Chapter IV

7 2 1
                                    

"Okay na po. Kumpleto na lahat. Thank you so much po for your service!" I said sa mga manong na nagvolunteer maghakot ng mga gamit ko from my old apartment to my new condominium. Inabutan ko sila ng pera pero tinanggihan nila 'yon. Ipipilit ko pa sana kaso mukhang ayaw talaga nila kaya todo pasalamat na lang ako. Good karma na bahala sa kanila.

Nakapamewang ako habang nakatingin sa mga kahon-kahon kong mga gamit. I look at the time and it's already 3pm in the afternoon. Kailangan kong matapos mag-ayos ngayong araw para makapagpahinga na din ako. Parang napagod ako bigla just by looking at my things. Sobrang dami! Pero walang mangyayari kung tutunganga lang ako. Pinuyod ko ang buhok ko at nagsimula nang kumilos.

Inuna ko ang paglalagay ng mga kagamitan sa mini kitchen. Kaunti lang naman kasi ang mga appliances at utensils na meron ako kaya ito ang inuna ko. Next is the salas, dining and my bathroom. Tuwang-tuwa ako sa bathroom kasi may bathub pa tapos shower! Finally, makakaligo na ulit ako using a shower. Namiss ko 'to. Nang kwarto ko na ang aayusin ko ay sobrang pawis na pawis na ako at wala na akong energy para magtulak ng mga kagamitan kaya nagpahinga muna ako sandali.

I sat on the sofa and bring Pinky to my lap. Pinunasan ko ng towel ang buong mukha ko at tiningnan ang kabuuan ng natapos ko. Kaunti na lang! Medyo dumidilim na din pala. It's already 6pm. Ang bilis talaga ng oras.

"Do you like our new home, Pinky?" I asked my cute ragdoll cat. Hindi ako pinansin ng suplada kong pusa. "Oh. You love it? I love it too." Inayos ko ang pink collar ribbon na nakalagay sa leeg niya at nilapag na siya sa higaan niya. As I lay her something caught my eye.

Dinampot ko ang picture frame na nakalapag sa sahig. Basag ang salamin no'n, hindi ko yata nalagay ng maayos sa box. I took the picture and good thing ay walang damage 'yon. It's our family picture. My mommy, me and my kuya Oliver. May hawak akong picture frame kung nasaan ang picture ng daddy ko. Me and kuya are smiling at the photo samantalang si mommy naman ay seryoso ang expression. She has always been like that. Kaya ang daming takot sa kan'ya eh. Suplada din kasi siya. Buti na lang at hindi namin namana ni Kuya 'yon.

Until now, I'm still wondering. Anong klaseng tao kaya ako kung naabutan ko na buhay ang Daddy ko? Ang daya lang kasi I never had the chance to meet him. The day I was born is the day my father died. Sa lahat ng araw, bakit sa kapanganakan ko pa? Kaya never kaming nag-celebrate ng birthday ko eh. I know you're in a good place now, Daddy.

Kumusta na kaya si kuya Oliver? I hope Mommy is not being too hard to him. Sana hindi siya nappressure since mataas ang expectation sa kan'ya ng lahat. Napatitig ako nang matagal sa picture specifically sa mukha ni Mommy. Sobrang seryoso talaga niya. Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti? My heart still hurts everytime na maalala kong she disowned me infront of so many people. Even though we're not in good terms, I really hope she's doing fine.

Tinabi ko ang picture at nagsimula na ulit kumilos para ayusin ang mga kagamitan sa kwarto ko. It took me another hour to finish fixing my things and another hour para sa paglilinis at pagddispose ng mga boxes. When I look at the time it's already 9pm! Hala. Hindi ko namalayan ang oras. Buti na lang at saktong katatapos ko lang din maglinis.

Bitbit ang bote ng red wine and a glass ay dumiretso ako sa bathroom. Abot tenga ang ngiti ko nang nakababad na ang katawan ko sa baththub. This is so relaxing. Habang nagbababad ako ay nagpasiya akong mag-online. Wala man lang laman ang messages ko kaya nagbabad na lang ako sa facebook.

As I was scrolling at my newsfeed I saw pictures tagged with Carter. Tinatag niyo pa 'yan eh hindi naman 'yan nagffacebook. I was about to ignore it pero mas nanaig ang kuryosidad kaya sa huli ay tiningan ko din. It was pictures of him and his group of mayayaman na friends in a party. Kauupload lang so I think kagabi lang 'to? They were in a bar. Habang nagsccroll ako ay natigilan ako sa isang picture.

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon