Chapter 1: Derick Cyd Medrano

116 17 89
                                    

Ked Viancé Briones
Exposure Therapy, 2018

Binali-baligtad ko ang library card ko. May bago kasing pauso rito, scanning device. At hindi ko maintindihan kung paano gamitin. Walang pinaskil na instructions. Wala ring pwedeng mag-assist. Nakabaon na lang ang talampakan ko sa takong ko, hindi pa rin ako magkaigi. Ipapasok lang ba? Kung oo ay ano, harapan o likuran?

Ang sabi ng librarian naming menopaused, book pass daw muna bago niya kami pahiramin ng libro, at ano namang ibibigay ko sa kaniya kung ganito 'tong device na 'to?

Napakaganit ng bunganga.

I hiked my sleeve, revealing just enough of my silver watch. The time. Recitation will start in 49 minutes. Wala pa kong nababasa kahit katiting.

I pressed my fingers against my temple. "Pakiusap lang," I told the invention.

Makailang-ulit kong isinuksok ang card; baka lang lumuwag-luwag 'yung pinagpapasakan; baka lang hindi na nito iluwa't isuka. Nang tanggapi'y ayaw ng magpahugot. "Argh!"

Sinilip kong muli ang bunganga ng invention, palad ko'y bumuka't sara, mga daliring sagad na ang pasensya. Gusto kong ug-ugin. Ihampas. Ibato.

Ano ba?!

Nanigas akong bigla dahil sa hanging sumusuot sa'king tenga. May kung ano sa tabi ko. Nilinga ko't agad na napaatras. Sa hindi malamang dahilan, bumaliko ang aking takong.

"Careful," aniya, nakasuporta na sa'king baywang. Ang laki niyang kabuti kahit kailan. "You should have called me for assistance."

Humawak ako sa upper arm niya bilang suporta. Sa kamalas-malasan, nanginginig ang mga daliri ko sa pinagsamang inis at ewan.

Ikinuyom ko na lang ang kamay ko para hindi niya maramdaman.

Tumayo siya nang tuwid matapos mabawi ang card na pagmamay-ari ng akala mo'y tagabundok, dahilan ng pag-straight ng aking tuhod at binti.

Bumitiw ako pero nakahawak pa rin siya sa likod ko. Hinugot niya ang book pass saka niya ako tinitigan. Sinalo ko naman nang buong tapang, umiiwas mapaghalataan.

I blinked. This close, you can easily define his eyes; coffee-colored partnered with thick lashes. Mukhang mabait ang loko, pero sa malayuan, ang intimidating at moody, yet hot with his clean-shaped eyebrows plus angled jaws na kung puwede lang patakan ng halik ay ginawa ko na. Baka nga inaraw-araw ko pa.

Umatras ako nang kaniya na 'kong bitiwan. I cleared my throat.

"Tingin dito, Ked."

Isinipit ko ang buhok ko sa magkabila kong tainga bago sumulyap sa ipinapakita ng lalaki. Isa akong aso, siya naman ang amo.

"See these numbers?"

"Mm," I replied, lips closed.

Nasa pinakaibaba ng card 'yung mga numero, pagkuwa'y itinapat niya iyon sa maliit na screen. Then, umilaw, stopping my heart from beating, hindi makapagtaas ng tingin. Ganun lang? Ganun lang 'yon? Ibinalik niya na sa'kin ang card, kalakip ang bagay na kailangang-kailangan ko.

Isinuksok ko sila pareho sa'king ID case. Samantala, ang paningin ko naman ay kunwa-kunwariang abala sa screen. Kung bakit ba naman kasi wala man lang instructions na ipinaskil dito?

Naroroon ang buo kong pangalan — Ked Viancé Briones. Sunod niyan ay lumabas na ulit ang book pass, thicker than a standard paper. Gaya kanina, siya pa rin ang kumuha.

"Ako na ang magtatapon," saad ko.

Tinuktok niya ang bunganga ng device na pilit kong sinusubuan kanina; mukhang walang narinig.

Exposure TherapyWhere stories live. Discover now