Chapter 13 - Mrs. Aminah de Salva-Marquez

955 22 2
                                    

An inaudible voices coming from outside Amina's room woke her up. Tila ba may pagtatalong nagaganap mula roon. Slowly, she opened her eyes. The familiar scent and interior of her room greeted her.

Napabalikwas siya ng bangon nang maalala kung ano ang nangyari. Paano siyang nakauwi?

"Ate!" Nagmamadaling lumapit sa kanya si Knaomi.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ito. Oh, thank God she's safe!

"W-what happened? H-how did you find us?" Ang una niyang bungad na tanong dito.

Ang huling alaala niya ay nasa delikado silang sitwasyon ni Travis--

"S-si Travis? Nabaril s-siya, Knaomi! Where is he? Is he okay?" Sunod-sunod niyang tanong. Her body aches a little when she attempted to get out of the bed abruptly.

"Calm down, Ate Aminah. Travis is in the hospital. Knoelle is there to attend his needs. Everything's fine. Higa ka na ulit." Nakikiusap ang anyo ni Knoami si kanya. Banayad siya nitong inaalalayan upang bumalik sa pagkakahiga.

"This is an urgent matter, Knife. W-we have to move quickly or else the Martensii's might hurt her."

"I won't let that happen, Mom. I promise I'll protect her from them."

"You should! It's you and your father's fault in the first place. You let those scumbags run our lives here!"

"Hon. Please lower your voice. She might here us. At isa pa, this is not the right time para magsisihan."

"Anong... pinagtatalunan nila?" Tanong niya sa kasama habang patuloy ang naririnig niyang pagtatalo sa labas ng kanyang silid. Na siya niyang ipinagtataka kung paanong nakauwi siya ng ligtas at kung paano rin sila nakaalis doon ni Travis.

Nagyuko ng ulo si Knaomi, biting her lower lip.

"Knaomi..." Untag niya sa dalaga nang hindi ito tumutugon.

Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa ang tatlong nagtatalo sa labas. They have the same expression on their faces and they look stressed out.

"Uhm, s-sila na siguro ang bahalang magsabi sa'yo ng lahat, Ate." Knaomi uttered.

"Aminah, hija. Salamat sa Diyos at gising ka na. Sobra mo kaming pinag-alala kanina." Her Mama Divine is emotional while saying that. Sinugod siya nito ng yakap.

Matamlay siyang ngumiti sa ginang.

"Are you feeling alright, sweetheart? Wala bang masakit sa'yo?" Her Papa Solomon asked. Bakas din ang pag-aalala sa mukha.

"I'm fine, Papa. Medyo m-masakit lang po ang balakang ko." Sa mahinang tinig na sagot niya. Dahan-dahan siyang umupo ng maayos sa kama. "Ahm, ano po palang nangyari? P-paano po akong nakauwi? S-sino po ang nagligtas sa'kin? Sa'min ni Travis?"

Nagkatinginan ang mga Marquez. Tila ba nag-iisip pa kung sasagutin siya o hindi. She saw Knife standing at the back silently. Seryoso lang itong nakapamulsa.

Solomon cleared his throat and sit beside her. Mukhang dito niya makukuha ang sagot sa kanyang mga katanungan at pagkalito. Umupo na rin si Divine sa kanyang tabi gayon din sa Knaomi sa tabi naman ng ina.

"Travis send us a distress call. Our security detail immediately took an action. The ring on your finger has a tracking device, right? And yeah, that's... how we found you and Travis." Maiksing paliwanag ng kanyang ama-amahan. Pero nakukulangan siya sa impormasyon. Parang sinasadya naman kasing simplehan ng Papa Solomon niya ang paliwanag upang hindi na siguro siya mag-usisa pa sa nangyari.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon