One-Shot #1: New Beginning

18 4 1
                                    

Nagpapataasan ang mga gusali mula sa 'di kalayuan. Tanging harang ay babasaging bintana rito sa kondominyum. Itinuon ko ang paningin sa tahanan ng may gawa ng langit at lupa. Hindi pa roon sumisilay ang haring araw ngunit ang ngiti sa'king labi ay oo.

Paano'y sa salamin, nakinita ko na ang repleksyon ng taong kaya akong paluhurin, baliwin. Walang pang-itaas. Magulo ang buhok. Pinamumungayan. Hinayaan ko ang sarili na malunod sa tanawin kasama ang mga alaala ng kahapon — kung paano kami nagsimula, nasira, at muling nagsimula.

Nang makalapit, sinakop niya ang lantad kong braso mula sa likuran. Lantad pagkat ako ay nakasando. He then rubbed his thumb... down, and up. Patuloy namang bumibigat ang talukap ko. Couldn't deny, nagagalak pa rin nang husto ang buo kong pagkatao, lalo na ang bagay sa dakong paroon.

Nang dumampi ang labi niya sa likod ng aking balikat, ako'y tuluyan na ngang napapikit. Mistula akong kandilang unti-unting natutunaw sa walang kamatayan niyang apoy. For some reason, umabot ang tibok ng aking dibdib sa sarili kong leeg, patungo sa kaibuturan ng aking buto.

Mala-ahas ang kanyang maskuladong braso, pumalibot nang buong-buo sa tiyan ko't bewang. Sinapo ko iyon, at napangiti... Our new beginning. Mas idiniin niya ang sarili sa akin; labi'y nasa ilalim na ng aking panga, umawang, saka masuyong humalik doon.

"Good morning," aniya.

CyclicOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz