Chapter VI

6 2 1
                                    

I close my eyes and force myself to sleep pero his face keeps on crossing my mind. Umikot ako ng higa at tumitig na lang sa glass window kung saan tanaw ang napakagandang city lights. This is the first time Carter apologize to me. I can't help but wonder kung anong meron? All these years ngayon niya lang naisipang mag-sorry? Ilang beses niya na akong napaiyak.

What's with the sudden change of behavior? Is this character development?

Napabangon ako at ginulo-gulo ang buhok ko. I need to stop thinking about him! Teka nga, paano nga ba ako makakatulog eh tulog akong maghapon sa opisana? Gosh! Imbes na pilitin ang sarili ko na matulog ay bumangon na lang ako at tiningnan ang lagay ni Pinky. She's sleeping peacefully. I'm glad she's okay now. I pat her head gently before going to the kitchen.

Habang nagtitimpla ako ng gatas ay panay ang browse ko sa instagram feed ko. I check my Mr. CPA's account and I click his icon to view his story. It's just a cup of coffee and no caption at all. Hindi ko pala siya nakita ngayong araw na 'to. I sipped on my milk at muntik ko pang maibuga 'yon nang may mapindot akong react button. Mabilis ko namang naiunsent 'yon.

Atsaka ko lang din na-realize na hindi niya pala ako finollow back?! Well, hindi naman niya ako kilala so bakit siya magffollow back 'di ba? Pero- hmp. Hindi ba ako gano'n ka-interesting?Bahala siya. Feeling gold, Dulce? Pero maganda nga iyon. He don't easily follow random girls.

Inubos ko ang gatas ko at bumalik na din sa kwarto ko. And finally after few minutes ay nakatulog na din ako. The next morning ay maaga akong nagising at pumasok sa office. Naunahan ko pa si Ate Linet. Hanggang tenga ang ngiti ko kasi sweldo day ngayon.

"Aba, parang  ang saya mo ngayon ah." Bungad ni Ate sa akin.

"Siyempre. It's my favorite day of the month. Samgyup tayo after work!"

"Libre mo?" Pang-aasar pa niya.

"Libre mo. Parang last time ako ang nanlibre ah."

"Pag-iisipan ko." I groaned at her response and she laughed. Ang daya!

Nakatulala lang ako sa pwesto ko habang ang kasama ko naman ay tinatapos ang paper works niya. Sana pala hindi na lang ako pumasok kung tutunganga lang pala ako maghapon dito. Mas gusto ko pa kapag marami kaming ginagawa eh. I was staring at the window when I notice something.

"Anong meron? Irrenovate na ba nila 'yong katapat nating office?" I asked nang mapansing inaayos na ang mga gamit do'n.

"Hindi. Balita ko diyan daw gusto mag-opisina si Sir. Wesley."

Mabilis akong napalingon sa kan'ya dahil sa narinig. "What?! Seryoso ba? Hala. Ang akala ko gusto niya sa 20th floor? Oh my God. Is he being serious?" I said in disbelief.

Natawa si Ate Linet. "Joke lang! Ito naman! Ang exaggerated ha. Gagawing extension 'yan ng office natin. Tambakan ng mga files."

No'n lang ako nakahinga ng maluwag. Buti na lang ay biro lang pala. "Huwag kang magbiro ng gano'n ulit. Kinabahan ako. Knock on the wood."

"Grabe ka naman sa poging CEO ng pinagttrabahuhan mo! Parang hindi ka nabaliw sa kan'ya dati ah?" Ito ang rason kung bakit nagsisisi ako na nagkwento pa ako sa kan'ya nang tungkol sa pagkakagusto ko kay Carter dati. She keeps on bringing it up!

"Kaya nga past na eh. Kahit kaunting pagkagusto nawala na. Sobrang tagal na pati no'n. High school pa kami, it's just a puppy love. Besides, I had boyfriends after him. Kaya tigilan mo na ako kaaasar sa kan'ya. And also! I like someone now." Mahabang litanya ko.

"Duda ako diyan sa pinagsasabi mo. First love never dies."

"Ewan ko sa'yo, ate! Ang boomer ng linyahan mo talaga basta I know to myself I'm not interested to him anymore and I don't have to prove that." Seryoso kong sabi.

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon