ay gumayak na ako para sa flight ko papuntang Palawan. Nakapag-book naman na ako ng ticket.



And this can also be a short vacation for me.



"Mag-iingat ka roon, ha, and don't forget my pasalubong," saad ni Yella pagkababa ko ng sasakyan. We're already here on the airport.



"Sige, bye," Ngumiti ako at hinintay munang makaalis ang sasakyan bago naglakad patungo sa loob.



Twenty minutes pa bago ang flight kaya naghintay muna ako sa mga vacant chairs. Binabati ko rin pabalik ang mga taong napapadaan at bumabati sa akin.



Bukas ang wedding at ngayon ako bi-biyahe, mabuti na rin 'yon dahil na-miss kong ka-bonding ang mga college friends ko.



"Hi Miss Nadia, bakit hindi niyo po kasama si Sir Miguel ngayon?" tanong ng isang babae na nasa harapan ko.



They really think that there's something going on between Miguel and I.



"Miguel and I are just friends. Walang namamagitan sa amin, saka hindi naman namin kailangang magkita at all times." Paglilinaw ko.



Mukha ba 'kong maldita sa sagot ko? Hindi ko nga alam kung tama ba 'yung sinabi ko o kung bakit nasabi ko 'yon.



Mukhang nagulat siya sa sagot ko kaya nahihiyang nagpaalam nalang siya agad.



Nag-announce na ang airline for boarding kaya naman naghanda na ako.



Pagkapasok at pagkaupo ko pa lamang sa eroplano ay tinawagan ko na si Gabbie, the bride-to-be.



"Hi Gabbie!"



"Hi Nadj! Long time no chitchats," masayang bati niya.



"Oo nga, eh, but I'm on my way there, see you nalang, bye!"



"See ya!"



A short conversation and I already ended the call. I also take a nap.



Nagising nalang ako nang mag-announce na for landing. We're now in Palawan.



Gabbie gave me the exact location of her wedding venue. Nag-book na kaagad ako ng ride at tinungo iyon.



After some hour, nakarating na ako sa location. Sa isang beach resort.



Sinalubong ako ni Gabbie at ng iba pa naming kaibigan.



"Nadj! We missed you!" They genuinely said and hugged me.



"Na-miss ko rin kayo! And to Gabbie, congratulations!"



"Thank you!"



"Big time ka na ngayon. I'm so proud, may artista kaming friend!" Pagbibiro ni Liz na tinawanan naman namin.



"Tara sa loob! It's hot in here," Reklamo naman ni Celina. Hanggang ngayon talaga ganiyan pa rin siya.



Pinakita muna nila sa akin saglit ang ibang bahagi ng resort bago kami nagpunta sa mismong gaganapan ng kasal.



Hindi gaanong kalakihan ang resort pero maganda ang ambiance dito. Wala ring tao maliban sa amin at sa mga staffs ng resort. Ang mga partner naman nila ay may inaasikaso rin daw.



"So how's the showbiz industry?" Gabbie asked.



"Hindi ganoon kaayos, sakto lang," Natatawang sagot ko.



"Paaano ka nga ba napasok diyan? Hindi ba dati balak mong maging 'CEO'?" tanong naman ni Kaye. In-emphasize niya talaga ang 'CEO.'



"I don't know, I just grabbed the opportunity that was given to me. And that plan was not just mine after all. You know, after that 'thing' happened, hindi ko na rin alam kung anong iisipin ko."



"Oooh, yes, you planned that with-"



"Right," I chuckled. Remembering the time when Ethan and I planned our dreams together.



Tumawa rin sila nang mapagtanto kung sino ang pinag-uusapan namin.



"May balita ka ba sa kaniya?" tanong naman ni Liz.



"Oo naman," confident na sagot ko. Tinukso nila ako dahil doon pero pinagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.



"And guess what? We're on the same condo building," Natatawang sabi ko.



"Oh my god,"



"Nakakaloka!"



"Tadhana yarn,"



"Chance niyo na yata 'yan!"



Lumabas na naman ang pagiging mapanukso nila. Nagkwento ka pa kasi Nadia.



"May girlfriend siya, guys, okay?" dagdag ko.



"Ouch naman,"



"Tara shot, Nadj,"



Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami roon tungkol sa mga buhay nila hanggang sa lumubog ang araw at napagpasiyahan na naming magpahinga. Beauty rest daw ng bride-to-be at siyempre pati kami.

State Of The Present Where stories live. Discover now