Prologue

214 22 37
                                    

8:36 pm
Texting with Ked Briones (SMS/MMS)

It's good to see you holding your diploma.

It's good to see you hugging her, though it hurts.

Congrats to both of you, degree holders.

Congrats din pala sa'kin, sa amin.

"You're foolishly talking to yourself again," a friend of mine commented.  Hinugot ko na lamang ang sarili kong salamin sa'king neckline. "Pero, okay na rin 'yang ganiyan. Nailalabas mo ang laman ng isipan mo."

I faced her with a distorted vision. Agad naman niya 'kong binulyawan, sakto sa chorus ng graduation song.

"Umiyak ka!" Hindi ako umiyak, tikom ang bibig na sinabi ko sa ewan.

"Ayan ang patunay!" she said, pointing my specs, subalit nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Nalagpakan lang 'to ng tubig nung uminom ako. Nang matuyo, nag-iwan ng bakas. Huwag na lang magpaliwanag.

"Punasan mo nga 'yan!" patuloy niya, naninigaw; kinakalaban ang sound system ng university. "Nakikita mo pa ba ang ganda ko niyan?!" I did what she told me. Pinunasan ko nga gamit ang laylayan ng aking toga. "Hindi ka pa ba masayang graduate na tayo?!"

Cailene's remark made me still. Apat na taon kaming naghirap, makatapos lang. But then, I don't know.

I hold her gaze, saka ko ikinurba ang aking labi. Sakto, pagkatalikod ko, natunghayan ko ang paghalik ng graduation confetti sa balikat nila.

Nila.

Mas pinasok ng lamig ang puso ko.

Maganda. Idagdag pa ang pagpalirit ng mga nagsipagtapos at paglipad ng kung kani-kaninong graduation caps sa ere. Habang sila nama'y nakangiti lang sa isa't isa na para bang ikakasal na sila kinabukasan.

Congrats. Paa ko'y nagkusang umatras. May pumatak namang sigaw mula sa kung saan.

"Punas luha, Ked!"

Mapakla akong napatawa. Ano namang pupunasan ko kung hindi naman ako umiyak?

Facing Guen's direction, muli akong napatawa't pinag-initan ng buong mukha. Paano, ang buo kong tropa na nakatanggap din ng diploma, nandito, mga handang dumamay.

Ikinuyom ko ang kamao ko't pinabayaang mapuno ng hangin ang aking baga. Wala akong dapat na ikaiyak. Pero, kung meron man, hindi dito. Susunggab ng yakap ang ilan na ikahahagulhol ko for sure.

Thankfully, humarang si Cailene. "Papaiyakin niyo lang!" she yelled, knowing na bubuhos lang ang luha ko rito once may mangyakap sa'kin.

Sinakop niya ang palad ko't itinakas na papalabas nitong auditorium, opposite sa dinaanan ni Derick — the man behind my elation, and at the same time dejection, desolation.

Nagpatialon ako. Kasabay ng aming pagtatapos ay ang paglimot ko sa kaniya. Bumigat ang aking katawan dahilan ng aking paghinto... Heto na naman at kinukwestyon ko ang aking sarili. Bakit hindi ko pa nga ba sinimulan noon?

Hinila akong muli ni Cailene at ng bakla kong kaibigan patungo sa gitna ng ground. Naghihintay roon ang buong batch. Bakit nga ba?

He was my stress alleviator amidst our devastating college journey. He was my means of escape; my safest haven. So, how?

Nagitgit ako sa gitna. Kung sino man itong nakalambitin sa braso ko ay hindi ko na mapapangalanan. Wala ng oras para manuri. I smiled; siya namang pag-ilaw ng Fujifilm X-T4 ng aming school photographer.

Ito na ang huli naming kabanata.

This has to be. Nang makausad din; makapagsimula ng bagong buhay.







Subalit, bakit ganito?







Exposure Therapy
Written by arriettyvill

Exposure TherapyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon