Chapter 1

147 58 1
                                    

Pagod kaming umuwi ni Yella sa condo kaya't pagkapasok ko pa lamang sa kwarto ko ay humilata na agad ako sa kama. Gabi na rin kasi kaming nakauwi dahil sa traffic.



"Nga pala, may kausap ka raw na lalaki kanina, sino 'yun?" curious na tanong ni Yella habang naglalakad papunta sa sofa ng kwarto ko, sumunod pala siya sa 'kin.



"Huh?"



"Huwag ka nang tumanggi, sinabi sa 'kin ni Guel kanina habang hinihintay ka naming matapos na magpalit ng damit sa restroom," tugon niya kaya napabalikwas ako at naalala ko si Ethan.



Naalala ko pang nabanggit ko siya sa kissing scene namin ni Miguel kanina, nakakahiya.



"I told Guel, he's just an old friend!" Kumunot ang noo niya dahil sa pagsigaw ko. She's not that kind of person na magugulatin kapag sinisigawan ng isang tao kaya ganiyan ang reaksiyon niya.



"Wait, why is your reaction like that? Nagtatanong lang naman ako," nagtatakang sabi niya kaya't napaiwas ako ng tingin.



"Bakit ba curious kayo?"



"Wala lang, baka kasi mamaya, may secret boyfriend ka.. na pati sa akin, tinatago mo." Nagtaas pa siya ng kilay at humiga sa sofa.



What the heck!?



But speaking of that guy.. galit pa rin kaya siya sa 'kin? Pero kanina, he said 'It was nice seeing you again.' daw. I think he moved on?



Of course, Nadia, he moved on! Baka nga may girlfriend na siya. Sure ako meron na 'yon, ang daming nagkakandarapang babae roon.



And yes, he's my ex-boyfriend, we broke up 3 years ago, so imposibleng wala siyang nahanap na bago. Ako lang siguro 'tong hindi pa gaanong nakakamove-on. Kahit ako naman ang nakipag-break.



"Hey! Are you listening?" tanong ni Yella dahil natulala ako sa pag-iisip sa lalaki.



"Ha? Ano 'yon?" Napalingon ako sa kaniya, nanliliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.



"Teka nga, may tinatago ka ba sa 'kin? Sino ba 'yung lalaking 'yon? Boyfriend mo nga?" Bumangon siya at umupo na lamang sa sofa. Ayan na naman, lumabas na naman yung pagiging intrimitida niya.



Bukod sa pagiging P.A ko, kaibigan ko na rin si Yella kaya ganiyan na ang trato namin sa isa't isa. Actually, naging kabigan ko muna siya bago ko siya naging personal assistant. Naiku-kwento ko naman sa kaniya ang ibang past relationships ko pero hindi ang tungkol kay Ethan, ang alam niya lang, may ex akong' ako mismo ang nakipaghiwalay.



"Ex ko 'yun," biglang sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata niya at lumapit sakin.



Hinampas niya 'ko ng unan kaya natawa nalang ako ng bahagya. "Nakakaloka ka!" gigil na sabi niya. Umupo siya sa kama ko.



"Bakit hindi mo sinabi kanina!? Hindi ko manlang nakita!" reklamo niya, umakto pa siyang nagtatampo sakin at inirapan ako.



Natatawa pa rin ako sa inaasta niya. Umupo ako para maayos kaming mag-usap.



"So, sino sa exes mo? Joseph? Oliver? Fra-" pinutol ko na ang sinasabi niya, baka mamaya abutin kami ng ilang oras sa dami ng pangalang babanggitin niya. Pero syempre, joke lang! Flings nga lang din ang iba.



"Ethan," sagot ko. Pilit na ngumiti.



Nakunot ang noo niya. "Wala ka namang naikwentong ganiy-Ay teka! Ito ba yung ex mong hiniwalayan mo?" tanong niya. Lahat kasi ng naging exes ko, sila ang nakipagbreak sa akin, si Ethan lang ang hindi.



Hindi ko naman dinamdam yung pakikipagbreak nila sakin.



Dahan-dahan akong tumango kay Yella. "Hulaan ko, you haven't moved on yet?" mahinahong tanong niya kaya't napatango nalang ulit ako.



"Pero ikaw ang nakipaghiwalay kaya.. bakit?" dagdag na tanong niya. Hindi ko alam pero bigla nalang nanubig ang mata ko. Nagiging OA.



"Siguro kasi.. mahal ko pa rin siya. Na after all these years, may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya," tumingin ako kay Yella at tipid na ngumiti.



"But why did you break up with him?" malungkot na tanong nito. Napakagat ako sa labi ko.



"Let's say.. I rejected his proposal."



Tumuwid siya ng upo at titig na titig ang matang nakatingin sa akin.



"Wala pa naman kaming napapatunayan sa mga sarili namin. Saka parang masyado pa kaming bata para magpakasal that time. Kaya.. I decided to break up with him," I forced a laugh.



"Is that enough reason para maghiwalay kayo? Pwede niyo namang pag-usapan na.. huwag muna kayong magpakasal, yung engaged lang,"



"Pero mapilit siya, gusto niyang madaliin." Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang mata kong may namumuong luha. "Alam kong hindi gano'n kalalim yung rason ko para makipaghiwalay sa kanya.. pero wala, bumitaw rin ako."



"But until now, I know, I still love him,"

State Of The Present Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt