Chapter 2

106 57 0
                                    

Gumising ako kinabukasan na medyo mugto pa ang mata. Hindi ko na napigilang umiyak matapos naming mag-usap ni Yella.



Bumangon ako na suot pa rin ang white t-shirt at leggings ko. Lumabas ako ng kwarto na papikit-pikit pa ang mata. Naabutan ko si Yella sa kusina na nagpi-prito ng itlog at bacon.



Ginawa na niya talagang all-around ang trabaho niya. Sa guest room ng condo ko natutulog si Yella.



Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Pumunta na rin ako sa kusina pagkatapos.



"Good morning, madam!" Masiglang bati niya sa akin, nginitian ko lang siya. Inilagay niya ang mga naluto niya sa plato at inilapag sa lamesa. Nandoon na rin ang fried rice na sinangag niya kanina.



Sabay kaming kumain nang tahimik. Napansin kong tingin nang tingin sa akin si Yella. Problema nito?



"Kumain ka na nga diyan, uubusin ko 'to." Biro kong sambit. Iniwas na niya ang paningin niya at nagpatuloy nalang sa pagkain.



Matapos naming kumain ay naisipan kong maglinis-linis muna sa condo ko. Syempre kahit naman artista ako, ginagawa ko pa rin 'to, sino bang hindi.



Tinulungan ako ni Yella. Nagpatugtog ako ng masayang kanta habang naglilinis kaming dalawa.



Umabot rin kami ng isang oras sa paglilinis at pawisan kaming dalawa. Kumuha ako ng towel sa kwarto.



Habang nagpupunas ng pawis ay narinig kong tumutunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Miguel, nagdalawang isip pa 'ko kung sasagutin ko ito ngunit sinagot ko rin naman.



"Hello?" Panimula nito.



"Hi, napatawag ka?"



"If you don't mind, may I ask, who's Ethan?" Dire-diretsong sabi nito, napanganga 'ko dahil sa itinanong niya. Napaka-straightforward naman nito.



Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Bakit niya naman itinatanong yan!?



"Uhm.. why are you asking?" Mahinahong tanong ko. Sinagot ko ang tanong niya ng isa pang tanong.



"I am just curious. Hindi ko kasi naitanong sa 'yo kahapon." he said.



"I think he's the one that we should not talk about, and.. I'm really sorry for my actions yesterday," ani ko.



"Is he an ex-boyfriend of yours?" Hindi niya pinansin ang huling sinabi ko. Hindi niya ba talaga 'ko titigilan?



Huminga ako nang malalim at muling nagsalita. "Yes.. he is,"



"Do you still love him?" tanong na naman niya, naiirita na 'ko. I bit my lower lip.



"Please, stop," Pinipigilan kong magalit sa kaniya.



"Okay, I'm sorry. I am just worried about you," malambing nitong sabi kaya napasapo nalang ako sa noo ko.



"Thank you, and I appreciate you, Miguel, but you don't have to be worried about me. Sige, I will end this call na,"



"Okay, take care," Nagpasalamat nalang ako after niyang sinabi 'yon at ibinaba na ang tawag.



What the hell was that? Bakit kailangan niya pang itanong ang mga ganoong bagay?



Napapansin ko naman noon pa na parang gusto niya 'ko. Dahil na rin siguro pinagtambal kami. Ang dami pa ngang humahanga sa nabuong 'loveteam' namin, pero hindi ko naman inaasahang aabot siya sa ganyang mga tanungan.



Isinantabi ko na lamang ang nangyari. Naligo na rin ako dahil ang lagkit na ng katawan ko. Nagsuot lang ako ng comfy shorts at t-shirt pagkatapos.



Habang nagpapatuyo ako ng buhok, pumasok sa kwarto ko si Yella na dala-dala ang phone niya.



"Nadz, pwede ko bang itanong? Anong full name ni.. Ethan?" Nagdadalawang-isip pa yata siyang itanong.



Natawa ako, "Bakit mo natanong?" Takang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa buhok kong pinapatuyo ko gamit ang blower.



"Wala.. ise-search ko lang sa social media." Alanganin pa siyang natawa. Napahinto ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya. Kinabahan pa yata siya.



Ang huling pagtingin ko sa social media niya ay noong nakaraang taon pa. Wala naman kasi siyang gaanong ina-upload.



"Ethan Paul Mendez," sagot ko sa tanong niya kanina.



Ngumiti lang siya sa akin at nagsimula nang magtipa sa phone niya. Umiling-iling nalang ako.



After kong patuyuin ang buhok ko ay tumingin ako sa kanya. Nakita kong bahagyang nakanguso ang bibig niya habang nakatingin sa phone niya.



Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang hawak niya. "Patingin nga."



Nag-scroll ako sa facebook timeline ni Ethan. May bago siyang post na kaa-upload lang kahapon.



Picture ito kasama ang buong family niya na may caption na 'Ohana'. Ngayon ko lang yata nakita ang buong family niya na magkakasama. Noon kasi ay nasa ibang bansa ang mga nakatatandang kapatid niya.



Naagaw ng pansin ko ang katabi niyang babae. Parehas silang nakangiti at nakahawak si Ethan sa baywang nito.



"May girlfriend," Tinig nanunukso ang boses ni Yella kaya inirapan ko na lamang siya at ibinalik sa kaniya ang phone niya.



See? He moved on.

State Of The Present Where stories live. Discover now