Chapter 2: See You Tomorrow

89 14 113
                                    

Ked Viancé Briones
Exposure Therapy, 2018

With one hand holding onto the chainbag, and at Mr. Thomas' signal, I subtly shifted my right leg to the northeast. Itinaas ko ang kamay ko sa may bandang sintido, tila hinahawi ang takas na buhok habang nakatingin sa ibaba. Kumindat naman nang sunod-sunod ang camera.

Muli kong ni-replay ang video sa'king cellphone; my lips nervously moving, almost as if chewing on them.

Hindi okay sa'kin na ako lang ang may maayos na maghapon, pero ito ako, may sariling mundo.

Hindi naman kasi siya naimik.

Alright. I sat up straight, bag covering my thighs. Ako dapat ang umimik. Ako dapat ang mauna dahil ako itong nagsabi na may pag-uusapan kami. For his sake, I shall stick to my plan.

I kept my gaze forward. "I want you out of my life, Cyd."

There, I said it. Nasabi ko na. Wala ng atrasan. Kung mas patatagalin ko pa, siya lang din ang mahihirapan.

Naghintay ako sa sasabihin niya for how many seconds. Nakaka-degrade ng confidence kung paaabutin ko pa ng ilang minuto, kaya naman hinila ko na ang handle ng pinto.

With a downward tug, the door surrendered to my touch. Unlocked.

"Reason?" he finally asked.

"I can handle myself," bwelta ko bago pa 'ko tuluyang magtampo. I just thought he didn't care. "Hindi na ako kasing bata ng iniisip niyo."

"That's all?"

Hindi ako nakasagot. Tanong ang panlaban sa tanong. "May ini-expect ka pa bang ibang rason?"

"I'm pulling you out of that company."

Naipirmi ko ang sarili kong paa gayundin ang pagtibok ng aking puso. Nga lang, ang paningin ko'y hindi ko naipirmi... Our eyes whispered secrets that only hearts could understand.

Exhausting, pero Wylex Apparel ang stepping stone ko para makapasok sa show business, tumaas man ang probability na ma-harass sexually.

Tiis-tiis, makakarating din sa paroroonan — mga katagang matagal ko ng isinaisip unang tapak ko pa lamang sa Wylex.

'Pull me out, Derick,' I yearned to convey, acknowledging his power to do so. Too bad, gusto ko ring bigkasin na manatili siya sa tabi ko up to the end of my contract, but then tama ang librarian. College student na 'ko; wala na sa playground para maglaro at maghanap ng kalaro.

Gumalaw ang kaniyang labi.

"Kahit pinananaktan ka na ng paa, hindi mo makuhang umupo. Hindi skirt ang problema, mga taong pinagtatrabahuhan mo..."

I folded my hands, naalala ang ginawang pag-amoy ni Mr. Thomas sa kahuhubad ko pa lang na stockings. Hinagod niya pa iyon sa ari niya't hindi ko na alam ang kasunod.

"Wala kang boses sa trabahong iyon dahil bata ka pa. Sunud-sunuran."

Itinuon ko na lang ang paningin ko sa unahan. Pinadama nilang wala akong karapatang makiusap sa kahit na kanino dahil bata lamang ako, puwedeng galawin, lamasin, romansahin.

Dahil sa pagiging mailap at walang sawa kong pakikipag-video call kay Guen, pagva-vlog na rin, naitataboy ko ang mga nagtatangkang manghalay, pero hanggang kailan effective ang mga 'yan?

"Break the contract if you really want me gone."

Bigla ay bumigat ang pisngi ko.

Kung gusto ko talagang mawala siya sa buhay ko, kailangan kong umalis sa Wylex. At dahil wala akong balak na isuko ang lugar na iyon, he knows that better than anyone, hindi niya ako iiwan. Tama ba ang pagkakaintindi ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exposure TherapyWhere stories live. Discover now